Chapter 28 ..kunot noo ko itong tinignan sa mukha pagkatapos ay tumingin ako sa katabi nitong doctor, gusto kong mag salita at igalaw ang aking katawan pero wala akong lakas at nang hihina ang aking pakiramdam sobrang sakit ng aking buong katawan. Nakita ko ang doctor na may itinurok sa aking balikat hanggang sa nakaramdam ako ng antok at nakatulog na ako ng tuluyan. Nagising ako sa ingay na nag mula sa gilid ng aking higaan, alam kong tinig iyon ng aking kaibigan na si patricia dahan-dahan kong iminulat muli ang aking mga mata puro puti parin ang nakikita ko sa aking paligid. Sinubukan kong muli igalaw ang aking katawan at nang maigalaw ko na ito maingat akong bumangon sa aking pagkakahiga. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin pero gusto kong malaman sa aking kaibigan kahit na medy

