Ang mga magulang ko ay parehong doktor at mayroon silang hospital na kanila pinamahalaan doon sa Canada.
Ang mama ko at papa ay parehong filipino. Nagkataong bakasyon nila noon kaya nandito sila ng kasal ko.
Dalawa lamang kaming magkapatid at si kuya Marlon ay may asawa na. Nasa California naman sila ng pamilya niya.
Ang kasama ko lang dito sa Pilipinas ay ang aking yaya, na si Yaya Lagring. Nang mag-asawa ako ay umuwi muna siya sa probinsiya.
Kinausap ako noon ng nanay ko at tinanong ako. "Anak, talaga bang ikaw ay magpapakasal sa lalaking 'yon?"
Seryoso akong tiningnan ng ina ko na parang inaarok niya ang tunay ko na damdamin.
"Opo ma, sa kan'ya ako nadapa kaya dapat sa kan'ya rin ako babangon!"
"Basta kapag kinailangan mo kami, nandito lamang si mama. Isang tawag mo lang at kami ay uuwi kaagad!" saad ni mama habang niyakap niya ako.
Kasal na ako kay Marco pero balewala lamang ito sa lalaki. Para akong hangin dito na dinadaanan lamang. Galit ito sa akin kaya halos 'di ito umuuwi ng bahay.
Kumukuha lang ito ng damit at aalis na rin kaagad. Kung minsan pa nga ay magtatagal ito pero masahol pa sa katulong ang trato niya sa akin ako ay sinasaktan pa niya sa kahit na maliit kong pagkakamali.
Siguro nga kasalanan ko ang lahat dahil 'di man lang ako tumanggi nang sabihan nila akong pakakasal sa kan'ya.
Pinagsisihan ko ang naging maling desisyon na siyang humantong para sa aking miserable na kalagayan.
Mula ng kami ay kinasal ako ay lagi na lamang niya na sinasaktan verbal man, emotional o kahit physical.
Dalawang taon akong nagtiis dahil akala ko ay maari siya magbabago sa akin. Lalo nang pagbalik niya ng bahay nakaraan ng halos anim na buwang pananatili niya sa London dahil sa bagong negosyo na inaasikaso roon.
Kararating lang niya noon at namiss ko siya ng sobra, kaya niyakap ko si Marco pagkakita sa kan'ya.
"Ano ba bakit mo ba ako niyakap?" nandidiri niyang saad sa akin.
"Namiss kasi kita, dalawang beses ka lang tumawag sa Mama mo para alamin ang mga nangyayari dito kaya natuwa ako nang makita ka!" aniko na walang paglagyan sa tuwa.
"Puwede ba tigilan mo ang mga drama na gan'yan at baka layasan kitang muli."
"Kumain ka na ba? Paghahain kita kung gusto mo," yaya ko sa kan'ya habang papunta ng kusina.
"Huwag na, kila Nerissa na lang ako kakain. Ikaw na lang ang kumain nang niluto mo."
Umalis na siya sa tabi ko at umakyat na siya ng kuwarto. Iniwan niya ang mga bagahe niya sa ibaba para raw iakyat ko.
Maya-maya ay bumaba uli siya na bago nang ligo at bagong na rin palit ng damit.
"Bakit 'di mo pa na-akyat ang bagahe ko? Sino ang gusto mong mag akyat niyan, ako?" sabi niya sa akin.
"Oo dadalhin ko na rin sa itaas
'yan. Pipiliin ko lamang ang mga madumi na damit para ito ay malabhan kaagad." Aniko.
"Bakit ka aalis kaagad? 'Di ka muna magpahinga. Wala ka bang jetlag?" dagdag ko pa sa aking asawa na paalis na.
"Ano ba ang pakialam mo, kung pupuntahan ko ang nobya ko?" ang galit niya pa na sagot sa akin.
"Tumabi ka nga diyan at baka samain ka sa akin. Gusto mo yata makatikim na naman nang sampal sa akin, eh!"
Tumahimik na ako at tumakbo na papunta sa aking kuwarto. Oo, mula ng kasal kami ay sa iba na kuwarto ako pina-tutulog niya.
Si Nerissa ang dating nobya ang pupuntahan niya. Nagkabalikan sila nang magkita raw sa London ito ang sabi ng isa pa niyang kapatid na kasama niya roon.
'Di ako umiimik dahil alam ko isang araw hihilingin niya makipaghiwalay sa akin. 'Yon siguro ang hinihintay ko dahil ayaw ko na may mga masabi sa akin ang mga magulang niya na naging mabuti sa akin mula nang una pa lamang.
Tatlong araw bago siya umuwing muli sa bahay at dala-dala niya ang kan'yang maruming damit na hinagis niya sa mukha ko.
