Nang gabing 'yon naiisip ko ang mga bagay na nangyari sa buhay ko at ang unang araw ko sa paaralan dito sa Canada.
Nagsimula pa lamang ang kaso ko noon sa korte ay nilalakad na ng aking mga magulang ang mga papeles ko papunta dito sa Canada.
Kaya 'di naging madali ang lahat kagaya nang akala ng iba. Siguro lamang ay dahil ang mga magulang ko ay may mga stable na trabaho dito at sila ay pareho na rin canadian citizen.
Ang isip ko ay dumako naman sa nangyari kanina na parang mayroon sumusunod sa akin. Hanggang ngayon ay 'di pa rin maalis ang takot sa akin.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang 'yon o talaga lang na paranoid ako. Sino naman kaya ang sumusunod sa akin?
Hindi pa rin ako makatulog sa dami ng mga iniisip ko pero ako ay natutuwa tuwing aking maalala na mayroon akong mga naging kaibigan na akala ko noon ay 'di ko magagawa.
Kahit na ang nakipagkaibigan sa lalaki akala ko ay hindi ko kaya dahil sa nangyari nga sa akin pero nagkamali ako kaya
ko pala.
Sinabi naman ni Dr. Emie sa akin na normal lamang daw 'yon dahil sa naranasan ko sa asawa ko. Mabuti raw na ako ay magkaroon nang marami na mga kaibigan.
Lalaki man daw o babae pero mahalaga rin daw na 'wag ako masiyadong magtiwala sa mga bagong kakilala dahil 'di rin daw lahat ay may mabuti na motibo.
Basta pilitin ko raw na ibaling ang mga iniisip ko sa mga magandang bagay para lagi maging maganda ang mga nangyayari sa akin.
Nakatulog na ako sa aking mga pag-iisip at hindi na namalayan pa ang biglang pagbukas ng aking bintana.
Kinabukasan ay maaga ako na nagising at habang ako ay napatingin sa labas ay aking napansin ang bintana.
Sa alaala ko ay aking isinara ang aking bintana pero bakit ito nakabukas ngayon. Inisip ko tuloy kung naisara ko nga ba ito kagabi.
"Baka binuksan ni mama ito ngayong umaga lamang. Akin na lamang itatanong mamaya kay mama."
Bumaba na ako pagkatapos na makapag-ayos. Nakita ko si mama na nag-aayos na ng mesa at nakahain na ang mga pagkain.
Lumabas na rin ang aking ama na nakagayak na rin kaya ako ay naupo na.
"Anak mamaya nga pala baka hindi ka na naman masundo ni papa mo," hingi ni mama sa akin nang paumanhin.
"Okay lamang po mama dahil madali lamang naman ako na nakauwi kahapon." Sagot nito sa ina na nakangiti.
"Ingat ka na lamang sa 'yong pag-uwi." dagdag na bilin pa ni papa sa akin.
Hinatid ako ni papa sa school pagkatapos naming kumain at habang ako ay naglalakad na papunta sa loob ng campus ay bigla na lamang mayroon humila sa kamay ko.
Paglingon ko ay parang si Marco ang nakita ko kaya ako ay napaatras "Huwag ka sa akin lalapit, paano mo ako nasundan dito?" sabay takbo ni Jenna na nasa mukha ang takot at pagkabigla.
Tumakbo ako hanggang sa may track and field at ako ay tumigil sandali na hingal na hingal.
Nagulat si Julius sa reaksiyon ni Jenna at hinabol niya ang dalaga na nangangamba at baka kung ito ay mapano.
"Jenna, si Julius ako! Huwag kang matakot sa akin!" dinig ko na sabi ng isang lalaki.
"Ju-julius! Ikaw ba 'yan?" ang tanong ko habang ako ay hinihingal pa rin.
"Yeah, its me. Bakit ka nga ba nagtatakbo?"
Tumingin ako kay Julius, ang akala ko talaga ay si Marco siya. Hindi ko akalain ang akin naging reaksiyon sa kan'yang ginawa.
"So-sorry kasi a-ang akala ko ikaw si....," saka ako napaiyak muli sa pag-aakala na siya nga ay si Marco.
Napaupo ako sa bench na may mga luha pa rin sa mata at si Julius ay nakatingin lang sa akin at parang may iniisip.
Si Julius ay may mapungay na mga pilikmata. Kung 'yong titingnan ang mukha niya ay para siyang napakatapang dahil sa balbas sarado at ang buhok niya hanggang balikat na nakatali sa likod.
Sa kuwento niya sa akin noon ay taga Kerala, India ang tatay niya kaya pala ang tangos ng ilong niya at ang labi niya ay daig pa ang babae kapag ito ay umiismid.
Malaking lalaki siya nasa 6 foot din at may katawan na pang MMA fighter. Siguro 'di lang six pack mayroon siya baka walo pa nga ito sa laki ng katawan niya.
Ang mukha niya siguro kung 'di siya balbas sarado baka mo siya mapagkamalan na babae. Umupo siya sa kabila ng bench na aking inuupuan.
