Paano ko kaya sasagutin si Daen? Napag-isip-isip ko na dapat ko na siyang sagutin, deserve niya naman, e. Iyon din naman talaga ang balak ko at doon kami papunta. Nagkakaroon lang ako ng problema sa kung paano ko sasabihin na kami na, na oo ang sagot ko sa panliligaw niya. Ang gustong mangyari, maging memorable para sa aming dalawa iyong pagsagot na gagawin ko. Syempre, maganda kung maaalala namin tapos mangingiti kami, 'di ba? Though actually, sinubukan ko nang sasabihin sa kanya before sa mga random na places na pinupuntahan namin pero hindi ko alam kung paano ie-execute, ang kinalabasan ay hindi ko rin nasabi. Hindi bale, bukas ko na ito iisipin. Matutulog na muna ako sa ngayon. Maaga pa ang pasok ko bukas, pay day naman kaya walang problema. Kapag pay day talaga, daig ko pa ang n

