HINDI ako makatulog. I can’t get rid of James in my mind, he’s my boyfriend. Sandali, dapat ko pa ba siya tawaging na boyfriend ko? Naalala ko lang iyong mga salitang binanggit ni Alvara bruha. Ang dami-dami ko nang iniisip pati iyong sitwasyon ngayon. Iyong baril… paano pala kung may nangyaring hindi maganda kay James? Nag-aalala pa rin ako. I sniffed. Kanina ko pa napapansin na parang naaamoy ko si James. Parang amoy James ‘tong comforter sa kamang ‘to. Sana lang talaga ay nasa maayos siyang lagay ngayon. Napamulat kaagad ang aking mga mata nang marinig ko mula sa kuwartong ‘to ang boses ni Satana. “Honestly, he wasn’t the Sebby I have met. He changed a lot!” sabi nito. “Seeing Logan and Kandlea together has had a profound effect on him.” That voice. I know that it was fro

