Nang maka labas si Romel at joy ng Hospital..Dahil magaling na ito ay umuwi na sila sa kanilang bahay.Naging maganda Ang Ani at huli ng kanilang banka maraming isda ibat ibang klase.Naging masagana Ang kanilang buhay habang sila ay nagtatagal na magkasama bilang isang pamilya.Lumalaki na rin Ang kanilang anak.Ngunit sa kabila ng kanilang pagsasama may kaakibat itong mga pagsubok.Isang araw may kumakatok sa kanilang pinto.pinag buksan sila ng pinto ni joy 'Sino po sila Ang Sabi ni joy sumagot naman Ang sa labas ng pinto dito po ba nakatira si Romel Daluyog.Opo dito nga po sabay tingin Kay Romel..Ano po ba sadya nila .Ang tanong ni joy .Ako Ang dati nyang kasintahan at ito naman Ang kanyang anak si junior .Parang binuhusan ng malamig na yelo Ang naramdaman ni joy sa gulat nya ay napa tingin sya sa mag Ina .Hindi nya alam Kung ano gagawin .Kung papasukin nya ba o itataboy.Sobrang sakit ng malaman ni joy Ang katotohanan.Tinawag nya si Romel at pinaka usap ito .Ngunit bakas din sa Mukha ni Romel Ang kabiglaan.Dahil Ang kanyang sekreto ay nabunyag na.Labis labis Ang kalungkutan nadama ni joy dahil sa tagal ng kanilang pag sasama ay may tinatago pala itong lihim. Pinapasok ni Romel Ang mag Ina at nag usap sila .Umupo Ang mag Ina sa Sala at sabay sindi ng sigarilyo ng Ina nito..Ang bata ay kamukhang kamukha ni Romel Hindi maipag kakaila na anak ni Romel Ang bata sa mata .ilong ay carbon copy nya Ang kanyang ama.Kumusta simula ng babae kina joy at romel." long time no see" pabiro nya Kay Romel..anyway Hindi naman ako mangugulo o mang aagaw ng asawa sabay hithit ng sigarilyo.Gusto lang ng anak mo makilala ka.At paki usap ko lang din na Sana sustentuhan mo na rin sya dahil Hindi ko kayang pag aralin ng mag isa Ang anak natin .paki usap ni maricel.Si maricel Ang unang naging kasintahan ni Romel nung nag tatrabaho pa sila sa cavite.Maganda morena may pag ka curly Ang buhok at may kataasan ito..Si joy naman ay tisay at straight Ang buhok matangkad din .Hindi malaman ni Romel Ang isasagot sa kaharap nito Kung papayag ba sya dahil kailangan munang maiintindihan ni Joy Ang lahat bago Ito nila tangagapin..Ngunit tumayo si joy at tumungo sa kwarto pag ka rinig nya ng pakay nito lihim na umiiyak si joy nasasaktan sya sa mga nangyari yari.Iniisip nya Kung pano ipapaliwanag sa anak nila ang nakaraan ng kanyang ama.Iniisip ni joy na walang kasalanan ang bata at Hindi nya dapat ito isali sa sama ng loob .Sumunod sa kanya si Romel at naki usap sa kanya na Kung maari ay tangapin nila Ang bata at tulungan ito sa pag aaral..Tumango lamang si joy at sabay sabing " sige Mahal Kita eh.kung sinong Mahal mo ay mamahalin ko din."Niyakap sya ni Romel ng mahigpit at nagpa salamat ..Lumabas sila ng kwarto na magkasama at naki pagusap sa mag Ina .Tinangap nila Ang bata at umalis na Ang Ina nito..