HINDI ko mapigilang mapa-hikab, inaantok pa rin kasi talaga ako ngayon. Baka dalawang oras lang ang tulog ko, 'diba? Napairap naman ako. Gising, Cassie. Gumising ka, parang awa mo na. Paulit-ulit kong pina-paalalahanan ang sarili ko na kailangang gumising ang diwa ko at saka nagpatuloy sa trabaho, nasa kabilang room si Clare. Magkatabi kami ng cubicle pero lagi naman siyang wala sa puwesto niya dahil maya’t maya tinatawag siya ng Bruha. Bruha rin si Clare dahil siya talaga ang pinaka-tamad magsuklay. Sino pa bang bruha ang tinutukoy ko ngayon? Edi si Alvara. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng inis nang maalala ko na naman ang nalaman ko kanina tungkol kay Kuya James at saka kay Alvara. Nakakainis talaga, grabe. Bakit nga ba ako naiinis? Ewan ko! Basta nag-iinit ang dugo ko lalo

