Chapter 10
Napatayo ako kaagad sa aking kina uupuan nang marinig ang sinabi ni mommy, mabilis akong nag tungo sa sala at nakita ko ang isang bouquet na tulip na nakapatong sa lamesa at puro puti naman ngayon ang kulay nito lahat, mag kaiba sa pinadala kahapon at ang lace na tela naman na nakabalot dito ay parehas naman ng kahapon ganoon din ang ribbon nito walang pinag ka iba sa pinadala kahapon.
Kinuha ko kaagad ito sa lamesa at tinignan ko ito kung may card na nakaipit, at nang makita ko ang maliit na card ay agad ko itong binuksan at binasa.
"There are many things that i would like to say to you... but i don't know how. so... i stare at you when you're not looking.."
Napangiti ulit ako nang mabasa ko ang mga naka sulat doon tinignan ko pa kung may iba pang card na nakalagay dito pero wala na akong makita pa na kahit ano, kahit manlang ang pangalan ng taong nag papadala sa akin ng bulaklak. kaya naman niyakap ko ang mga bulaklak at inamoy amoy ito bago ko ilapag ulit sa lamesa, pagkatapos ay bumalik na ako sa kusina at naupo ulit doon.
“Mom, kanino po galing ang mga bulaklak na tulip?” tanong ko kay mommy habang nag hahain na ito ng mga almusal sa lamesa.
“Anak hindi ko alam kung kanino galing ang mga iyan eh, diniliver lang iyan dito at sayo iyon naka pangalan kaya tinanggap ko na.” paliwanag naman sakin ni mommy.
“Wala po bang sinabi iyong delivery boy kung kanino galing ang mga bulaklak?” tanong ko naman sakanya, pero umiling lang ito.
“Baka naman anak kay alex galing iyan?” Sabi naman ni mommy at tumingin ito sa aking mukha na may nakaka lokong ngiti, hindi ko nalang pinansin ang biro nito dahil alam ko naman na hindi kay alex galing ang mga bulaklak hanggang sa nagsimula na kaming kumain ng almusal.
“Mom, may itatanong nga pala ako sayo.” Sabi ko kay mommy habang kumakain na ito.
“Yes anak, ano iyon?” sagot naman niya.
“Mom, ang pag kakatanda ko naka tulog ako sa upuan kagabi paano ako napunta sa kwarto ko?” tanong ko dito, nagulat nalang ako nang bigla siyang tumawa.
“Crys anak, hindi mo ba naramdaman na binuhat ka ni alex papasok sa kwarto mo?” natatawang tanong ni mommy sa akin kaya naman umiling lang ako sa kanya.
“Pag pasok ko kagabi dito sa loob ng bahay nakita ko si alex na nanunood ng horror movie, pero ikaw tulog na sa tabi niya kaya naman nang makita ako ni alex ay tumayo ito at binati ako." sabi nito sa akin. "At paglapit ko naman sayo akala ko magaling kana hindi pa pala, nang hawakan kasi kita sa iyong noo sobrang taas parin ng lagnat mo kaya napatingin nalang ako bigla kay alex at hinawakan ka din nito sa noo! siya na ang nag presintang buhatin ka at ilagay sa kwarto mo.” dagdag na paliwanag ni mommy sakin.
“Ah ganoon po ba mom.” Sagot ko naman sa kanya at tumango lang ito sakin, marami pa kaming pinag usapan hanggang sa matapos na kaming kumain at nag simula na si mommy mag hugas ng mga pinag kainan namin. Pag tapos niya ay umakyat na ito para mag bihis at umalis naupo ulit ako sa sofa na may dala dalang isang basong tubig at nanood ng T.V nakita ko ang aking mga gamot sa tabi ng lampshade kinuha ko ito at uminom ng isang kapsul ilang oras na akong nanunood ng T.V nang makita ko naman si mommy na pababa ng hagdan, lumapit ito sa akin at humalik sa aking noo.
“Crys aalis na ako, wag mong kalimutang inumin ang mga gamot mo okay?” Sabi naman ni mommy bago ito tumalikod at umalis.
