Cyrex's POV
Napangiti ako ng sabihin iyon ni Kycer Kay Lumiere.
Sana magkagusto ka na lang Kay Lumiere. Para mapanatag na ako.
At sana mahuli na rin ang pumatay sakin. Natatakot parin ako na baka si Kycer ang isunod niya.
"Saan mo gusto pumunta, Lumiere?" Tanong ni Kycer.
"Sa bahay mo na lang. Ok lang ba?"
" Sa bahay ?"
Natigilan si Kycer dun.
Lumapit ako sa kanya.
"Pumayag ka na. Dalhin mo siya sa bahay mo. Sabihin mo lumipat ka ng bahay. Ganun lang.." Sabi ko.
"Ok. Sige. Tara sa bahay ko. Ipapakita ko sayo kung saan ako nakatira." Sabi nito at hinawakan ang kamay ni Lumire.
Magkahawak kamay sila habang naglalakad. Sweet naman^^.
................
Nakarating din sila sa bahay ni Kycer.
"Ito ang bahay ko. Dito ako lumipat."
"Ang ganda. May 2nd floor pa."
"Sa taas kasi ang kwarto ko. Pumasok muna tayo."
Tumango si Lumiere at pumasok sila sa loob ng bahay.
Naupo sa sofa si Lumiere.
"Sanay ka na ba talagang mag-isa dito sa bahay na 'to?"
Umupo narin si Kycer sa tabi ni Lumiere.
"Oo. Matagal na akong sanay sa ganito."
Sabay silang lumingon sa labas ng bintana ng marinig ang malakas na pagbuhos ng ulan.
"Ang lakas ng ulan. Mahihirapan ata akong umuwi kapag hindi tumigil iyan."
"Dito ka na lang matulog. Tumawag ka na lang sa inyo na hindi ka makakauwi. Ihahatid na lang kita bukas sa inyo."
"Salamat Cyrex.. Sana hindi ka magbago."
Walang tugon mula sa kambal ko.
"Nagugutom ka na ba? Magluluto muna ako ng makakain natin. Ang mabuti pa magpahinga ka muna sa taas. Doon sa kwarto ko. Tatawagin na lang kita pag handa na ang pagkain."
" OK. Sarapan mo ang luto ah^^"
Ang cute niya talaga ngumiti^///^
Sasamahan ko muna si Kycer dito. Sasamahan ko siya magluto.
..........
Lumière's POV
Marunong syang magluto? Sa pagkakaalam ko, hindi. Naghihinala na talaga ako sa kanya..
Totoo ang sinabi ni Julie na may birthmark si Cyrex sa wrist nito kaso ang Cyrex na kasama ko ngayon ay wala non.
Marami silang pinagkaiba. Sa allergy, birthmark, sa tingin,tindig ng pangangatawan at sa pananalita.
Sino kaya siya?
Bakit kamukha niya si Cyrex?
Para saan ang ginagawa nyang pagpapanggap?
Sa ngayon, wala akong nakikitang masama sa ginagawa niya. Sa totoo lang, ang ginagawa nyang pagpapanggap ay nakatulong rin. Pinupunan nya ang pangungulila ko sa totoong Cyrex.
Dahil sa kanya, pakiramdam ko buhay parin si Cyrex..
Nandito na ako sa kwarto niya. Malinis siya sa kwarto. Pansin ko, wala kahit isang picture o family picture sa kwartong ito. Kailangan may malaman ako tungkol sa kanya.
Binuksan ko ang drawer niya.
May nakita akong box na maliit. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang kwintas na kapareho ng kwintas ni Cyrex. Nagkaiba lang sila sa pendant. Kay Cyrex ay letter -C- at ang pendant dito ay letter -K- anong name kaya ang letter -K-?
May nakita pa akong notebook sa drawer. Mukhang diary. Binuksan ko ito at may nakaipit na picture. Kinuha ko ito para tingnan.
