ALLEN'S SIDE (THIRD PERSON'S POINT OF VIEW) Ang Nakaraan... Ilang araw na niyang sinusundan ang kapatid niyang si Anthony. Ilang araw na niyang napapansin na parang malaki ang problema nito. Araw-araw itong pumupunta sa bar. At isang babae lang ang lagi nitong pinupuntahan. In-love ba ang kapatid niya? Kagabi ay nakita niya ang babaeng lagi nitong pinupuntahan. Inihatid nito sa kotse si Anthony at hinalikan naman ito ni Anthony sa may kabilang pisngi. Hindi niya maipagkakailang maganda nga ang babae at may maamong mukha. Idagdag pa ang maganda rin nitong pangangatawan. Kinabukasan ay hindi ito umuwi ng mansiyon nila. Kaya agad siyang nag-alala. Mabilis siyang naligo at nagbihis. Pupuntahan niya ito. Siguradong nasa condo nito iyon. Nagmamadali siyang bumaba. Palabas na siya nang ta

