Chapter 05

4064 Words
Xynara's POV Nasa labas na ako ng room ni Lynuz. Naka-awang ang pinto nito. Sinilip ko kung ano ang ginagawa niya ngayon. Aba! May kasama siyang nurse. Napatingin siya sakin. Yay! Nakita niya ako -___- Muli siyang tumingin sa Nurse na kaharap niya. "Ako na ang bahalang magbayad ng hospital bill ni Cyrex Nycer. Kunin niyo dito sa card ko. Balitaan mo ako agad kapag nagkamalay na siya.." Sabi nito sa nurse. "Opo, sir. Lalabas na po ako" sabi ni Nurse at palabas na siya ng room nang makita niya ako. "Pumasok ka Ms. Sa loob. Pwede naman ang bisita" sabi ni Ateh. "OK po. Salamat po." Pumasok na ako at lumapit na ako kay Lynuz. "Hi! Kamusta ka na? Nagamot na ba ang sugat mo? Wala bang masakit? Kumain ka na ba?" Ih!!! Dami tanong ng Lola niyo ^///^. Ngumiti siya sakin.. Ang ganda niya ngumiti.. Ouch! Tinamaan ang puso ko nang pana ni kupido.. "OK naman ako. Bakit ka nga pala naparito?" Tanong niya. "Nandito ako Para mag pasalamat sa pagliligtas sakin." "Hindi mo na kailangang magpasalamat. Kailangan kong gawin 'yon para hindi mapahamak ang isa sa inyo.." Hindi lang siya gwapo, matapang at maalalahanin pa siya. Pinapahanga niya talaga ako.. "E paano na pala ang lakad niyo ni Girl? I mean, 'yong girlfriend mo na kasama mo nang istorbohin kita?" "Hindi ko siya Girlfriend." H-hindi niya girlfriend? E kahalikan nga niya? "Ano mo 'yon?" "Pampalipas oras lang." Wow bilis ng sagot!! Hahaha.. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Gano'n lang 'yon. Pampalipas oras? "Ah.. Ok. Ganun ba lagi ginagawa mo pag naiinip ka? Naghahanap ka ng pampalipas oras?" Tanong ko. "Oo. Mag-isa lang ako sa bahay ko kaya kapag naiinip ako, lumalabas ako ng gano'ng oras para maglibang.. Naiilang ka na ba sakin?" "H-hindi ako naiilang. Cool mo nga e. Mayaman ka siguro noh?" "Parang gano'n na nga.." Ma-mayaman siya? Halata naman kasi. May kotse pa siya. May love life kaya siya? Matanong nga. "May napupusuan ka bang babae ngayon? Sayang kapag wala." Kakaloka na mga tanong ko!! Feeling close na ako sa kanya^^ "Meron.. Kaso hindi pa kami pwede sa ngayon.." Biglang naging malamig ang boses niya nang pag-usapan na namin ang lovelife niya.. "Bakit? May iba ba siyang karelasyon ngayon?" "Oo. Naghihintay parin ako sa kanya hanggang sa pwede na kaming magsama.." Hayst.. Ang swerte naman ng girl na tinutukoy niya.. Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. Parang nakaramdam ako ng inggit sa Girl na 'yon. Sino kaya 'yon? Maya-maya, bumukas ang pinto at isang lalake ang pumasok. Sino nga ba ito? Kilala ko ito e.. "LexAnder.." Sambit ni Lynuz. Ah. Tama! Si Lex itong lalakeng ito. Makalabas nga muna. Usapang lalake na ang magaganap dito. "Lalabas na ako. Usap muna kayo. Bye." Sabi ko. "Ingat. Salamat sa oras." Sabi ni Lynuz. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Makalabas na nga.. Seryoso na ang mga tinginan nila sa isat-isa e. Pagkalabas ko, isinara ko agad ang pinto. Kailangan ko nang balikan si Lumiere. ............... Lex's POV "Kamusta na? Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo nila Cyrex. Nasaksak ka daw?" "Oo. Nasaksak nga ako." Sagot nito. Parang wala lang sa kanya ang lahat ah? "Si Cyrex? Kamusta na rin ang lagay niya?" "Wala pa siyang malay.. Wala pang balita kung anong lagay niya." "Ganun ba? Pwede na ba siyang dalawin?" "Pwede.. siguro..." "Dadalawin ko muna siya tapos babalik ulit ako dito" sabi ko at tinahak ko ang pinto para lumabas. Nahinto ako sa paghakbang nang marinig ko ang sinabi niya. "Napuruhan mo ako sa ginawa mong pagsaksak. Ngayon, balak mong puntahan si Cyrex para patayin habang wala pa siyang malay? Mahina ka pala.. " sabi nito. Humarap ako sa kanya. Masama nanaman ang tingin ng mga mata niya. "Ano bang sinasabi mo? Epekto ba yan ng pagkakasaksak sayo?" Natatawang tanong ko pero naiinis na ako!!! "Ikaw ang taong nakaharap ko kagabi. Sigurado ako do'n. H'wag mong gagalawin si Cyrex dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.." Bwisit!!! Bakit ba ang lakas ng pakiramdam niya sa mga ganitong bagay?!! "Lynuz naman, h'wag mo nga akong biruin ng ganyan. Hindi kita maintindihan sa mga sinasabi mo." "Hindi ako nagbibiro.. Bakit ba gusto mo siyang patayin?" Pinipilit niya parin ang tanong niya. "Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Sa ating dalawa, ikaw ang may tinatagong galit kay cyrex." Ngayon, hindi siya makasalita dahil tama ako. Napabuntong hininga na lang ako. Sige, diko muna gagalawin si cyrex pero sa ngayon lang. Kapag wala ka at natyempuhan ko siya, pasensyahan na lang tayo.. "Sige.. Lalabas na ako. Dadalaw na lang ulit ako sa mga susunod na araw. Pagaling ka.." Lumabas ako sa room niya. Pagkatapos ko kay Cyrex, ikaw ang isusunod ko.. lynuz. ............. Lumiere's POV Kanina nagising si Kycer at tumingin siya sakin. Nag sarita siya sakin ng "sino ka?" Pagkatapos ay nakatulog na siya ulit.. Sabi ng doctor, baka nagkaroon si Kycer na tinatawag na TEMPORARY MEMORY LOSS. hinihintay ulit namin ang paggising niya. H'wag naman sana. Ayokong makalimutan niya ang pinagsamahan namin. Kahit maiksi lang ang mga sandaling iyon, Natatakot akong mangyari iyon.. .................... Cyrex's POV Tatlong araw na ang lumipas, pero hindi pa nagigising si Kycer. Binabantayan ko siyang mabuti baka kasi dumating ang killer at patayin siya nito sa mga oras na wala siyang malay.. Nakaharap ako sa kambal ko habang nakahiga ito sa kama. May benda ang ulo nito. Naaawa ako sa lagay niya ngayon. "Kycer, gumising ka na. Para mapanatag na kami na.." Biglang gumalaw ang kamay niya. Nagigising na siya! Unti-unting dumilat ang mga mata niya. Matagal ang pagkakatitig niya sa kisame. Maya-maya, bumangon na siya mula sa pagkakahiga. Gising na siya! Ginising ko na rin si Xynara na natutulog sa sofa. "Xynara! Gising! Si Kycer, gumising na siya!" "Talaga?" Tila Antok pang tanong nito. Lumapit ako kay Kycer. "Kycer, salamat at nagising ka na. Matutuwa si Lumiere nito.." Sabi ko pero..parang wala siyang naririnig. Nakatingin lang siya kay Xynara. "Kycer? Naririnig mo ba ako?" Hindi siya tumitingin sakin. Bakit kaya? May galit kaya siya sakin? Bakit hindi niya ako pinapansin? "Xynara, tanungin mo nga siya kung bakit ayaw niya akong pansinin?" Humarap si Xynara kay Kycer. "HEY, YOU!!! bakit hindi mo siya pinapansin?" Tanong ni Xynara kay Kycer sabay turo sakin. Tumingin sakin si Kycer. Mukhang napansin na niya ako.. "Saan? Sino tinuturo mo?" Nagkatinginan kami ni Xynara. Hindi ako makapaniwalang hindi ako nakikita ni kycer. Nawala na ba 3rd Eye niya? Paano na ang mga plano namin? "Hindi na niya ako nakikita. Wala na siyang 3rd Eye. Anong gagawin natin?" Tanong ko kay Xynara. "Aba, Ewan ko. Hindi ko rin alam ang gagawin." Sagot niya sakin. "Sino kinakausap