Kabanata 24 Tila huminto ang aking mundo nang makita siya ngayon. Ilang araw na bang hindi ko siya nakikita? Labing apat na araw? Two weeks? O three weeks kaya? "Nandiyan na ba si Peter?" Kaswal niyang tanong sa akin ngunit kagaya ko ay titig na titig kami sa isa't-isa. "O-oo nandito siya. Siya ba ang kailangan mo?" Nag-aalinlangan kong tanong. Ang akala ko'y ako ang kanyang sadya ngunit hindi pala. "Oo, kasi may ipinadalang libro si Douglas kay Peter at kukunin ko sana." Aniya. Kaagad kong naalala ang noong pumasok siya sa kwarto na nakahubo't-hubad ako. Iyong mga panahon ding iyon ay may kukunin siyang mga libro rito sa condo. "Pa-pasok ka muna Steffan." Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili. "Okey lang ba?" Tila may paga-alinlangan sa kanyang boses. "Oo naman, kami lang nam