Family picture. Kilala ko ang mag-asawang ito. Magulang ito ni Cyrex. At ang bata dito na katabi nila ay nasisiguro kong si Cyrex.
Nagtaka ako sa nakita ko, bakit dalawa ang batang Cyrex sa picture?
Biglang may nagflash back sa isipan ko nung nakita ko sa Sementeryo si Cyrex..
--"I'M NOT CYREX! I'M KILLEAN KYCER!! HIS IDENTICAL TWIN!!"--
May kambal si Cyrex?
At Killean Kycer ang taong kasama ko ngayon..
Tok tok tok!!!!!
katok mula sa pinto.
"Lumiere, handa na ang pagkain. Kumain na tayo.." Sabi ng nagpapanggap na Cyrex.
Ngayong alam ko na kung sino siya, ano na ang dapat kong gawin?
"Sige. Kain na tayo." sabi ko at agad inayos ang mga gamit niya. Kinuha ko ang notebook niya at nilagay sa bag ko.
Gusto kong alamin ang lahat tungkol kay Killean Kycer..
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Kycer. Hindi ko pinahalata na may nalalaman na ako.
Bumaba na kami at sabay kumain. Magkaharap kami sa mesa ngayon. Diko maiwasang mapatingin sa kanya habang kumakain kami.
Talagang magkamukha sila ni Cyrex kaya aakalain ng iba na siya ang tunay na Cyrex. Dahil boyfriend ko si Cyrex at madalas kong nakakasama noon, madali para sakin na mapansin ang pagkakaiba nila.
Pero ang tanong, bakit sya nagpapanggap?
Bigla siyang napatingin sakin. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"Hindi ba masarap ang pagkakaluto ko?" Tanong nya.
"Ah? M-masarap. Talo mo pa nga ako sa pagluluto e^^"
Ngumiti siya dahil sa sinabi ko. Ang ganda niya ngumiti..
May kakaiba akong naramdaman dahil doon pero dinaan ko na lang sa kain dahil baka gutom lang ito.
Kahit anong kain ang gawin ko, hindi parin mawala yung kaba sa dibdib ko. Isang kakaibang kaba.
"Cyrex, kwentuhan mo nga ako tungkol sa kabataan mo noon. Kung paano ka pinalaki nang maayos ng magulang mo.."
Natahimik siya at natigil sa pagkain dahil sa tanong ko.
"Pasensya na. Ayokong pag-usapan ang tungkol sa pamilya ko."
"Bakit?" Kulit ko noh?
"Sa ibang araw na lang. H'wag muna ngayon."
"O-ok. Hindi na kita pipilitin."
Parang hindi maganda ang nakaraan niya sa pamilya niya. Wala talagang naikwento si Cyrex na may kambal siya. Ano bang nangyari sa kanila noon? Ang tsismosa ko na diba? Nahihiwagaan lang talaga ako sa kanya.
Natapos na kami sa pagkain at Sabay kaming pumanik sa kwarto niya.
"Dito ka mahiga sa kama ko. Dito naman ako sa sahig." Sabi niya.
"Dito ka na lang din sa kama. Tabi na lang tayo."
"Hindi pwede. Hindi tayo pwedeng magtabi."
"Cyrex, walang masama kung magkatabi tayo. Matutulog lang naman tayo e.. Hindi kaimportante diyan. Dito ka na lang please..?"
Sa huli, pumayag na din siya. Magkatabi kami natulog sa kama. Natawa lang ako sa ginawa niya. Naglagay pa siya ng unan sa gitna namin para hindi kami magkatabi.^^.
Kapwa nahiga na kami. humarap ako sa dereksyon niya habang siya naman ay nakatalikod sakin.
Panatag ang loob ko sa kanya. Wala siyang ginagawang masama sakin.
Sa ngayon, wala akong ideya kung bakit niya ginagawa ito. Ang masasabi ko, napapasaya niya ako tuwing nakikita ko siya. Kaya nakapagdesisyon na akong ilihim ang mga nalaman ko tungkol sa pagkatao niya. Hihintayin ko ang araw na ipagtatapat niya sa akin ang lahat.