"Sorry at nagulat kita pero kasi tinatawag kita pero hindi ka sa akin sumasagot kaya kita ay hinawakan nang akin kang naabutan." nahihiya nito na sabi sa akin habang ako ay kanyang tinitigan.
Sino ba ang akala mo kanina sa 'yo ay humawak?" dagdag pa nito na tanong sa akin.
Tahimik lamang ako at ako ay nag-iisip sa isasagot sa mga katanungan niya. Ilang minuto pa ako na nakatulala lamang.
"Hindi kita pipilitin pero ako ay narito lamang, kapag gusto mo nang makakausap. Alam ko na bago pa lamang tayo na magkakilala pero puwede mo ako mapagkatiwalaan," saka bigay ng isang papel na may nakasulat na numero sa akin ni Julius.
"Pasensiya ka na talaga dahil ako ay nagulat sa bigla mo na paghila sa akin. Hindi mo lang alam kung bakit ganoon ang aking naging reaksiyon pero balang araw mauunawaan mo rin."
Tumingin akong muli sa lalaki at tinanaw pa siya habang ito ay papalayo. Hindi ko alam bakit naging ganoon ang akin naging reaksiyon sa kan'yang paghawak kanina.
Pilit ko nang pinakalma ang sarili sabay tayo na sa aking kinauupuan para pumunta na sa law building. Habang ako ay naglalakad 'di ko pa rin na maiwasan alalahanin kung bakit ganoon.
Napaisip ako at saka ko pa lamang napagtanto ang lahat ng mga nangyari. Gusto kong tawagan si Dr. Emie pero tiyak na natutulog pa ito dahil sa time zone ng Canada at ang Pilipinas.
Bago kami umalis ng Pilipinas ay kinausap ko si Dr. Emie at alam niya na paalis kami ng aking mga magulang at ito ay natuwa pa dahil gusto niya na ako ay lumayo muna para raw ako ay makapagsimula muli.
Sinabi niya na kapag mayroon akong kailangan ay puwede ako tumawag sa kan'ya kahit kailan pero siyempre kung alam ko naman na 'yon ay oras nang kan'yang pahinga ay nakahiya naman.
Tumayo na ako at nilagay sa bag ang papel na binigay ni Julius sa akin. Naglakad na ako papunta sa building na kung nasaan ang Law dept.
Dumaan ang maghapon na parang lumilipad ang isip ko bago ko pa naisip na 'di pa pala ako kumakain.
"Jenna, would you like to join us? Were going to the pantry!"
Nagtaas ako ng ulo dahil may sinusulat ako. Tiningnan ko kung sino ang kumausap sa akin at si Aljean pala.
"Wait, I will finish this first and I will go with you, guys!" sabi ko sa kanilang tatlo.
Tinapos ko na ang ginagawa ko at tinabi sa bag ang mga gamit ko saka ako tumayo. Si Aljean ay hinila ako papunta sa canteen.
Si Aljean ay matangkad din na babae sa taas niyang 5'7ft. Kulot ang buhok nito at ito raw ay natural hair niya kaya para itong tubig sa dagat na alon-alon.
Ang kulay ng mga mata niya ay blue na minana raw niya sa amerikanong ama. Maputi ito at halos walang namana sa ina na pinay. Mayroon din siya na mga freckles sa pisngi at sa dibdib.
Mabait si Aljean at palaging may ready smile, si Randall naman ay may pagkasuplada naman at si Jacob ay seryoso pero sa mga kakilala niya ay matino naman itong kausap.
"Hello Jenna, okay ka na ba? Eto ang hot choco, baka gusto mo. Mabuti ito sa mga tao na busy palagi." Banggit ni Julius sa akin na para itong biro.
"Paano mo nalaman na busy ako palagi?" tanong ko pa kay Julius na ngayon ay kaya ko nang ngitian pagkatapos ng mga nangyari kanina.
"Marami akong kaibigan na kumukuha rin ng Law at lahat sila ay mahirap hilahin para gumimik!" sagot ni Julius sa akin na seryoso.
"Yong sinabi ko pala sa 'yo na I'm free whenever you need someone to talk to ay open pa rin!" dagdag pa niya sa akin at sabay kindat.
"Tatandaan ko at nilagay ko na pala sa phone ko mismo ang number mo." Ani ko kay Julius na wala yatang balak na ako ay pakainin.
"Good, by the way my mother is a psychiatrist kaya palagi ako sa kan'yang clinic para mag-observe kaya baka gusto mo sumama sa akin, it will be fun dahil marami ka roon na matututunan!"
Tumingin lang ako sa kan'ya dahil sa gutom na talaga ako at naghihintay na sa akin ang tatlo si Aljean, Randall at Jacob.
"I will try kapag may time na ako. Sige naghihintay na ang mga classmates ko roon, kung gusto mo sumabay ka na rin sa amin kumain at ipapakilala kita sa kanila," ani Jenna habang masusi niyang tinitingnan si Julius.
Alam ko kung ano ang gusto ni Julius at ako ay sinasama niya sa clinic ng mother niya gusto niya malaman kung ano nga ba ang nangyari sa akin at ako ay umakto nang gan'on ng umagang 'yon.