mo? Baliw ka na ba?" Tanong ni Kycer kay xynara. "Hindi ako baliw!! Ikaw nga bulag e!!" "Ano?" "Oo. Bulag ka!!!" "Lumabas ka nga!! Naiinis ako sayo!!" Sigaw ni Kycer. Nag-aaway na silang dalawa. Bumukas ang pinto at pumasok si Lumiere. "Anong nangyayari sa inyo?" Tanong niya. "Siya kasi! Ang sama ng ugali niya!"sagot ni Xynara at tinuro si Kycer. "Cyrex.. Salamat at gising kana." Sabi ni Lumiere at akmang lalapit. "Hindi ako si Cyrex. Ako si Killean Kycer. Sino ka ba?" Nabigla kaming lahat sa sagot ni Kycer. Hindi lang nawala ang 3rd eye niya, pati ba si lumiere hindi niya maalala? "Hindi mo ako kilala? Ako si Lumiere ang Girlfriend mo.." "Girlfriend ko? Pasensiya ka na Ms. Pero malabong maging Girlfriend kita. Siya ang Girlfriend ko" sabay turo ni Kycer kay Xynara. "Hala siya?! Hindi mo ako Girlfriend. Si Lumiere yun. Bulag ka na nga, baliw ka pa!" Sagot ni Xynara. "Ibig sabihin, naaalala mo lang ay si Xynara?" Tanong muli ng mahal ko. "Oo naman. Kasi siya ang Girlfriend ko. Kanina pa ako naiinis sa mga tanong mo.." "Sorry kung naiinis na kita." Napansin ko ang pagkalungkot ni Lumiere. Bumukas ang pinto at pumasok si Lex. Kasunod naman nito si Lynuz. "Kamusta ka na, Cyrex?" Bati ni Lex. "C-Cyrex? Tinawag mo ako sa pangalan na 'yon?" Sabi ni Kycer. Mukhang nagtataka siya kung bakit tinatawag siya ng lahat sa pangalang Cyrex. Kinakabahan ako. Kung si Xynara lang ang naaalala niya at hindi sila Lumiere, may posibilidad na malaki pa ang galit niya sa pangalan ko. Baka nga hindi pa niya alam na Patay na ako.. Masama ito.. Baka isigaw niya ang totoong identity niya. Dito na matatapos ang lahat. Malalaman na nila na may kambal ako.. Hindi maganda ito.. "Cyrex ang pangalan mo kaya tinawag kita sa pangalan na yan"-lex. "H'wag mo akong tawagin sa pangalan na yan!!" Galit na sabi ni Kycer. Wala na nga.. Tapos na ang lahat dito.. "Ano bang pangalan ang gusto mong itawag namin sayo? Ano ba ang pangalan mo?" Tanong naman mula kay Lynuz. Mukhang nakakahalata na ito. Tumingin ako kay Xynara.. "Gumawa ka ng paraan. Pakiusap.." sabi ko. Naglakad si Xynara palapit kay Kycer. Samantala, tila handa na si Kycer na ipagsigawan ang tunay niyang pangalan. "Ang pangalan ko.. Ay..ki-" naputol ang sasabihin niya ng yakapin siya ni Xynara at muli silang napahiga sa kama. "Babe! Namiss talaga kita!! Bati na tayo please! Kaasar ka na e" Sabi ni Xynara. Humarap si Lumiere sa mga kaibigan nito. "Guys, pagpasensyahan niyo na si Cyrex. Epekto yan ng nangyari sa kanya sa school. Temporary memory loss ang meron siya ngayon. Hindi niya tayo matandaan. Unawain na lang natin siya. Hayaan na muna natin siyang magpahinga.." Paliwag ni Lumiere. "Gets ko na. Sige. Labas na kami. Pagaling ka, Cyrex"-lex. "Sana makarecover ka kaagad" pahabol naman ni Lynuz at lumabas nadin ng room. Naiwan kami nila Lumiere, Xynara at Kycer. Umalis si Xynara sa pagkakayakap kay Kycer. "Cyrex. Naiintindihan namin ang kalagayan mo. Sana bumalik agad ang alaala mo.."- lumiere. "Anong alaala ba ang gusto mong bumalik sakin? Lahat naaalala ko maliban sayo at sa mga kasamahan mo.."-Kycer. "Umayos ka nga sa Girlfriend mo!"-Xynara. "Hindi ko siya Girlfriend! Ikaw ang Girlfriend ko! Bakit ba pinamimigay mo ako sa iba?"-Kycer. "Baliw ka talaga! May tama ka sa utak ngayon kaya hindi mo siya maalala!" Inis na sabi ni Xynara. Humarap si Kycer kay Lumiere. "Miss, nasisira na ang relasyon namin dahil sayo. Hindi talaga kita kilala..."