Ang mahalaga sakin ngayon, kapiling ko ang mahal kong Cyrex sa pagkatao niya..
..............
Kycer's POV
Naramdaman ko na lang ang pagyakap sakin ni lumiere. Hindi ako umimik sa ginawa niya. Hinayaan ko na lang hanggang sa makatulog siya.
Napatingin ako kay Cyrex. Kaasar ang ngiti ng multo na'to.
"Anong ningingiti mo d'yan?" Pabulong na pagsita ko sa kanya.
"Ang sweet niyong pagmasdan. Pakiramdam ko, parang ako na din ang yakap ni Lumiere^^. Humarap ka din sa kanya at yakapin mo rin siya^^"
Ayoko nga. Pasalamat ka at hindi ko magawang makasigaw. Kung hindi--
Naramdaman ko ulit ang paggalaw at paghigpit ng pagkakayakap sakin ni Lumiere.
Humarap ako sa kanya at napansin kong wala na ang unan na humaharang sa aming dalawa.
"Sige na. Yakapin mo na siya para sakin^^" pangungulit ni Cyrex.
Kaasar talaga! Hindi ba natutulog ang mga multong kagaya nya?
Muling natuon ang atensyon ko kay Lumiere. Pinagmasdan ko siya habang natutulog siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko nang titigan ko siya. Kaba na hindi sanhi ng takot. Kaba sa loob ko na gustong kumawala.
Ano ba ang pakiramdam na ito?
Napakaganda niya talaga. Hindi na ako nagtataka kung bakit nababaliw sa kanya ang kambal ko.
...............
Kinaumagahan,
Nauna akong nagising kay Lumiere. Nakayakap pa din siya hanggang ngayon sakin. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sakin.
"Cyrex.." Sambit niya habang natutulog.
Pangalan ni Cyrex ang tinatawag niya. Siguro sa panaginip niya, kasama niya si Cyrex.
Tumayo na ako para makaligo muna.
Hindi ko pa nakakalimutan ang dahilan kung bakit nagpapanggap ako bilang Cyrex.
Ang mahulog, ay siyang talo..
....................
Sa school,
Sa parehas na school kami nag enrolled ni Lumiere. Yun daw ang usapan ng mga kaibigan niya. 1st year college kami.
Palaisipan parin samin ni Cyrex kung sino ang killer niya. Dapat akong mag-ingat dahil malapit lang sakin ang killer. maaaring isa ito sa mga kaibigan niya.
Dapat akong maging handa bago pa niya ako patayin..
.................
Killer's POV
Cyrex Nyzer.. Ilang buhay ba ang meron ka? Sigurado akong pinatay kita pero heto ka at buhay na buhay.
Alam kong ibang Cyrex ang bumalik ngayon..
Maganda yan, ikaw ang kusang lumalapit sakin.. Makikipaglaro muna ako sayo bago kita tapusin..(evil smile)
..........
Kycer's POV
Napatingin ako sa second floor ng school building. Nakita ko si Lex na nakatingin sakin. Iba siya makatingin. OK naman kami sa restaurant o baka pakitang tao lang 'yon?
"Nandito na pala kayo." sabi naman ni Lynuz habang papalapit samin. Kasama niya si Julie.
"Buti nakahabol kayo sa enrollment. Lalo ka na Cyrex.."- sabi ni Julie na medyo seryoso ang pagkakatitig sakin.
"Ang mahalaga, nandito ka at nakabalik ka na.. Pumasok na tayo sa klase natin" Dugtong pa ni Lynuz.
Naunang naglakad si lynuz habang hakbay naman ni Julie si Lumiere.
"Ang hirap talagang alamin kung sino sa kanila ang killer mo, Cyrex.."
Ang totoo, kinakabahan ako. Maraming pagkakataon ngayon ang killer para pagplanuhan kung paano ako papatayin..
