Ramdam ko 'yong sama ng loob ni Sir Bailer kanina roon sa loob ng elevator. Hindi ako manhid para malito pa kung anong ibig niyang sabihin doon. For sure, ang tinutukoy niya ay 'yong kay Daen. Last time, may sinabi rin siya about doon pero mukhang na-disappoint ko yata siya sa decision na ginawa ko. Another sign na naman ito para mag-resign dito sa company. Dahil sa sinabi niyang 'yon, hindi ko na kayang harapin pa siya. Mahihiya at mahihiya ako. Though wala naman akong nagawang mali... 'di ba? Para namang may nalabag akong batas o ano. It's just that... teka... Napatigil ako sa pagta-type sa computer at hinilot ang sintido ko. Inabot ko ang tumbler sa bag at saka dire-diretsong nilagok ang tubig. Ngayong iniisip ko 'to... ano nga ba ang mali ko? Nasaktan ko ba si Daen kaya 'yon sin

