AGAD siyang napataas ng kaliwang kilay nang makita ako. Nagapalam naman 'yong kasama niya na isang lalaki. Iyong una kong nakausap ay umalis na muna, may gagawin lang daw. Ako naman ay naninigas pa rin ang likod habang nakatingin ngayon ng diretso sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko ine-expect na magkikita kami rit. "I-Is that you?" Nanlalaki pa ang mga matang tanong ko sa kaniya. Umismid naman siya. "Cassandra Alonzo, right?" Natigilan ako sa sinabi niya. Agad akong umiling. "It's Cassie," sabi ko sa kan’ya. Napatango-tango naman siya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, plain white shirt ang suot niya, katulad ko na naka-white din ang pinagkaiba ay halatang uniporme iyong sa kaniya. May name plate pin kung saan 'LUKAS Y' ang nakalagay doon. Bigla kong naalala na sinabi niya r