“Okay po mom.” Sagot ko naman paglabas ni mommy sakto naman tumunog ang phone ko sa aking pajama kinuha ko ito sa bulsa at nakita kong tumatawag si patricia sa akin kaya naman sinagot ko ito kaagad.
“Pat bakit napatawag ka?” tanong ko sa aking kaibigan na nasa kabilang linya.
“Ghurl hindi ka nga pala namin madadalaw sa bahay ninyo mamaya, may lakad kasi kami ni chester, pasensiya na.” paliwanag naman niya sa kabilang linya.
“Sige okay lang, ingat nalang kayo.” Sabi ko naman.
“Okay sige bye!” Sagot niya. “Si alex nga pala pupunta diyan para dalawin ka bye!” Dagdag na sabi niya sa linya bago ito pinatay.
Habang nakaupo ako at nanunood ng T.V napatingin ako sa lamesa kung saan ko ipinatong ang mga bulaklak na tulip, kinuha ko ito at niyakap ulit, napapangiti ako kapag naaalala ko ang lahat ng mga nakasulat sa card na pinapadala niyang bulaklak iniisip ko na napaka sweet at napaka bait nitong tao kahit hindi ko pa kilala, naputol ang aking pag iisip nang marinig ko na may nag bubusina ng sasakyan sa labas ng bahay, tumayo ako ng sofa at lumabas para makita kung sino ito, nakita ko si alex na nakasuot ng black jacket at nasa labas.
“Alex!” tawag ko sa kanya kaagad, “bakit nandito ka na? hindi kaba pumasok ngayon?” tanong ko habang pinag bubuksan ito ng pinto.
“Pumasok naman, kaso nga lang wala ka eh, kaya dito ko nalang naisipang pumasok sa bahay niyo.” Natatawang sabi nito sa akin. “Crys kamusta na nga pala pakiramdam mo?” tanong ni alex matapos ko siyang pag buksan, nakita ko na may dala ulit itong isang bouquet na rose at mga prutas.
“Okay naman ako.” Sagot ko naman sakanya nang makapasok na kami sa loob ng bahay.
“Para sayo nga pala ulit crys.” Sabi niya sabay abot ng isang bouquet na rose at mga prutas. kinuha ko naman ang mga ito sa kamay niya at nag pasalamat sa kanya, inilapag ko ang bulaklak sa tabi ng tulip at nag tungo sa kusina para kumuha ng fruit knife at isang bowl na pag lalagyan ng prutas, nakita ko siyang sumunod sa akin sa kusina at tinawag ang aking pangalan.
“Crys, may nagpadala ba ulit sa iyong isang bouquet na tulip.” Tanong niya sa akin, habang kumukuha ako ng bowl, tumango lang ako sa kanya. “Sino daw ang nagpadala.” Tanong niya pa ulit, kaya naman humarap na ako sakanya.
“Hindi ko alam eh, si mommy kasi ang naka tanggap kaninang umaga wala din daw pangalan.” sabi ko naman habang naka harap sa kanya, kinuha niya ang hawak kong bowl at fruit knife at sabay na kaming nag tungo sa sala, nauna akong naupo at siya naman ay nag slice ng mga iba’t ibang prutas at inilagay sa malaking bowl. “Anong oras ka nga pala naka uwi kagabi?” tanong ko sa kanya na tinulungan narin ilagay ang mga prutas sa bowl.
“Around 11:30 something.. nakatulog ka nga sa upuan eh, kaya hindi na kita ginising! bakit mo naman naitanong?” Sabi naman nito na tumingin sa akin at ngumiti.
“Wala naman! gusto ko lang sana mag thank you sayo!” Sagot ko sa kanya habang kumakain ng prutas.
“Para saan naman?” takang tanong niya sa akin.
“Para sa pag babantay sa akin kagabi habang wala si mommy.” Sabi ko naman sakanya.
“Uhm wala iyon, kalimutan mo na iyon.” Sabi naman niya.
“Pwede ba tayong lumabas ngayon at mamasyal?” tanong ko sakanya na ikinagulat naman niya.
“Crys hindi kapa magaling baka kung mapano kapa sa daan, baka mapatay pa ako ni tita pag nag kataon.” Paliwanag naman niya.
“Okay naman ako eh, saka kaya ko naman.” Sabi ko dito habang nakatingin sa kanya. “Kahit saglit lang namis ko na kasing lumabas ng bahay ulit eh.” Pamimilit ko pa sa kanya kaya naman tumingin ito sa akin na parang sinusuri ako kung talagang okay na ako, ilang minuto pa siyang nag isip bago mag salita.
“Okay sige.” Sabi naman niya kaya bigla akong napayakap sa kanya sa sobrang saya, nabigla din ito sa ginawa ko at hindi nakapag salita, kaya dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay ko sa kanya. Nang makita ko ang mukha niya ay ngumiti siya sa akin at hinaplos ang pisnge ko. “Saan mo naman gustong pumunta?” Tanong niya matapos haplusin ang aking pisnge.
“Hindi ko rin alam kung saan eh, gusto ko lang mamasyal, nagsasawa na kasi ako sa bawat sulok ng bahay namin.” Sabi ko naman sa kanya at nag simula na siyang mag isip kung saang lugar ang magandang puntahan.
“Alam ko na kung saan kita dadalhin!” Sabi nito sa akin kaya naman nag madali akong umakyat sa aking kwarto at nag bihis ng pang alis, nag suot ako ng hoodie jacket dahil nilalamig parin ako at tenernohan ng sneaker pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko na si alex na nakatingin at naka ngiti sa akin.
“Talaga bang gusto mong lumabas at mamasyal?” tanong niya sa akin na tumango lang ako sakanya. “Pwede bang dito nalang tayo sa bahay ninyo mag stay at manood ng movie.” Dagdag pa niya, kaya naman hinila ko na siya palabas ng bahay.
“Tara na kasi! para maka balik kaagad tayo.” Sabi ko naman, pinag buksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya at naupo na ako doon sa harapan at siya naman ay nag maneho. habang nasa biyahe kami iniikot ko ang aking mga mata sa kalsada na bawat madaanan namin.
Parang isang taon akong hindi nakalabas ng bahay samantalang dalawang araw palang akong may sakit at nag stay sa loob ng bahay.
Pag dating namin sa ayala museum ay agad kaming pumasok dito iginaya niya ako kung saan may mga magagandang paintings, at nakita ko nga ang mga nag gagandahang paintings na nakasabit may mga iba’t ibang kulay at hugis ang mga ito. Naramdaman kong hinila niya ang aking kamay at ipinulupot niya ito sa kanyang braso, tumingin lang ako sa kanya at ngumiti,
Pag katapos namin tignan ang lahat ng mga paintings nagpunta naman kami sa diorama at pag katapos namin sa diorama dinala niya ako sa gold collection ng ayala museum, manghang mangha ako sa mga nakita ko ang gaganda ng mga naka display na gold collection nakaka akit sa mga mata ang kulay, ang huling pinuntahan namin ay ang scale model of old spanish sail ship nakita ko ang naka display na barko mukhang antik na nga ito at alaga sa linis, tuwang tuwa ako na parang bata nang matapos namin ikutin ang buong museum nag aya naman si alex na kumain sa kenji tei greenbelt. Sabay na kaming naupo inantay namin ang waiter para abutan kami ng menu book, nang makita ko ang lahat ng nasa menu ay hindi muna ako omorder inantay ko si alex na maunang omorder at dahil wala akong napili na kainin ginaya ko nalang ang inorder ni alex na pagkain gomoko chahan fried rice, sea food, pork, at katsudon breaded pork, egg.
“Nag enjoy kaba sa pamamasyal natin?” tanong ni alex habang kumakain na kami.
“Oo naman, ang dami ko ngang nakita na magagandang paintings, lalo na iyong mga gold collection nakakaakit sa mata.” Sabi ko naman.
“Mukha ngang nag enjoy ka ng husto eh, hindi mo na nga napansin na 3:20 pm na at hindi pa tayo kumakain ng tanghalian.” Sabi naman niya na natatawa sakin.
