Napilitang makipagkita si Tiffa sa kaniyang mga kaibigan. Ilang linggo rin niyang iniwasan ang mga ito. Kapag inaaya siyang gumimik ay hindi siya sumasama. Napilitan na lang siya ngayon dahil nakakahalata na ang mga ito. "Bakit ba parang pakiramdam ko umiiwas ka sa amin, Tiffa? Naging boyfriend mo lang si Archer, kinalimutan mo na kami," himutok na sabi ni Mitch. Ang magkakaibigan ay nasa isang private tennis court na pag-aari nila Liby. Katatapos lang nilang maglaro at kasalukuyang nagpapahinga sa isang cafe na nasa loob din ng establishment. "Hindi naman, masyado lang akong busy ngayon. Marami akong commitment at hindi mag-align ang schedule ko sa mga lakad ninyo kaya hindi ako makasama," pagdadahilan niya. Ang mga tingin ni Ritz kay Tiffa ay para bang puno ng pagdududa. "Mukhang ti

