Dahil linggo ngayon ay naisipan ni Allen na yayain silang mag-picnic sa park ng exclusive subdivision na iyon. Naghanda sila ng makakain, nagdala rin sila ng mga tent kung sakaling biglang uminit. "Wow Tatay, excited na po akong mag-picnic" Masayang sabi nito hahang naka-kalong sa ama. "I'm excited too, Son" At hinalikan ito sa may ulo. "Look Tatay, ang dami pong naglalarong mga kids" Masayang sabi nito nang habang itinuturo ang mga bata. "Yes Son, why don't you join them?" Bigla itong nalungkot. "Nanay said I'm not yet allowed to play hard kasi mapapagod daw po ako. Nagpapagaling pa raw po kasi ako" "Your Mommy is correct, pero nandito naman si Daddy. Hindi ka naman mapapagod ng sobra. Tara let's go" At hinila na ito ni Allen. Nakatingin lang siya sa mag-amang naglalaro sa playg

