GUSTO ko nang pumikit. I just want to focus on my work. Mas gugustuhin ko pa na utos-utusan ako ni Alvara kaysa makita ang nangyayari ngayon. Nasa amusement park na kami. Hindi ko man lang nagawang magreklamo. Hinayaan ko lang sila. "Ang tahimik mo yata, Clare. Hindi ako sanay," sabi ni Cassie sa akin. Naglalakad-lakad na kami sa park. Tf, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kasama ako? Kung date nila ito edi sana sila na lang, hindi iyong sinama pa ako rito. Parang mga nanadya ba sila. Kasalanan ko rin kasi hindi ako umaamin sa feelings ko. Pero para saan pa? Ngayong si James ay kay Cassie na. "Out of place," sabi ko at inirapan ko siya. Tahimik lang talaga ako kasi silang dalawa, magka-holding hands pa at nagkakatawanan. Ang sweet nga nila eh, iyong tipong

