Chapter 36 ..Nilanghap ko pa ng husto ang sariwang hangin habang nakaupo hanggang sa may kumatok sa pinto at sabay namin itong nilingon ni jared sa aming likuran at nakita namin doon si janelle na iniluwa at may dala-dala itong tray na may nakalagay na tatlong bowl. Lumapit ito sa aming tabi at inilapag sa harapan namin ang tray na hawak niya. “Kuya, para sa inyo ni ate crys naka slice na iyang mga prutas.” Sabi nito habang inaabot sa amin ang bowl na may ibat ibang prutas na naka slice, kinuha naman namin iyon sa kanya at pagkatapos ay nag kwentuhan kami hanggang sa mag tanong si janelle sa akin. “Ate crys may itatanong sana ako sayo eh.” Tanong nito sa akin, kaya naman nilingon ko ito habang kumakain ng prutas. “Ano iyon?” takang tanong ko naman dito. “Gusto ko sanang itanong sayo it