“Pasensiya na, wala pa kasi akong ganang kumain pero pinipilit ko naman, para makabalik na ako sa campus.” Sabi ko sa kanya nang matapos na kaming kumain nag pasya na si alex na ihatid ako pauwi, nauna na itong lumabas at ako naman ay dumeretso sa comfort room para umihi, pag labas ko naka salubong ko si alex sa pasilyo at alalang alala ang kanyang mukha habang naka tingin sa akin.
“Crys umaambot sa labas kailangan na kitang ihatid pauwi bago pa bumagsak ng malakas ang ulan.” Nag aalalang sabi niya, kaya naman tumango ako kaagad nakita ko na hinubad niya ang kanyang malaking jacket at pinasuot sakin, inayos niya ang sombrero nito sa ulo ko, at pag katapos ay hinawakan niya dahan dahan ang aking kamay at naglakad na kami, nang malapit na kami sa pinto palabas ng restaurant ay huminto siya at humarap sa akin hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at tumingin sa mga mata ko.
“Crys dito ka lang, kukunin ko lang ang sasakyan ko hintayin mo nalang ako dito sa pinto.” Sabi naman nito at hindi na inantay pa ang sagot ko at tumalikod na paalis..
Nag antay ako ng ilang minuto malapit sa pinto ng restaurant nang may makita akong lalaki na nakatingin sa akin sa di kalayuan naka suot ito ng leather brown jacket at naka shade ng dark, lalapitan ko sana ang lalaki dahil pamilyar ang hugis ng mukha niya at ang tindig nito, nang biglang may humagit sa braso ko at napatingin dito.
“Al-ex.” Pautal kong tawag sa pangalan niya,
“Saan ka pupunta?” tanong naman niya sa akin na agad kong ibinalik ang tingin ko sa lalaking nakita kanina, ngunit wala na ito at hindi ko na nakita. Hinawakan ni alex ang kamay ko at pinasakay na ako sa sasakyan niya, tahimik lang ako sa byahe namin, iniisip ko kung saan ko nakita ang binata na iyon, hanggang sa marating na namin ang bahay at bumagsak na ang malakas na ulan, nag mamadaling bumaba ng sasakyan si alex para pag buksan ako ng pinto, nang makapasok na kami sa bahay parehas nanaman kaming basa sa ulan.
“Crys.” Tawag niya sa akin at lumingon ako sa kanya, nakita niyang lamig na lamig ako kaya naman nag madali siyang lumapit sa akin at dahan dahan hinubad ang jacket na pinasuot niya sakin. “Okay ka lang ba?” nag aalalang tanong niya sa akin kaya naman tumango lang ako sa kanya, hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan niya akong hinila paakyat sa aking kwarto. “Crys mag palit kana kaagad ng damit mo.” Sabi niya sa akin ng malapit na kami sa pinto ng aking kwarto.
“Ikaw hindi kaba mag papalit ng damit mo?” tanong ko sa kanya ng makita kong basa din ito ng ulan.
“Mag papalit din! nasa compartment lang ng sasakyan ang extra kong damit, mauna ka nang mag bihis bababa lang ako para kunin ang mga iyon.” Sabi naman niya at saka tumalikod na ito pababa.
Pag pasok ko ng kwarto ko ay nagpalit kagad ako ng damit pambahay sinuot ko ang turtle neck ko at pajama para hindi ako lamigin saka ako bumaba, nakita ko sa kusina si alex naka bihis na kaagad ito kaya naman lumapit ako sa kanyang likuran nang makita niya ako ay ngumiti siya.
“Ginawan nga pala kita kaagad ng ginger tea, para hindi ka lamigin.” Sabi niya sa akin at nag simula na siyang mag salin ng tea sa dalawang tasa iniabot niya sa akin ang isang tasa pinuno niya ito.
“Inumin mo na kaagad iyan habang mainit pa.” sabi niya at sumunod lang ang ako sa sinabi niya, nakita ko siyang nagpunta sa sofa na parang may hinahanap kaya sinundan ko siya dala dala ang aming ginger tea, kinuha niya ang maliit na plastic bag na katabi ng lampshade at kumuha ng isang kapsul doon sa loob ng plastic, pag katapos iniabot niya sa akin na agad ko namang ininom ito.
