"Nagagawi ka ba sa bahay ng tatay ko, Mee?" Pinatong ko ang mainit na chocolate drink sa mesa at naupo. Habang nagpapalaman ng tinapay, inipit ko ang cellphone sa pagitan ng tainga at balikat ko. "Minsan lang, bakit?" Sagot niya mula sa kabilang linya. Rinig ko ang mahinang kanta mula sa stereo niya, ang alam ko kasi ay nagda-drive siya ngayon. Pauwi ng work, though gabing-gabi na, napaisip tuloy ako kung sa work nga ba siya galing o sa lalaki niya. "Balak kong magpunta, e..." "Oh? Bakit? Uutang ka?" "Tanga, hindi." Pinagdikit ko ang dalawang tasty na tinapay at saka kinagatan. Lumabas agad ang palaman dahil sa dami ng pagkakalagay ko– timawa sa palaman, e. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil favorite ko ang mga ganitong chocolate flavored na palaman. "Eh, anong gagawin mo r