"Bakit 'di mo pa pinalabhan sa kabit mo 'yang maruming mga damit at inuwi mo pa rito?"
Bigla niya ako na hinawakan sa braso at sinampal. "Matigas ka nang magsasalita ngayon? Sino ba ang pinag mamalaki mo?"
Dugo kaagad ang labi ko sa lakas ng kan'yang sampal. Nakahandusay na ako sa sahig nang maramdaman ko ang pag sipa niya sa akin.
"Makaalis na nga muli. Nasusuka lamang ako kapag nakikita ko 'yang pagmumukha mo!" galit pa rin niyang wika sa akin.
Umalis si Marco nang gabing 'yon. 'Di ko alam kung kailan ito uuwi muli.
Tinawagan ako ni Anna, ang kapatid na bunso ng asawa ko. Magkita raw kami, gusto niyang samahan ko siya sa mall. Susunduin niya ako dito sa bahay namin..
Galing siya sa London , at may dala siyang pasalubong sa akin. Mga ala una raw ng hapon na siya pupunta ng bahay.
Bihis na ako nang dumating siya. "Si kuya nandito ba?"
"Wala umalis, 'di ko na alam nasaan at kung uuwi pa!" ani Jenna kay Anna.
Papunta sila sa mall ng mga oras na 'yon. Natahimik ang kaibigan niya na parang iniisip ang sasabihin.
"Mag coffee muna tayo sandali!" hiling pa ni Anna sa akin.
"Sige, at ako ay kuwentuhan mo naman ng mga nangyari sa 'yo roon sa abroad."
Pumasok sila ng Starbucks, umorder si Anna pagkatapos naupo na sa tabi niya habang kami ay naghihintay.
"Kumusta ka na?" tanong ni Anna sa akin habang ito ay nakatingin sa akin nang seryoso.
" Heto, gan'on pa rin. Wala naman pagbabago, mailap pa rin ang buwitre!" daing ko sa aking kaibigan at aking sister-in-law.
"Bakit ka ba nagtitiis? Mahal mo na ba siya?" tanong pa ni Anna sa akin na nagtataka.
"Ewan ko, siguro nagkacrush ako sa kan'ya no'ng una pero ngayon 'di ko na alam. Ayaw ko lang malaman ng mga magulang ninyo at baka kung ano pa ang mangyari." Sabi ko na malungkot kay Anna.
"Darating ang araw na malalaman at malalaman rin nila ang pinaggagawa ni kuya. Pagdating ng araw na 'yon baka pagsisihan niya ang lahat ng pananakit sa 'yo!" paniyak ni Anna.
"Sorry Jenna ha! Hindi na rin kita natulungan. Kung bakit kasi ayaw mo pang humiwalay sa kuya ko!" pag-alo pa ni Anna sa akin.
"Darating din ang panahon na 'yon. Naghihintay lamang ako nang tamang panahon." Sa isip niya, isa pang chance ang maari ibibigay niya sa lalaki at saka siya susuko kapag 'di pa rin ito nagbago.
"Ewan ko sa yo, binabaril na ngayon sa Luneta ang mga kagaya mo na martir!"saad ni Anna na mayroong pangamba nakikita sa mga mangyayari sa kaibigan.
"Huwag ka namang gan'yan sa bestie mo. Sige ka baka 'di mo na ako makita." Niyakap ko si Anna at napaiyak siya habang hawak ang aking kamay.
"Naaawa ako sa 'yo, gusto ko nang sumbong si kuya sa ginagawa sa 'yo, kaya lang nag-aalala ako baka maatake sa puso si papa!" inis sa sarili na kinuha ang kamay ni Jenna.
"Tapusin na natin ang pag-inom ng kape at mamili na tayo." Sabi ko kay Anna kasabay na inubos ang kapeng hawak.
Maghapon kaming naglibot sa mall. Wala naman kaming nabili pero masaya na kaming magsukat ng mga damit at sapatos.
Hinatid niya ako sa bahay. Bago ako bumaba ay binigay niya sa akin ang isang karton.
"Ano ba mga ito? Napakarami yatang pasalubong mo sa akin!" ani Jenna na tuwang-tuwa nang kinuha pa niya ang karton. Mabigat nang kaunti pero siya ay masaya na binuhat ito.
"Sige, bye baka sa susunod isasama na kita!" pag-yaya pa ni Anna sa akin.
Hindi ko na matanaw ang kotse niya nang napaiyak ako. Pumasok na ako sa bahay namin.
Hanggang kailan ba talaga ako na magtiis? Ito ang katanungang 'di ko masagot sa aking sarili.
Nang mga sandali na 'yon ay bumalik sa aking mga alaala ang lahat nang mga nangyari sa amin ni Marco.