Binuksan ko ang T.V at inilagay ito sa weather forecast news para malaman ko kung may bagyo ba o wala, umupo kami sa sofa habang umiinom ng ginger tea nang malaman ko ang balita sa T.V na wala namang bagyo ay nilipat ko na sa ibang channel, ilang oras pa kaming nanuod ng T.V at marami rami narin kaming napag usapan.
“Crys mag papa deliver ako ng pagkain natin ano gusto mong kainin.?” Tanong niya sakin.
“Ha? Kakain nanaman?” Gulat na tanong ko.
“Oo naman, saka gabi narin kaya.” Sabi naman nito sa akin. “Ano? orderan nalang kita ng beef wanton para makahigop ka ng mainit na sabaw?” Dagdag pa niya kaya tumango nalang ako sa kanya, nang dumating na ang order niya ay nag simula narin kaming kumain ng beef wanton lang ang kinain ko siya naman ay rice with sweet and sour with chicken.
“Mahina na pala ang ulan.” Sabi ko sa kanya ng makita sa bintana ang bawat patak ng ulan..
“Yah, maya maya uwi narin ako, darating na mommy mo bago mag 10pm im sure.” Sabi naman nito kaya naman kumunot ang noo ko.
“Bakit mo naman alam na 10pm ang uwi ni mommy ngayon?” takang tanong ko sa kanya. “Ako nga hindi ko alam kung anong oras umuuwi si mommy eh, tapos ikaw alam mo.” Dagdag ko pa na nakanguso, kaya naman natawa ito sa reaksyon ko.
“Nabanggit niya lang naman sa akin kagabi, habang buhat buhat kita papasok sa kwarto mo.” Sabi naman nito na kumindat sa akin. “Tumutulo pa nga laway mo eh.” Biro pa nito.
“Eww never kaya tumulo laway ko kapag tulog ako.” Sabi ko naman sa kanya na nakairap kaya mas lalong natawa ito.
“Joke lang di kana mabiro.” Sabi naman nito sabay kurot sa pisnge ko.
Nang matapos kaming kumain ay siya na ang nag ligpit ng mga kalat na kinainan namin, ayaw niya akong kumilos at mapagod kaya siya nalang daw ang mag liligpit ng lahat ng kalat namin. Matapos niyang iligpit ang mga kalat namin ay nag simula narin siyang mag paalam para umuwi hinatid ko siya sa may pinto lang dahil ayaw niyang lumabas pa ako ng gate, mahamog na daw at hindi maganda sa akin kaya naman sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa maka sakay na siya ng kanyang kotse at maka alis na..
Sakto naman na dumating si mommy at totoo nga ang sinabi nito na bago mag 10pm makakauwi na si mommy, humalik ako sa pisnge nito pag pasok niya ng pinto.
“Anak okay na ba pakiramdam mo.” Tanong nito sa akin.
“Okay naman po.” Sagot ko naman hindi ko na sinabi sa kanya na lumabas kami ni alex at nabasa ulit ng ulan, dahil baka magalit lang ito, kaya naman umakyat na ako sa aking kwarto para hindi na magtanong ng magtanong si mommy..
Sunod naman na umaga, naka upo ako ngayon sa terrace ng aking kwarto habang tinitignan ang mga bulaklak na pinadala nanaman kaninang umaga, isang bouquet na tulip nanaman at kulay pink naman ngayon pinag sama sama ko lahat ng mga bulaklak na pinadala sa akin kasama ang mga card, paulit ulit kong binasa ang mga nakasulat sa maliliit na card mababaliw na ako kakaisip dito..
"You caught me staring, but i caught you staring back...
"Am not a STALKER i am a.. RESEARCHER.. and you just happened to be a good subject.."
hindi ako mapakali lalong sumasakit ulo ko, iniisip ko kung sino ba talaga ang nag papadala sa akin ng mga bulaklak na ito at ang mga sweet message niya ay napapangiti niya ako ng sobra sobra, gusto kong tawagan ang aking bestfriend para mag kwento, kaso nga lang naisip ko na baka kasama nanaman niya si chester at maka istorbo lang ako dito..