Kabanata 36 TILA nasa kanilang atensyon ang tingin ng mga taong nasa likod ng mansyon upang manood ng paligsahan. Nandoon ang mga kanilang kasambahay, mga drayber at taga-alaga ng mga halaman at mga hayop. Bukod sa kanila ay nandoon ang dalawa niyang kasama na si Rafael at Tito Tony. Wala si Edward. Mukhang ngayon ang kanilang photoshoot. “Lahat ba sila ay nakatingin sa atin?” bulong ni Steffan sa kanyanng likuran. Mabilis siyang nailang dahil sobrang dikit na dikit ito sa kanya. “Oo, mauna ka nang bumaba,” aniya sa lalaki. “Sige, hold tight.” Bumaba si Steffan na hawak-hawak ang kanyang saklay. Inilalayan siya nitong bumaba at dinala nila ang kabayo sa gilid. Hindi naglaon ay dumating na ang mga kasali sa pagtakbo ng kabayo. Nandoon si Homer, ang kanilang Kuya Douglas, si Cyrous, si