"Nandito lang ako. Tutulong din ako sayo, Kycer.." Sagot ni Cyrex sakin.
Bahala na nga..
Nagsimula na rin akong maglakad patungo sa klase namin. Nahinto ako nang tawagin ako ng isang tao sa tunay kong pangalan.
"Killean Kycer.." Sabi nito at napalingon ako sa kanya.
anong ginagawa nya dito? Bakit bumalik siya?
"Xynara?" Sambit ko sa pangalan niya.
"Sino siya Kycer?" Tanong ni Cyrex.
"Ako si Xynara. Ex-girlfriend ni Kycer."
Sabay kaming napalingon ni Cyrex sa kanya nang sagutin niya ang tanong ni Cyrex.
"Na-nakikita mo din ako?" Tanong ulit ni Cyrex kay Xynara.
"Oo. Nakikita kita nang malinaw. Identical twin nga kayo" sagot nito at napangiti siya ng bahagya.
Ngayon ko lang nalaman na may 3rd eye din siya.
"Bakit ka nandito?" Seryosong tanong ko.
"Nandito ako para mag-aral din. At para makipagbalikan sayo.."
Lumapit sakin si Cyrex para bumulong.
"Hindi kayo pwede magkabalikan. Ikaw si Cyrex ngayon at Girlfriend mo si Lumiere ko. Masisira ang plano natin." Bulong nito.
Tama siya. Lumapit ako kay Xynara para linawin na wala na kami.
"May Girlfriend ako. Hindi na tayo pwedeng magkabalikan pa."
"Edih.. Sisirain ko kayo. Sisirain ko plano niyo ng kambal mo. Gets mo?"
Ano raw? Kaasar naman. Wrong timing talaga!
"Cyrex. Halika na. Pumasok na tayo." Tawag sakin ni Lumiere.
Naku yare, humarap si Xynara kay Lumiere. Nilapitan niya ito.
"Hi. I'm Xynara. Ikaw ba ang Girlfriend niya?" Sabay turo sakin.
"Ako si Lumiere. Oo, girlfriend niya nga ako."
Natawa si Xynara at tumingin nang derekta kay Lumiere.
"Sigurado ka bang kilala mo na ang lalakeng iyan? Ang totoo niyan, siya si--"
Naputol ang sasabihin ni Xynara nang bigla kong takpan ang bibig niya sa harap ni Lumiere.
"Hahaha. Masama ata tiyan nito, kaya kung anu-ano na mga gusto niyang sabihin. Wait lang at dadalhin ko muna siya sa clinic. hehehe" sabi ko sabay hila kay Xynara at agad inilayo kay Lumiere.
Muntik na ako dun..
Kumawala sa pagkakahawak ko si Xynara.
"Kaasar ka!! Bakit mo ginawa 'yon?!" Galit siya sa ginawa ko.
"Hindi mo pwedeng ilantad ang identity ko! Wala silang alam na ako si Kycer! Kaya wala akong panahon na makipaglaro sayo!" Sigaw ko sa kanya.
Natigilan siya sa pagsigaw ko. Pumatak ang mga luha mula sa mga mata niya at umiyak nang parang bata.
"Ayoko, AYOKO!!!"
Hayst.. Napahawak na lang ako sa noo ko. Hindi pa natatapos ang problema ko sa killer, may dumagdag pa.
"Please, hayaan mo muna si Kycer. Ginagawa niya ito para magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ko. Isikreto mo muna ang nalalaman mo. Maiintindihan mo ako dahil nakikita mo ako. Please.." Pakiusap ni Cyrex.
Naku, hindi nakikinig iyan sa mga multo. Nag-aaksaya ka lang ng laway d'yan.
"OK. Sabi mo e. Alam mo, magkaiba talaga kayo ni Kycer. Hindi iyan sweet!! Pero ikaw, kung buhay ka siguro baka nagustuhan na kita^^" sagot naman ni Xynara.
