Tinawag si Jenna ng magulang ni Marco dahil may mahalaga raw pag-uusapan sila. Kinakabahan man sumunod ang dalaga sa mga magulang ni Marco. Ang ama ng binata ay matandang version nito at may kakisigan pa rin kahit na ito ay nasa fifties na. Ang ina naman ng binata ay hindi pa rin kumupas angkin nito kagandahan at kung titignan ay aakalain parang matandang kapatid lamang ito ng binata. "Jenna, pasensiya ka na kung ikaw ay aming maistorbo pero wala kaming magawa dahil sa kalagayan ngayon ni Marco," Natahimik si Jenna hindi niya alam kung ano ibig sabihin ng ama ng binata. Nagtataka ito pero kan'ya hinayaan matapos ito magsalita. "May parte ng alaala ni Marco ang nawala sanhi nang aksidente at para sa kan'ya ay asawa ka pa rin niya kaya nga kami ay nakikiusap sa 'yo na sana maging asaw

