Nang matapos kumain ay sumama ang anak niya sa kwarto kasama ang mga kapatid niya. Naiwan naman sila ng nanay niya sa may sala. "Anak, kumusta naman ang kalagayan ng apo ko?" "Nay, matagumpay po ang operasyon kay Alexander" Ngiti niya sa ina. Kita niya ang saya sa mukha ng Nanay niya "Salamat naman sa Diyos kung ganoon, e ikaw? Kumusta ka na?" Seryosong tanong nito sa kan'ya. Nagtatalo ang isip niya kung sasabihin ang nangyari. Hindi pa niya kayang magkwento sa ngayon, natatakot siyang baka bumalik na naman ang sakit ng nanay niya, mahina pa naman ang puso nito. "O-okay naman po ako Nay, huwag niyo po akong alalahanin" Ngiti niya. "Anak, hindi sa pinanghihimasukan ko ang buhay mo pero gusto ko lang malaman kung anong nangyari sa inyo ni Franco?" Hindi siya agad nakaimik sa tanong

