Dumating na ang araw nang paglilitis ni Mr. Alano, pumili si Jenna nang makabago pero elegante na blouse and skirt with matching coat. Inayos rin niya ang buhok niya at itinaas pero nag-iwan siya nang konting hibla ng buhok sa bandang tainga saka kinulot nang bahagya. Sabi nga nila first impression has a thousand impact that last for a lifetime at 'yon gusto niya palabasin para ito ang tumatak kapag tumayo na siya sa harap ng mga tao. "Anak, good luck na lamang at sana manalo ka nang magkaroon naman saysay ang pagpupuyat mo," Nakatayo si Jenna sa harap ng salamin at handang-handa na nga siya. Na-itaas pa niya ang isang kamay sabay sabi "Kaya mo 'yan!" Nangingiti pa ang ina ni Jenna habang pababa sila. Binati rin ng dalaga ang ama. Niyakap nito ang anak saka hinalikan sa noo. "Huwag n

