Halos kalahating oras na rin ang nakalipas mula nang pumasok kami sa room ko. Hanggang ngayon, wala pa ring nagtatangkang magsalita sa amin. Tahimik akong nakaupo rito sa sofa habang siya naman ay nakaupo sa harap ng mesa at kumakain ng chichirya. Tanging pagnguya lang niya ang naririnig ko. Lumulutang sa ere ang awkwardness, para bang may nakasulat sa hangin na malaking "awkward", nakaka-suffocate pero hindi naman ako makaalis dahil ramdam ko ang tingin at pagbabantay niya sa akin. Napayuko na lang ako at bumuntong-hininga. Ano ba kasing ginagawa niya rito? May business ba siya na kailangang attend-an sa resort na ito? O magre-relax lang din tulad ko? Ngayon ko lang din naisip pero posible bang kasama niya si Elise? Natandaan ko, may mga kinuwento sa akin si Elise na kasama raw siy