"Talaga? Mas sweet ako? Nakakahiya naman*^__^* totoo iyang sinabi mo. Hirap turuan si Kycer na maging sweet e. Nag-eclipse kasi nung pinanganak iyan kaya galit sa mundo pagkalabas. Hahaha"
Baliw talaga. Parehas kaya tayong pinanganak. Kaasar naman, pag-usapan ba naman ako? Makaalis na nga!
"Sige, tuloy niyo lang iyan. Mukhang nagkakamabutihan na kayo e. Magandang story ang lalabas sa inyo. Babaeng nailove sa kanyang ghost friend o kaya the ghost falls for a Lady. Hahaha" sabi ko at iniwan ko sila.
Papasok na ako sa klase ko. Naghihintay na sakin si Lumiere.
Nasa pinto na ako ng Classroom namin. Pagkapasok ko, nakita ko si Lynuz na kausap si Lumiere. Mukhang nagkakasayahan sila dahil nakangiti si Lumiere sa kanya.
Naglakad ako at naghanap ng upuan na magiging upuan ko. Sa dulo ako naupo. Mas feel ko d'on. Hindi agaw pansin at mukhang tahimik.
Inilapag ko na ang gamit ko at doon naupo.
Kinuha ko ang earphone ko. Nakinig na lang ako ng mga kanta sa cellphone ko.
Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
Killer, sino ka ba talaga? Habang nandiyan ka, pakiramdam ko wala akong karapatang maging masaya. Binigyan mo ako ng limitasyon para hindi magsaya..
"URONG!!!"
"ARAY!!"
nahulog ako sa sahig nang may biglang tumulak sakin.
Sino bang epal 'yon?!!!
Nakakasira ng pagmumuni-muni!!!
Napatingin ako sa isang babaeng nakapamewang sa harap ko..
"Titingin ka pa? Siguro nainlove ka na ulit sakin noh?" Sabi ni Xynara.
Pusang gala naman oh!!
Ano nanaman problema nito?
Akala ko ba nagkakamabutihan na sila ni Cyrex?
Hindi niya dapat ginawa sakin 'yon!
Nakatingin tuloy lahat ng classmate namin. Ang pinaka ayoko sa lahat ay ATENSYON!! Mula sa kanila.
"Hindi mo na dapat ako tinulak. Simpleng -Hi- lang, mapapansin na kita agad." bwisit na sabi ko.
"Iyon ang gusto ko e. Hindi sapat ang mapansin mo lang. Gusto ko, mapansin tayo ng lahat. Lalo na ang babae sa likuran ko^^"
Babae sa likuran niya? Sino?
Napatingin ako sa likuran niya at nakita kong nakatingin samin si Lumiere.
Hayst.. PUSA ka talaga Xynara..
Lumapit samin si Lumiere.
"Hi. OK ka na ba ms.?"-lumiere.
"I'm Xynara. Ex-girlfriend niya" tinuro niya ako.
"Ex? Ni Cyrex?" Nagtatakang tanong ni Lumiere.
Ano bang sinasabi ni Xynara? Nagtataka na tuloy si Lumiere dahil sa mga sinasabi niya. Kaasar. Tumigil ka na!!!
"Tama! ex-Girlfriend niya ako. Babawiin ko na siya sayo.." Dugtong pa niya.
Hinawakan ko na si Xynara sa braso niya para awatin na sa mga sinasabi nito.
"Tama na. Huwag ka nang dumaldal sa kanya.." sabi ko.
"Ok lang babe, magkakabalikan din tayo. Wait lang 'to. Kakausapin ko lang siya.."
Babe? Tinawag niya akong babe sa harap ni Lumiere?
W-wala na...Tapos na ako nito.
"Si Cyrex ay boyfriend ko.. Kaya, malabong magkabalikan kayo. Pero depende parin kay Cyrex kung gusto ka niyang bumalik sa buhay niya . Hindi ko siya pipigilan d'on.." Sabi ni Lumiere.
