Kararating ni Jenna sa opisina ng makita niya ang bouquet ng red roses sa ibabaw ng mesa niya. Nagulat man 'di na nagtaka pa dahil dalawa lang inaasahan niya na magbibigay sa kan'ya ng bulaklak. "Si Marco at Zoren lamang ang puwede magpadala nito pero si Zoren ay nasa Boracay at kasama nito ang kaibigan niya si Jerry kaya maari kay Marco galing ang mga ito." Anas ni Jenna pabulong sa sarili na nilagay ang mga bulaklak sa may kabilang mesa. Titingnan pa lamang sana ni Jenna ang card na hawak niya nang nagsalita na ang dating asawa sa may likuran niya. "Hello wifey! Nagustuhan mo ba ang flower's na padala ko?" Hindi pinansin ni Jenna ang binata nakakunot ang noo nito na inismiran ang lalaki at kan'ya pa ito pinanlakihan ng mata. "Para ba saan 'to? Nagsayang ka lamang ng pera. Bakit nga

