Chapter 16 Kinuha ko ang paper bag na nasa aking tabi at binuksan ko ito, may nakalagay sa ibabaw na invitation card kinuha ko ito at binuklat nakita ko ang pangalan ng bride at groom kasama narin ang mga pangalan ng mga bridesmaid at groomsmen. Hinanap ko kaagad ang address ng church kung saan gaganapin ang kasal at ang reception nang makita ko na ang address kinopya ko ito pati na ang oras lahat ng mga details at sinave sa phone ko. Inilagay ko sa table ko ang invitation card at inilabas naman ang white gown for maid of honor at tinignan itong mabuti, lace ang likod nito at ang harapan naman ay puro bids at glitters na kumikintab sa ganda at ang manggas naman ay ganoon din lace at hanggang sa siko naman ang haba nito. Ang haba naman ng gown ay hanggang tuhod lang na pinatungan din ng pu