"Ok. Walang samaan ng loob kapag bumalik siya sakin ah"
"Oo.." Sagot ni Lumiere at naupo na sa tabi ni Lynuz.
Sila ang magkatabi himbis na kami.
Dumating na ang teacher namin.
Nagpakilala kami isa-isa sa harap.
Habang nagkaklase, napapatingin parin ako kay Lumiere.
Sana hindi siya galit.. Pahamak talaga si Xynara..
.
.
.
Nakakaantok naman ang lesson namin. Mas maganda pang tumingin sa bintana kaysa sa teacher sa harap.
Naramdaman ko na lang na may mabigat na sumandal sa likuran ko..
Nakatulog na pala si Xynara sa klase namin. Akala ko ako lang ang inaantok, siya din pala..
"Gising.. Bawal matulog dito.."
"Sorry. Nakatulog pala ako. Si teacher kasi ang boring."
Sinisi talaga ang teacher?
Natapos ang lesson at pumasok naman ang sumunod na teacher namin.
"Magbihis na kayo at may swimming lesson tayo." Sabi ng teacher.
Nagbihis kaming lahat. Dumiretso kami sa malaking pool dito sa school.
Nagsipagtalunan na sila sa pool. Ako nakatayo parin at si Xynara. Alam niyo kung bakit ayokong tumalon? Hindi ako marunong lumangoy.. saklap.
"Halika ka na, sumali na tayo sa kanila" sabi ni Xynara at hinihila na ako papuntang pool.
"Ano ka ba? Gusto mo na ba akong mamatay? Hindi nga ako marunong lumangoy!"
"Kaya mo yan^^" pamimilit at sige siya sa pagtulak sakin.
"Bakit nand'yan ka pa, Cyrex? Tumalon ka na din dito. Karera tayo sa paglangoy." Paghahamon ni Lex.
"Ano kasi. Hi-hindi ako-" naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Cyrex.
"Magaling ako lumangoy.. Kalaban ko si Lex sa pabilisan sa paglangoy. Kaya hindi ka makakatanggi."
Ano?!!!! Paano ito ngayon?!
"May problema ba? Pati ba naman ang paglangoy nakalimutan mo na rin ba?" sabi ni Lex at natawa ang lahat.
Pinapahiya niya ako sa lahat..
..............
Xynara's POV
Seryoso talaga siya na hindi marunong lumangoy?
Nakatingin pa ang lahat kay Kycer. Hinahamon pa siya ni Lex nato.
Kinalabit ko si Kycer. Napalingon siya sakin.
"Totoo? Dika marunong lumangoy?" Pabulong na tanong ko sa kanya.
Tumango siya. Ibig sabihin ay malaking OO.. problema 'to.
Patay siya, kailangan makaalis siya sa ganitong sitwasyon.
To the RESCUE!!!
"Aray! Ang sakit nang tiyan ko. Yung mga TITAN sa loob ng Tiyan ko nagwawala na.OUCH!!"sabi ko at napayakap ako kay Kycer.
Nagtataka ang ekspresyon niya habang nakatingin sakin.
"Dalhin mo ako sa clinic. I'M DYING.." sabi ko at nagkunwari akong nahimatay.
"Dalhin mo na siya sa clinic.. Ginagawa niya 'to para makaiwas ka sa panghahamon ni Lex. " Sabat naman ni Cyrex.
Naramdaman ko nalang ang pagbuhat sakin ni Kycer..
"Dalhin ko muna siya sa clinic. Yung mga Titan sa Tiyan niya nagwawala na!" sabi ni Kycer at sineryoso talaga ang mga Titan sa tiyan ko?..hahaha haysss.
.
.
.
Inilapag niya ako sa kamang malambot. Dumilat na ako.
Nakatayo siya sa harapan ko. Ang mukha niya parang galit nanaman. Nakadugtong na ang dalawang kilay niya. Katakot!!!
"Mukha atang nagkakasabwatan kayo. Baka gusto niyong ikwento sakin." Sabi niya habang naka-Cross arms siya.
