C H A P T E R 28 (A)

2201 Words

Maxine’s POV ISANG mahinang pagyugyog sa mga balikat ko ang nagpagising sa akin. Inaantok na inilibot ang mga mata, nasa harap na pala kami ng mansyon at hindi ko man lang namalayan dahil sa nakatulog ako. Inayos ko ang aking sarili para bumaba. “Kanina pa ba tayo?” naitanong ko kay Hevo habang ini-unlock ang seatbelt. “Medyo.” Nangunot ang noo ko na tumingin rito. Kung ganoon, bakit hindi niya ako ginising? “Napasarap kasi ang tulog mo, kaya hinayaan na muna kita.” Sinipat ko ang suot na relo, at ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita ang oras. Por Diyos por Santo, alas Onsi na ng gabi. ‘Hays, naku naman. Ginising mo dapat ako,” natataranta kong wika. "Bye Hevo. Salamat sa paghatid!" dagdag ko pa at dali-daling bumaba ng sasakyan. Patakbo kong tinungo ang gate.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD