"NASAAN ka na?" Kakapasok ko lang no'n sa kuwarto at nakatanggap ako ng tawag mula kay James. Siyempre, nakaramdam na naman ako ng excitement. Pero medyo pinigilan ko na muna ang sarili ko na 'wag ma-excite ng sobra. Hindi ko kailangan na seryosohin 'to dahil hindi ko naman hawak ang utak ni Kuya James. Baka niloloko niya lang ako. Hindi ko na talaga alam kung anong parte ng utak ko ang papaniwalaan ko! Enjoy the moment lang kasi, huwag mag-overthink. "Don't worry, wait for me after lunch," sabi niya. Wala sa sariling napangiti naman ako. "Ano ba, Bling?! Sabi ko, no cellphone muna 'di ba?" na-freeze ang ngiti ko nang may babaeng nagsalita. So, may kasama siyang babae? Okay. "Hey, are you still there? I need to hangㅡ" Inunahan ko na siya. Pinatay ko na ang tawag. Ang aga-aga

