NAPAPALIGIRAN ng iba’t ibang baso ang buong lugar, may mga mugs na hindi maintindihan ang kulay at may iba na na nakaagaw pansin sa bawat pumapasok sa loob ng tindahan. Isang pagawaan ng baso ang tnutukoy ni Keith na nakita niya ng papunta kami sa itaas ng bundok, malawak ang buong lugar at karamihan na makikita ay iba’t ibang pagawaan ng mugs, plates, at kung ano-ano pa na maaring magawa sa clay. Mula sa hindi kalayuan sa akin kinanatuyuan, natatanaw ko ang mga magkakaibigan na masayang nagtatawanan at nagtitilian. Gumagawa ng customized vase—ata dahil mukhang hindi nila makuha-kuha kung ano nga ba ang gusto nilang gawin sa buhay. “Marunong ka ba gumawa ng ganito?” Baling ko kay Keith na nagtatanong-tanong sa cashier at nagbayad ng para sa amin dalawa. “Hindi kaya masayang lang ang pera