-Kycer. "Pasensiya na kung nakakasira ako. Magpagaling ka sana. Aalis ka ako.." Lumabas na si lumiere. "Kainis ka!!! Kainis!! Bakit Ganon ka makipag-usap sa kanya? !!" "Kasi hindi ko siya kilala. Ikaw girlfriend ko at ipagpipilitan n'yo na girlfriend ko siya?. Naiinis ako.." "Kung alam mo lang talaga!! kung naaalala mo lang kung sino siya sa buhay mo. Pagsisisihan mo ang mga sinabi mo sa kanya! Kainis ka!!" Lumabas si Xynara. Siguro susundan niya si Lumiere. Hindi ako makapaniwala na ganito ang mangyayari kay Kycer. Mas lumala na ang problema namin ngayon.. ............ Lumiere's POV Lumabas ako ng room niya dahil nasaktan ako dahil kay kycer. Alam kong wala akong karapatan na magalit dahil hindi naman niya ako girlfriend at lalong hindi siya ang Cyrex ko. Pero, nasasaktan parin ako. "Lumiere" tawag sakin ni Xynara. Siya ang ex-girlfriend ni Kycer. Posibleng magkabalikan na sila ngayon. "H'wag mong pansinin ang mga sinabi ni Cyrex. May topak kasi yun. Diba nga? Naalog utak non?" "Naiintindihan ko. Uunawain ko na lang siya.." Kahit parang mahirap, sisikapin kong unawain si Kycer.. .............. After 1 week, pinayagan ng makalabas ng hospital si Kycer. Mas naunang nakalabas ng hospital si Lynuz sa kanya. Nasa labas kaming tatlo ngayon ng hospital. Naisipang bumili ni Xynara ng drinks kaya naiwan kaming dalawa ni Kycer. "Ikaw si Lumiere, diba? Girlfriend nga ba talaga kita?" Tanong nito. Tumingin lang ako sa kanya. Lumapit siya sakin at tinitigan ako ng derekta sa mga mata. Ang tingin niya ay hindi na tulad ng dati. Na kahit hindi siya ang totoong cyrex, nababasa ko at nararamdaman kong may lugar ako sa puso niya. Pero.. Iba na siya ngayon.. Nabigla ako ng yakapin niya ako. Nakakapagtaka kung niya ginawa ito. "Lumiere.." Sambit niya. Nanatili akong tahimik at hinihintay ko ang mga susunod niyang sasabihin. Mga salitang dumurog sa puso ko.. "Kung Girlfriend nga kita ngayon, at Hindi ko man lang alam kung paano nangyari iyon.. Tinatapos ko na ang relasyon natin dito. Si Xynara ang girlfriend ko. Ang babaeng iyon ang mahal ko.. Patawad. Magkalimutan na tayo.." Inalis niya ang pagkakayakap sakin. Tinalikuran niya ako at sinalubong si Xynara.Hinila niya ito at iniwan ako sa kinatatayuan ko.. Tuluyang pumatak ang mga luha ko. Nakalimutan na nga ba niya ako? ....................... Ilang araw na rin ang lumipas, Hindi na pumasok sa school si Kycer pati si Xynara. Hindi na siya nagpakita pa. Temporary nga lang ba ang pagkawala ng alaala ni Kycer? Natatakot akong maging permanente ng mabura ako sa isipan niya. Hanggang kailan ako maghihintay sa kanya? "Parang ang lalim ng iniisip mo? Pwede ba kitang maistorbo?" Tanong mula kay Lynuz. "Sorry. Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko tuloy napansin ang paglapit mo." "OK lang. Kumain ka na ba? Pwede mo ba akong samahan? Wala kasi akong kasamang kumain." Pang-aalok niya. "O-oo. Hindi pa rin naman ako kumakain e." Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Sumakay kami sa kotse at pumunta sa restaurant para doon kumain. Magkaharap kami sa mesa ngayon at tahimik kaming kumakain. "Hindi pa rin ba bumabalik ang alaala ni Cyrex?" "Oo. Parang malabong bumalik ang alaala niya. Kaya malabo din na magkabalikan pa kami." "Ikwento mo sakin ang mga iniisip mo. Ayokong nakikita kang malungkot. Makikinig ako sayo." "Salamat dahil lagi kang nandyan para sakin.. Iniisip ko kung hanggang kailan pa ako kakapit sa relasyon namin ni Cyrex. Parang gusto ko ng bumitaw.." "Kung nahihirapan ka na at nasasaktan, bumitaw ka na lang. Mas makakabuti iyon. Pag ok kana, magsimula ka ulit.. Ganun lang^^" Sa tingin ko, tama ang sinasabi ni Lynuz. Minsan napapaisip ako. Kung totoo ba ang pagmamahal na pinapakita sakin ni Kycer. O parte lang din ito ng pagpapanggap niya bilang si Cyrex. Napatingin ako kay Lynuz. Pinagmamasdan ko siya habang kumakain. Matagal na niya akong hinihintay. Kahit kailan hindi niya ako sinaktan. Mahal na mahal niya ako. Cyrex, matagal ka ng nawala sa buhay ko.. Oras na nga ba para magmahal ako ng iba ulit? Tulad ni Lynuz? ................. Pagkatapos naming kumain, Hinatid niya ako sa bahay gamit ang kotse niya. "Salamat sayo. Bababa na ako.." Bubuksan ko pa lang ang pinto ng hawakan niya ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. "Lumiere.. Mahal kita. Hindi ako mapapagod maghintay sayo.." "Pero, si Cyrex kasi.." "Hiwalayan mo na lang siya. Masasaktan ka lang sa kanya.." Napaluha ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat bang gawin ang sinasabi niya. Tama siya. Masaksaktan lang ako habang pinipilit kong bumalik and alaala niya. Pinunasan niya ang mga luha ko. Nanatiling nakahawak ang kamay niya sa pisngi ko. Hanggang sa maramdaman kong dumampi ang labi niya sa labi ko.. Hinalikan niya ako.. Hindi ko siya magawang pigilan. Sa halip, ipinikit ko ang mga mata ko at gumanti din sa pagkakahalik niya. Nadadala ako sa mga halik niya ng bigla siyang tumigil.. Muli niya akong tinitigan sa mga mata ko at muling pinunasan ang mga luha ko. "Sorry. Mali ang ginawa ko. Hindi ko sinasadya. Kapag napagod ka na, hwag kang magdalawang isip na lapitan ako. Nandito lang ako." Sabi nito. Iniwas ko ang tingin ko at itinuon ito sa labas ng bintana. Tumango ako sa mga sinabi niya. "Salamat sa dinner. " Bumaba na ako sa kotse niya. Hinintay niya muna akong makapasok sa loob ng gate namin bago niya paandarin ang kotse niya. .................. Cyrex's POV Nakita ko ang lahat. Nakita ko kung paano hinalikan ni Lynuz si Lumiere. Ibig bang sabihin nito, handa na si Lumiere na kalimutan ako? Lalapitan ko sana si Lumiere ng biglang.. Ang katawan ko, unti-unting lumalabo. Naglalaho.. Hindi maganda 'to. Hindi ko pa nagagawa ang misyon ko. Hindi ako pwedeng mawala!!! .............. Tuluyan akong naglaho at napadpad sa isang silid ng kung sino. Bakit kaya naglaho ako sa lugar kung saan naroon si lumiere? Ano bang nangyayari sakin? Sa pagkakaalala ko, nakita kong hinalikan ni Lynuz ang Lumiere ko......T-T Napatingin ako sa bintana, umaga na pala? Parang gabi palang nun ng makita ko si Lynuz at Lumiere ah? Napabangon ako sa kinahihigaan ko. Pamilyar sakin ang kwarto na ito. Nakita ko na ito e.. Biglang bumukas ang pinto. Napatayo ako bigla ng makita ko si Kycer. Nasa kwarto niya ako.. Dito ako napunta? Hindi niya talaga ako nakikita. Dinadaan-daanan niya lang ako.. Pumasok siya sa banyo niya at sinundan ko siya sa loob. Nakaharap siya ngayon sa salamin niya at abalang nagtu-toothbrush.. Hays... Ikaw lang ang pag-asa ko para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ko. Tapos, nawala pa ang pag-asa na iyon. heto, namumuhay ka na ngayon ng tahimik. Alam mo, gusto kong ikwento sayo ang mga