"Siya kasi. Pinakiusapan niya ako na pagselosin si Lumiere kanina e." sabi ko sabay turo kay Cyrex.
"Pagselosin si Lumiere? Sa ginagawa niyo, nagkakalabuan na kami. Sana sinabihan niyo ako sa plano niyo para kahit papaano nakakasabay ako!"
"Sorry na. Tinutulungan lang kita."
"Umuwi ka na sa inyo, Xynara. Baka madamay ka pa sa killer na umaaligid sakin." Sabi nito at tinalikuran na kami.
"Ayoko nga. Hindi mo ako mapipigilan. Tutulong ako. Kung hindi ka papayag, sisirain ko kayo ni Lumiere!!!"
"Bahala ka. Uuwi na ako. Magsama kayo."
Lumabas na siya. Uuwi na ata.
"Galit na talaga siya. Paano na yan, Cyrex?"
"Hayaan muna natin siya. Dami talaga nangyari ngayon e. Salamat sa tulong mo ah^^"
"Sa tingin mo nagselos talaga si lumiere? Ibig kayang sabihin ay may nararamdaman na siya para kay kycer?"
"Sa tingin ko meron na. Pero ewan ko lang sa nararamdaman ni kycer."
Buti pa si Cyrex nakikita ang kabutihan sa puso ko.hahaha echoz^^. Nakikita niya ang effort ko sa pagtulong.
"Umuwi na din tayo. Unahan na natin si Kycer sa bahay niya^^v" sabi ko.
"OK. Alis na tayo." Sagot ni Cyrex.
Uuwi kami sa bahay ni Kycer. Magpaplano ulit kami^^
...................
Kycer's POV
Palabas na ako nang makita ko si Lumiere sa may gate.
"Cyrex, sabay na tayo sa pag-uwi."
Pinagmasdan ko siya. Mukhang Hindi naman siya galit sa pagsulpot ni Xynara.
"Hindi ka ba galit sakin dahil kay Xynara? Dahil Ex-girlfriend ko siya?" Tanong ko.
"Hindi. Ex mo na siya at alam kong mahal mo ako.."
Mahal? Muli ko nanamang naramdaman ang kaba sa dibdib ko. bakit ba ganito 'to?
Hindi ko maintindahan..
Hinawakan ko ang kamay niya at sinimulan na namin ang paglalakad.
Tumigil siya sa paglalakad.
"Cyrex, Mahal mo ba ako?" Tanong niya.
Oo. Mahal ka nang kambal ko.
Wala akong karapatan na mahalin ka dahil nagpapanggap lang ako bilang siya.
Humarap ako sa kanya. Ano ba ang dapat kong isagot?
Muli siyang nagsalita.
"Mahal kita. Ito ang totoo kong nararamdaman sayo. Kung magpapakatotoo ka sa nararamdaman mo, hindi ka mahihirapang sagutin ang tanong ko."
Magpakatotoo sa nararamdaman ko?
Muli ko siyang tinignan sa mga mata niya. Pakiramdam ko, hindi si Cyrex ang nakikita niya sakin ngayon.
Eto nanaman ang kaba sa dibdib ko. Ganito ang nararamdaman ko kapag nagkakatitigan kami ng matagal. Napahingang malalim ako.
Mas lumapit pa ako sa kanya.
Gusto kong magpakatotoo sa sarili ko pero hindi sa ngayon.
Sasabihin ko ito dahil kailangan.
"Mahal kita. 'Yan ang nararamdaman ko para sayo.."
Ngumiti siya nang bahagya.
"Sapat na ang narinig ko. Umuwi na tayo."
at hinatid ko siya.
.............
Killer's POV
Nakatayo ako ngayon sa Gate ng school habang pinagmamasdan si Cyrex at Lumiere na papalayo.
Hawak ko ngayon ang cellphone ni Lumiere. Naiwan niya ito sa swimming lesson niya.
Maglalaro muna tayo Cyrex..