Iniwan niya muna si Alexander sa nanay niya, eto ang unang araw ng paghahanap niya ng trabaho. Marami siyang pinuntahang lugar pero hirap siyang matanggap dahil hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral. Hanggang 4th year highschool lamang siya. Halos sumuko na siya sa tindi ng sikat ng araw. Idagdag pa na tinitipid niya ang pera niya para sa pang-gatas ng anak niya kaya naglalakad na lamang siya. Saglit siyang naupo at nagpahinga sa isang harap ng restaurant para uminom ng tubig. Nang makitang biglang idinikit ng isang security guard ang karatula na nangangailangan sila ng waitress. Agad siyang tumayo. Pinunasan muna niya ang pawis at agad nagtanong sa guard. Pinapasok siya nito at sinabing maghintay na lamang na tawagin siya. Nang makapasok sa loob ay namangha siya. Mukhang mamahal