nakita ko kagabi. Pero papaano? Hindi mo naman ako nakikita at lalong hindi mo naririnig. Kycer, sa tingin mo ba kailangan ko ng kalimutan ang paghahanap ko ng hustisya sa pagkamatay ko? "Natatakot parin ako na baka balikan ka ng taong pumatay sakin dahil sa pag-aakala nilang ikaw, ako. Patawad.. Kung pinasok kita sa problemang ito. Tama lang siguro na hindi mo na ako nakikita at mabura lahat ng ito sa isipan mo.. Basta, mag-iingat ka lang palagi." Hinawakan ko siya sa balikat niya. Bigla siyang tumigil sa pag-toothbrush niya at tumingin sa salamin. Sa dereksyon ko. "Ang lamig. Siguro may iba akong kasama ngayon.." Sabi niya at tinapos na ang ginagawa niya. Wala man siyang nakikita, nakararamdam parin siya. Ibig sabihin, posible pang bumalik ang 3rd eye niya. Pero papaano? Lumapit siya sa bintana at inayos ang kurtina nito para mas nakakapasok ang liwanag sa loob ng bahay. Ang tagal ng pagkakatitig niya sa labas. Bakit kaya? Nilapitan ko siya at tinignan kung ano ang nakikita niya sa labas. Nagtaka ako. Paano niya nalaman na dito nakatira si Kycer? Bakit naisipan ni LexAnder na bisitahin ng ganito kaaga si Kycer? Nakakapanibago naman yun.. Bumaba si Kycer habang nakasunod naman ako. Pinagbuksan niya ng pinto si Lex. "Good morning^^. Kamusta ka na?" Tanong ni Lex. "Sino ka?" Tanong naman ng kambal ko. "Hahaha. Parang wala ka pang naaalala. Ako si Lex ang bestfriend mo. Nakakalungkot naman at nakalimutan mo na ako.." "Hindi kita maalala. Pasensiya ka na.." Sabi ni Kycer at isasara na dapat ang pinto ng pigilan ito ni Lex. "Ikaw ang binisita ko dito. Baka pwede mo muna akong papasukin? Magkwentuhan muna tayo..sayang naman ang pagbisita ko, diba?" Tila nag-iisip pa si Kycer.. Pero sa huli, pinapasok na niya ito sa loob ng bahay. "Sige. Tuloy ka sa loob.." Naupo si Lex sa sofa. Pinagmamasdan nito ang kabuuhan ng bahay. "Anong gusto mong inumin? Juice or coffee?" "Coffee.." Abala sa pagtitimpla ng kape si Kycer. "Ikaw lang ba ang tao dito ngayon? Nasaan si Xynara? Nagsasama na kayo sa isang bahay diba?" "Wala siya rito. Ako lang mag-isa. Madalas kaming nagtatalo ngayon kaya nakatira siya ngayon sa magulang niya." "Maganda si Xynara. Naka-score ka na ba sa kanya?" "Hindi. Kasal muna bago score. Respeto na din yon sa mga babae." "Makaluma ka pala. Modern na ngayon ang mundo. Score muna bago kasal.hahaha." "Mas gusto kong panghawakan ang paniniwala ko.." Sagot nito at inilapag sa mesa ang kape si Lex. "Salamat sa kape.." Naupo si Kycer kaharap si Lex. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayo matandaan. May nangyari ba sakin kaya hindi ko kayo maalala?" "Oo. May masamang nangyari sayo. Duguan kang natagpuan sa school natin." "Duguan?" "May nakaharap kang masamang tao. Hindi mo ba nakikilala ang masamang taong nakaharap mo doon?" "Ma-masamang tao sa school? Wala talaga akong matandaan sa nagyare.." "Hahaha. Hindi na kita pipilitin na alalahanin yon. Alam mo, maganda ang nilipatan mong bahay. Pwede ko bang makita ang kwarto mo? May balak din kasi akong kumuha ng ganito." "OK. Ituturo ko sayo ang kwarto ko" sabi ni Kycer at nauna na sa paglalakad papuntang hagdan. Napansin ko ang pagngiti ni Lex ng bahagya. Parang kinabahan ako doon. Nauuna sa pag-akyat si Kycer ng mapansin ko ang pagdukot ni Lex sa bulsa nito. Ano yon? Napalunok ako bigla ng makita ko ang nasa bulsa nito ng hilain niya ito ng kaunti. "Patalim?" Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Siya kaya ang Killer ko at nanakit kay Kycer sa school..? Kung siya nga.. Paano ko mababalaan si Kycer kung hindi niya ako nakikita? Balak niyang patayin si Kycer sa kwarto nito... Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko.. At napatingin ako kay Kycer. Paano ko siya mailalayo sa panganib? "KYCER, PAKINGGAN MO AKO!!! SI LEX ANG KILLER!!! PAPATAYIN KA NIYA!!! MAG-IINGAT KA SA KANYA!!!" hindi siya lumilingon... ................... Lex's POV Sasamantalahin ko ang pagkakataong wala kang naaalala. Papatayin kita sa kwarto mo para matahimik ka na sa kabilang buhay. Ngayon pa lang natutuwa na akong makita kang naliligo sa sarili mong dugo.. .................. Kycer's POV Nahinto ako sa paghakbang ng biglang sumakit ang ulo ko. Bakit biglang sumakit 'to. Parang may pumipigil sakin sa pag-akyat.. "Bakit huminto ka? Tayo na sa kwarto mo.." Sabi ni Lex. "Oo, Pasensiya na. Sumakit lang ang ulo ko.. " sagot ko at muling pinagpatuloy ang paghakbang. PUSANG GALA!!!! Mas lalong sumasakit ang ulo ko pag sinusubukan kong humakbang.. Napalingon ako sa baba.. Ano yon? Puting usok na korteng tao ang nakikita ko sa baba.. May multo pala sa bahay ko? DING DONG!!!!! Nawala bigla ang puting usok. Kaya natuon ang atensyon ko sa taong nagdoor bell sa labas. "Sandali lang at pagbubuksan ko muna yung tao sa labas." Paalam ko kay Lex. Binuksan ko ang pinto.. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong mula kay Lumiere. Isang babaeng nagsasabi na bahagi siya ng aking nakaraan.. "Tuloy ka.." ................... Lumiere's POV Hindi ko alam kung bakit naisipan kong puntahan si Kycer sa bahay niya. Siguro umaasa pa akong babalik pa siya sa dati. "Tuloy ka.."sabi niya. Na-miss ko ang boses niya.. Pati siya.. "Salamat.." Napansin ko ang tao sa likuran niya. Nandito din pala si Lex? "Hi, Lex. Bumisita ka rin pala. Nakakatuwa naman^^. Nag-aalala ka rin ba kay Cyrex?" "Oo. Hindi na kasi siya pumapasok sa school kaya naisipan kong kamustahin siya. Antotoo nyan, paalis na rin ako. Mukhang may pag-uusapan pa kayo. Usapang magkasintahan ata ang magaganap sa inyo^^" biro niya. "Oo. Yun nga ang pinunta ko dito" "Mauna na ako sa inyo. Cyrex, pagaling ka. Pumasok ka na rin sa school Para buo ulit ang barkada natin." "Susubukan ko.." Lumabas na si Lex at umalis. Kami na lang ni Kycer ang naiwan dito. Pinapasok niya ako sa bahay niya at naupo ako sa sofa. "Nakakamiss ang bahay mo. Ito ang pangalawang beses na nakapasok ako dito.." "Pangalawang beses? Nakapasok ka na sa bahay ko?" Nagtaka talaga siya sa sinabi ko. Dito ako natulog nun at katabi ko siya nun sa pagtulog. "Oo. Pinatulog mo ako dito kasi malakas ang ulan at hindi ko magawang makauwi.." Nakatayo lang siya sa harapan ko habang pinapaalala ko sa kanya ang pinagsamahan namin.. "Hindi ko maalala.."sagot niya at iniwas ang tingin. "Bigyan mo ako ng pagkakataon na ipaalala sayo ang lahat." "Diba sinabi ko na? Walang nabura sa isipan ko. Wala akong dapat na matandaan." "Sorry.. Hindi ako mangungulit ng ganito sayo kung wala akong pinanghahawakan sa nakaraan.." Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. Tila napapaisip din siya sa mga sinabi ko. Bigla niya akong tinalikuran at may kung ano siyang ginagawa. Maya-maya ay lumapit siya sakin. Inilapag niya ang platong may sandwich at kape. Nagtaka ako sa ginawa niya.. "Kumain ka muna. Pagkatapos ay, ikwento mo sakin ang lahat. Ipaalala mo ang mga bagay na nabura sa isipan ko.." Mahinahon ang boses niya habang sinasabi niya iyon. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "Sumama ka sakin. May pupuntahan tayo.." Please.. Pumayag ka na.. Hinawakan niya ang kamay ko. Ibig sabihin, pumapayag siya na sumama sakin.. Gusto niya parin maalala ang lahat. "Ipaalala mo sakin ang lahat.." ............ Pumunta kami sa lugar kung saan kami unang nagkita at nagkakilala.. Sementeryo., Nakatayo kami ngayon sa puntod ng mahal ko. Ang puntod ni Cyrex. "Anong ibig sabihin nito? Bakit nakasulat ang pangalan ni Cyrex sa lapida? " nagtatakang tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Patay na siya. Matagal na siyang patay.." Pumatak ang mga luha niya pagkatapos kong sabihin iyon. Ito ang unang beses na makita ko siyang lumuha. "Niloloko mo lang ako diba? Nagbibiro ka lang!! MASAMANG BIRO ITO!!" Sigaw niya at tinalikuran na niya ako. "Hindi ako nagbibiro." "Tumigil ka na! Wala akong matandaan!! Hindi pa sya patay!!" Nagsimula na siyang maglakad palayo sa kinatatayuan ko. "Totoo ang lahat ng ito!!! wala na si Cyrex!!! Dito kita unang nakilala. Ang akala ko, ikaw si Cyrex noon pero sa huli, nalaman ko na ikaw pala ang kambal niya. Matagal kong tinago kung sino ka dahil alam kong may dahilan kung bakit nagpapanggap ka bilang si Cyrex!!" Sigaw na sabi ko Para tumigil siya sa paglalakad. Napaiyak na rin ako dahil sa sinabi ko. Kung hindi pa siya maniniwala, hindi ko na alam kung itutuloy ko pa ang umasa na babalik pa siya sa dati. "Kung ganito din pala ang mangyayari, Sana hindi na lang kita nakilala.. Hindi ka na sana dumating.. Hindi sana naguguluhan ang nararamdaman ko ngayon.. SANA!!! Hindi na lang kita nakilala!" Bigla niya akong niyakap.. "Tama na. H'wag ka ng umiyak.." Nanatili akong umiiyak habang yakap niya. "Sorry.. Naguguluhan talaga ako. Kung may nawala man sa alaala ko, bakit antagal manumbalik nito..?" "Naniniwala akong babalik ang lahat sa dati. Pumasok ka na sa school. Balikan natin ang lahat doon. May pag-asa pa naman.." "Pumapayag na ako.." ................. Kycer's POV Muli kong niyakap si Lumiere. Nakakapagtaka na yung puting usok na nakatayo malapit samin. Alam kong multo yun kaso bakit hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya? Pati ba naman 3rd eye ko nawala? Pero.. Parang may kakaiba sa usok na 'yon. Makikita din kita ng malinaw.. Malapit na.. Inaaya ko na si Lumiere na umuwi. kanina pa sumasakit ang ulo ko. Bukas, papasok na ako sa school. Gusto ko ng bumalik sa dati ang lahat.. ................ Kinaumagahan, Si Lumiere na ang sumundo sakin sa bahay. Desidido talaga siya na bumalik ang alaala ko. Pero sa papaanong paraan naman kaya? "Tatawagin muna kita sa pangalang Cyrex. Yun ka dati e^^." Sabi niya habang magkahawak kami ng kamay. "Ok lang. Nagpapanggap ako diba? Ayokong masira ang plano na iyon.." ........................ Killer's POV Ang akala ko lalayo ka na.. Nagkamali ata ako.. Ako sana ang makikipaglaro sayo nung gabing yon, kaso ibang tao ang nauna sakin.. Matagal ko ng pinatay si cyrex. Malabong mabuhay ang patay. Malalaman ko rin kung sino ka. ( evils smile) "Lynuz, pasok na tayo sa room" tawag sakin ni Julie. "Oo. Susunod na ako.." ..............
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD