Chapter 8

3352 Words
Chapter 8 Dumating na ang lahat ng mga inorder namin, mushroom risotto, pasta carbonara, focaccia bread, margherita pizza, at ang huling senerve ay ang salad at seafood na inorder ko at rice, hindi talaga ako sanay kumain ng walang rice. “Wow! caprese salad with pesto sauce. Nothing lika a fresh tomato salad in summers.” Sabi ko habang nakangiti nang makita ko ang lahat ng inorder niya. “Alex mauubos ba natin ito lahat? ang dami nito.” Dagdag ko. “Oo naman, pero kung hindi natin maubos pwede naman natin itake out, para naman hindi ka magutom sa daan pag uwi.” Sabi naman niya na naka titig sa akin, kaya ngumiti lang ako sa kanya. “tara kain na tayo!” Pag aaya niya sakin, nag simula na siyang mag sandok at nilagyan ng kanin ang plato ko dahil alam niya na iyon ang inorder ko nilagyan niya rin ng seafood sa tabi ng rice ko. “Alex hindi kaba hahanapin sa inyo kapag ginabi ka ng uwi?” panimula kong tanong sa kanya Habang kumakain ako. “Hindi naman, at bakit naman nila ako hahanapin? eh nasa tamang edad naman na ako at alam nila na may ka date ako ngayon at ikaw iyon!” naka ngiting paliwanag niya sa akin. “Ikaw hindi kaba hahanapin sa inyo kung sakaling gabihin ka?” balik tanong niya sa akin. “Hindi naman, saka 19 na ako at nag message ako kay mommy bago umalis ng bahay.” Sagot ko naman. “May mga kapatid kaba alex?” tanong ko sa kanya. “Nag iisang anak lang ako, pero sa tingin ko masarap nga ang magkaroon ng kapatid katulad ng kababata ko halos sabay na kaming lumaki” Sagot naman nito. “Ah, parehas pala tayo.” Sabi ko naman, nang makita ko ang plato ni alex na wala ng laman nilagyan ko ito ng pasta carbonara at isang slice na margherita pizza pag katapos ay ngumiti na ako sa kanya. “Thank you!” Saad niya ng makita ang ginawa ko. “Welcome!” Sabi ko naman, marami pa kaming pinag usapan at nalaman sa isa’t isa hanggang hindi na namin namalayan ang oras. hindi rin namin akalain na mauubos namin ang lahat ng inorder naming pagkain, busog na busog na kami ngayon. “Are you done?” tanong niya sa akin kaya naman tumango na ako kaagad sa kanya, nauna akong tumayo para mag CR. “Alex pupunta lang ako sa comfort room saglit.” Saad ko sa kanya at tumango lang ito sakin. “Sa waiting area nalang kita hintayin, mag babayad lang ako ng bill.” Sagot naman niya, at agad na akong tumalikod at nag tungo sa comfort room para umihi, nag ayos narin ako ng aking mukha at nag lagay ng liptint sa aking labi bago lumabas at mag punta sa waiting area. “Crys!” Tawag niya sa akin nang makita ako palabas, lumapit siya sa akin at naka ngiting umakbay sa balikat ko hinayaan ko lang ito sa ginawa niya. “Gusto mo bang mag ikot muna dito sa park ng restaurant?” tanong niya sa akin tumango lang ako sa kanya, kaya iginaya niya ako sa park ng restaurant, nakita ko ang mga magagandang halaman at nag lalakihang mapupulang rosas sa bawat madaanan naming daan, ng marating namin ang hardin ng restaurant sa gilid nito ay may maliit pa na hardin at maliit na falls na gawa sa mga maliliit na bato at ang ilalim ng tubig ng falls ay may mga isdang goldfish, ang simoy ng hangin ay malamig lalo na kapag tumama sa aking mukha, mas lalong naging attractive at romantic ang hardin dahil sa mga hanging lights nito, napahanga ako ng husto sa mga nakita ko. “You like it?” tanong niya sa akin at dahan dahan niya akong hinarap, tumango lang ako at tumingin sa kanyang mga mata. “Maganda ang ambiance dito lalo na ang simoy ng hangin.” Sabi ko sa kanya habang naka titig sa mga mata nito. “Yup, tama ka! kaya ito ang pinili ko, dahil alam kong magugustuhan mo ito.” Saad niya sa akin habang naka tingin sa aking mukha, naka ramdam ako ng mumunting patak ng tubig sa aking mukha tumingala ako at ganoon din siya, napansin namin na makulimlim ang kalangitan at nag simula ng dumami ang patak ng ulan, hanggang sa lumakas na ito, hinawakan niya ang aking kaliwang kamay at patakbo kaming pumunta sa sasakyan niya basang basa kami pag pasok ng kotse at ginaw na ginaw ako. “Are you okay?” tanong sa akin ni alex nang makasakay na kami, ngumiti lang ako at tumango sa kanya binuksan niya ang compartment at may kinuha doon. iniabot niya sa akin ang puting towel at sinimulan niya ng paandarin ang sasakyan at imaneho lamig na lamig parin ako kahit na pinunasan ko na ang aking mukha at ulo ang damit ko ay basang basa ng ulan. “Ikaw hindi ka ba mag pupunas ng mukha at buhok mo?” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa basa nitong buhok at mukha. “Hindi na, okay lang ako.” Sagot naman niya sa akin, hanggang sa huminto na ang kotse niya sa tapat ng bahay namin. una siyang lumabas ng sasakyan at umikot para pag buksan ako at alalayan palabas ng sasakyan pagbaba ko ng sasakyan ay humarap siya sa akin at dahan dahan hinawakan ang mag kabilang pisnge ko at humalik siya sa aking noo. “Goodnight crys, see you tomorrow!” Mahinang sabi niya sakin at ngumiti ito. “Goodnight din sayo, at thank you!” Sagot ko sa kanya. “bye!” At tumalikod na ako at nag mamadaling pumasok sa loob ng bahay, hindi ako makapaniwala na hinalikan niya ako sa aking noo, hindi ako makatulog ng maayos kakaisip sakanya, kung paano niya ako nahalikan sa noo ng ganon kabilis. Kinaumagahan narinig ko ang alarm clock ko tunog ng tunog, pero antok na antok parin ako, ang katawan ko ay sobrang bigat hindi ko maibangon, sobrang lamig ng aking pakiramdam pinilit kong bumangon at hanapin ang remote control ng aircon para patayin ang aircon nailagay ko ata ito sa high temperature kaya tinignan ko. nang makita ko ang temperature ng aircon normal naman nag simula na akong maligo at mag bihis ng uniform, pababa na ako ng hagdan ng tawagin ako ni mommy para mag almusal pero tinanggihan ko ito dahil wala akong ganang kumain kaya naman humalik na ako sa kanya para pumasok na sa eskwelahan. sumakay na ako sa grab habang nasa loob ako ng sasakyan antok na antok parin ako at ang bigat ng pakiramdam ko, ibinigay ko sa driver ang address ng campus kung saan niya ako ihahatid. Pagbaba ko ng sasakyan nag simula na akong mag lakad papasok ng room sa first subject namin, malapit na ako sa pinto ng classroom nakita ko ang mga iilang schoolmate ko. naupo na ako kung saang upuan ako na assign tinignan ko ang aking orasan sa kamay 7:12 am palang nagulat ako sobrang aga ko 8am pa ang start ng first subject namin naalala ko hindi pala ako nag almusal kaya napa aga ang dating ko dito sa school, inihiga ko ang ulo ko sa desk ng upuan ko para matulog muna saglit. “Crys!! gumising ka ang init mo!” Tawag sa akin ni patricia habang inaalog alog nito ang buo kong katawan, dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at inangat ang ulo ko para makita ang aking kaibigan nang makita ko na siya ngumiti ako. “Okay lang ako ano ka ba, normal lang sa tao na mainit syempre buhay!” Pag bibiro ko sa kanya. “Oh siya sige, kamusta naman ang date ninyo?” tanong nito sa akin na nag papacute ang mga mata. “Okay lang, syempre hindi ko sasabihin sayo iyon!” Natatawa kong sinabi sa kanya kaya naman hinampas niya ako ng notebook sa balikat at tumingin sa akin. “buset ka!! samantalang ako halos lahat ng talam buhay ko alam mo! ultimong kulay ng pantie ko kapag papasok ako alam mo pati ang pag date namin ni chester alam mo din! tapos ikaw hindi mo sasabihin.” Sabi naman niya na may pag tatampo sa boses nito. Hanggang sa dumating ang professor namin walang tigil ang pangungulit sa akin ni patricia gusto niyang malaman ang lahat ng nangyari sa pag labas namin ni alex. “Ano ka ba! mamaya ikukwento ko sayo lahat lahat ng ginawa namin kaya manahimik kana diyan! sumasakit ulo ko sayo napaka ingay mo.” Natatawang sabi ko sa aking kaibigan. “Sige, mamaya sa canteen.” Excited na sabi naman niya, nang matapos na ang pag tuturo sa amin ng professor namin ay nag mamadali ng tumayo ang aking kaibigan para ayain ako sa canteen na mag lunch break at mag kwento, habang nag lalakad kami sa hallway patungo ng canteen hinawakan ko ang kamay ng aking kaibigan. “Pat, mauna kana sa canteen susunod nalang ako sayo! punta muna ako ng comfort room para umihi.” Sabi ko sa aking kaibigan. “Okay ghurl bilisan mo huh?” Saad niya at nag tungo na ito sa canteen, nag simula na akong mag lakad patungo ng comfort room pag pasok ko umupo na ako para umihi, hinawakan ko ang aking ulo na sobrang sakit, pag tapos kong umihi tinignan ko ang aking mukha sa salamin napaka putla nito at nangangalo mata ang aking mga mata. lumabas na ako ng comfort room at dumiretso ako ng library at nag hanap ng mauupuan doon banda sa may sulok at medyo tago, naupo ako at inilagay ko ang aking bag sa harapan ng aking lamesa at ginawang unan ito, nag set ako ng alarm time sa apple watch ko para magising, ginamit ko ulit ang one hour break ko para makatulog, nag simula na akong ihiga ang ulo ko sa aking bag at ipinikit ang aking mga mata sa sobrang sakit ng aking ulo hindi ko na naalala ang aking kaibigan na nag hihintay sa canteen, hanggang sa makatulog na ako ng mahimbing. Nagising ako sa napaka liwanag na ilaw na tumatama sa aking mga mata, iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko na puro puti ang lahat ng mga pintura sa paligid ko, iniikot ko ang buo kong mata sa loob ng silid, napansin ko rin na nakahiga na ako at may kumot na puti, may narinig akong nag bukas ng pinto at nakita kong may pumasok na isang babae na naka suot ng puting damit, lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking noo at sinuri ako ng ilang beses pag katapos noon ay umalis na, kasunod naman noon ay nakita kong pumasok sila patricia, chester, at alex lumapit sila sa akin. “Pat, nasaan ako?” Tanong ko sa aking kaibigan ng makalapit na sila sa akin, hinawakan nito dahan dahan ang aking kaliwang kamay. “Crys, nasa clinic ka.” Sagot naman niya. “Anong ginagawa ko dito? bakit ako nandito?” mahinang tanong ko sa aking kaibigan. “May nagdala sayo dito sa clinic, hinimatay ka daw sa loob ng library sobrang taas daw ng lagnat mo!” Saad naman ni alex. “Okay na ba ang pakiramdam mo ngayon?” dagdag na tanong ni alex na may halong pag aalala sa boses. “Okay naman ang pakiramdam ko.” Sagot ko naman sa kanilang lahat. “Sino nga pala ang nag dala sa akin dito?” tanong ko. “Hindi namin alam eh, studyante daw at lalaki ito.” Si chester naman iyon. “May nag bigay ng phone number ko sa nurse station kaya tinawagan ako kaagad ng nurse na nandito ka, ipinaalam ko rin ito sa mommy mo ang nangyari” Si patricia naman iyon. “Ano ba ang mga nangyari habang wala akong malay?” takang tanong ko sa kanilang lahat, dahan dahan umupo sa tabi ko si alex at hinawakan naman nito ang aking kabilang kamay. “May nakakita daw sayong binata na pumasok ka ng library, maputla ka daw at matamlay, inihiga mo daw ang ulo mo sa lamesa na may bag, tapos ilang minuto lang bumagsak kana sa sahig, kaya nang makita ka ng binata binuhat ka daw agad niya at itinakbo dito sa clinic dala ang mga gamit mo.” Paliwanag ni alex. “Nang masuri ka ng doctor at nurse tumaas daw ang white blood cells mo, at ang sabi pa ng nurse its a sign of physical or emotional stress.” Dagdag pa niya na paliwanag sa akin. Dahan dahan niyang idinampi ang kanyang kamay at hinaplos niya ang aking pisnge. “Pero okay kana daw sabi ng nurse bumaba na ang lagnat mo, kasalanan ko lahat ng ito, nabasa ka ng ulan dahil sa akin.” Saad niya sa akin habang nakatingin sa aking mukha. “Hindi mo kasalan iyon kaya wag mong sisihin ang sarili mo, okay lang ako.” Sagot ko sa kanya at umiling lang ito, nakita ko bumakas ang pinto sa may paanan ko at nakita ko si mommy doon na may mga dala dalang plastic bag. “Crys, anak! okay ka lang ba?” tanong ni mommy na papasok ng pintuan at agad na lumapit sa akin at ibinaba ang mga dala sa sahig, sinalat niya ang noo ko at humalik dito.“Nag alala ako ng husto sayo.” Sabi pa ni mommy. “Okay na po ako mom wag na po kayo mag alala.” Sabi ko naman kay mommy pag katapos niya akong halikan sa noo. “Tita.” Sabay na tawag ni chester at patricia kay mommy kaya lumingon ito sa kanila at humalik ang mga ito sa pisnge ni mommy at yinakap silang pareho. “Ah, tita! kasalan ko po kung bakit nagka sakit si crys pasensiya na po.” Sabi naman ni alex habang nakaupo sa tabi ko at nakayuko ito, hinawakan siya ni mommy sa kamay niyang nakahawak din sa aking kamay at tinapik tapik ito ni mommy. “Wala kang kasalan, okay na si crys.” Saad ni mommy at ngumiti sa kanya. “Salamat po tita.” Saad ni alex kay mommy. “Gusto mo bang kumain anak?” tanong ni mommy sa akin pero umiling lang ako dito. “May mga dala akong makakain baka nagugutom na kayo? kumain na kayo wag na kayong mahiya! patricia, chester.” Tawag ni mommy kila patricia at chester, unang inabutan ni mommy si alex ng isang box na pagkain galing sa korean restaurant, sunod na inabutan si patricia at chester pag bukas ni patricia at chester ng box nila kumalat ang napaka sarap na amoy sa loob ng silid, naka ramdam ako ng gutom kaya naman pinilit kong bumangon dadan dahan, nakita ako ni alex na bumabangon kaya naman inilapag niya muna ang box na hawak niya sa table sa tabi ng higaan ko at inalalayan ako sa pag upo. “Mom meron po ba kayong dalang soup?” tanong ko kay mommy nang makaupo na ako, gusto kong humigop ng mainit na sabaw. “Meron anak, gusto mo bang humigop ng mainit na sabaw?” tanong ni mommy sa akin na nag sisimula nang buksan ang isang plastic bowl na may lamang dak gomtang korean chicken soup, umupo si mommy sa tabi ko para subuan ako ng soup, pero kinuha ni alex ang hawak ni mommy na bowl. “Ako na po tita ang mag papakain kay crys kumain nalang po muna kayo alam kong galing pa po kayo sa byahe, mamaya na po ako kakain hindi pa naman ako nagugutom.” Sabi naman ni alex, hindi na tumanggi si mommy at nag simula narin itong mag bukas ng box para kumain habang si alex naman ay pina pakain ako ng mainit na soup. “Mom pwede na po ba ako umuwi mamaya pag katapos kong kumain?” tanong ko kay mommy, kaya tumingin ito sa akin.. “Yes anak, pwede na tayong umuwi mamaya at sabi pa ng doctor kailangan mo ng complete bed rest for five days, kaya no school muna sa loob ng five days.” Naka ngiting sabi ni mommy at tumango naman ako. Natapos na akong kumain at nag simula narin si mommy mag ligpit ng mga gamit namin at sila patricia naman ay nagligpit at naglinis ng mga kinainan namin. “Anak ihahatid ko lang itong mga gamit sa sasakyan natin sa labas, babalik din ako dito kagad para makauwi at maka pag pahinga ka ng maayos sa bahay.” Saad ni mommy at tumalikod na ito paalis. Hindi na namin inantay si mommy na makabalik sa loob ng clinic, dahan dahan akong tumayo sa aking higaan habang inaalalayan naman ako ni alex tumayo sa aking kama. “Tara na sa labas.” Pag aaya ko sa kanila, nag simula na akong mag lakad habang hawak hawak ni alex ang kamay ko. “Hindi na ba natin hihintayin si tita makabalik?” tanong ni patricia sa akin, umiling lang ako. “Sigurado ka ba? Baka magalit si tita sa amin.” Sabi naman ni slex na hawak hawak ako palabas ng clinic. “Hindi na! at saka okay naman ako.” Sagot ko sa kanila, pag labas ng clinic ay nag paalam na sa amin si chester at patricia para umuwi, “Crys, mauna na kaming umuwi.” Sabi ni chester. “Alex ingatan mo si crys, ingat kayo.” Si patricia naman iyon, at yumakap ito sa akin. “I will, don’t worry.” Sagot naman ni alex at tumalikod na sila patricia sa amin, hinatid ako ni alex sa sasakyan ni mommy kung saan ito naka park at nang makita ko na si mommy ay tinawag ko ito. “Mommy! nandito na po kami, hindi mo na kailangan bumalik pa sa loob ng clinic.” Paliwanag ko kay mommy. “Anak bakit ka naman lumabas agad ng hindi ako inaantay? pano kung himatayin ka ulit?” Saad ni mommy. “Mom kasama ko naman si alex eh, saka okay naman na ako.” Sagot ko naman, kaya naman lumipat ang tingin ni mommy kay alex. “Salamat hijo sa pag hatid sa anak ko dito.” Saad ni mommy. “Wala pong anuman tita, sige po ingat kayo.” Si alex naman iyon, at inabot ni alex ang aking kamay kay mommy. “Hindi ka ba sasabay sa amin ng anak ko? Para maihatid ka narin namin.” Sabi naman ni mommy “Hindi na po tita, salamat nalang may dala din po kasi akong sasakyan.” Sabi naman ni alex, humarap ito sa akin at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa mag kabilaang bulsa at tumingin sa akin. “Crys mauna na akong umuwi, see you tomorrow nalang! dadalaw ako bukas sa inyo.” Sabi naman ni alex at tumalikod na ito sa amin at umalis. Nakahiga na ako ngayon sa aking kwarto at nag papahinga, narinig kong tumunog ang phone ko sa table kaya inabot ko ito para makita kung sino ang nag message sa akin.. UNKNOWN: "Please always take care of your self." Napa isip ako kung sino ang nag message sa akin dahil wala naman itong pangalan sa phone ko at hindi rin ito naka register sa phone book ko, kaya naman nag tipa ako ng mensahe para sa kanya. "thank you for taking care of me." Sabi ko sa aking mensahe, naisip ko na baka si alex iyon, nag antay ako ng ilang minuto kung mag rereply ito, pero inabot na nang ilang oras hindi tumunog ang phone ko, kaya naman binura ko nalang ang message at ang numero nito, bumangon ako dahan dahan nang marinig ko si mommy na kumakatok sa aking pinto hindi pa ako nakaka tayo ay bumukas na ang pinto ng kwarto ko at pumasok si mommy na may dalang tubig at gamot. “Crys, anak uminom ka muna ng gamot bago ka mag pahinga.” Sabi niya sakin. At iniabot na sa akin ang isang basong tubig at gamot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD