"Please, Allen huwag!" Samo niya habang tinatakpan ang hubad na katawan. "Remember what I told you, Samantha? Gagawin mo ang lahat-lahat ng gusto ko hindi ba?! O baka gusto mo nalang makulong?" Ngisi nito sa kan'ya. Hindi siya pwedeng makulong. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay mula sa pagkakatakip. Wala siyang nagawa nang angkinin nito kung hindi ang umiyak nalang at lihim na magdasal na sana ay matapos na rin ang lahat ng ito. Nagising siya na wala na si Allen sa kwarto, akmang lalabas na siya nang mapansing niyang nakakandado ang pintuan nang subukan niya itong pihitin pabukas. Nang tumingin sa side table ay agad niyang nakita ang nakahandang pagkain. Starting today you will be my prisoner. Iyon ang naka sulat sa note na iniwan nito. Agad siyang nakaramdam ng ibayong takot.

