Kabanata 41 SUMASAKIT ang ulo ko na parang nahihilo pa. Mukhang masama talaga ang tama ng gamot na inilagay sa panyo. Inimulat ko ang aking mga mata. Dalawa ang paningin ko. At epekto pa ang gamot sa katawan ko. Sinubukan kong bumangon. Hindi paman ako nakatayo nang parang gumiwang katawan ko. Napahiga ako ulit. s**t! Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Hinintay ko muna na mawala ang hilo. Ilang minuto ko rin iyong hinintay kaya nang medyo okay na ang aking pakiramdam ay tumayo ako. Gumiwang ulit ang katawan ko ngunit nakuha ko ang balanse. Maayos na naman ang aking isipan bakit parang lumilindol na gumigiwang? Nasa loob ako ng isang kuwarto. Hindi iyon kalakihan ngunit magara ito. Tila nagtaka ako kung sino ang hinayupak na nagpadukot sa akin! Lumapit ako sa pinto at dina

