Nakatingin pa rin ako sa kanya habang kunot na kunot ang noo. Pinipilit kong i-digest ang bawat nangyayari pero sadyang walang pumasok sa utak ko. Ang alam ko lang ay– ang kapal ng mukha niya. Sinong nagsabi sa kanya na magpunta siya rito? Sa pagkakaalam ko, nagkasundo naman kami no'ng nakaraan na huwag siyang magpakita muna sa akin. "Gulat na gulat ka yata sa kapogian ko." Mayabang na sambit nito at tumawa na para bang nangmamaliit. Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong sinasabi mo d'yan? Mukha ka ngang ipis." "Sus, pero kinikilig." Pang-aasar niya at tinaas-babaan ako ng kilay. "Ano? Totoo ba?" "Anong ginagawa mo rito?" Pinagkrus ko ang braso at umismid sa kanya nang maproseso ko na ang nangyayari sa paligid. "Hay nako, Chain. Kanina ko pa 'to hawak, oh." Tinaas niya ang cardboard

