Tinaasan ko siya ng kilay, anong ginagawa niya dito? Pati ba naman dito ay hindi ako kabilang?Umupo ako sa silya habang naghihintay ng order. Bakante pa dito malapit sa exit kaya dito na ako kakain. Nasa counter si Cloud at kausap pa rin ang babae. Palingon-lingon ito sa gawi ko.Lahat na lang ba ng kilos ko binabantayan niya? Hinayaan ko na lang at tinuon ko ang atensyon sa pagbabasa ng mga messages ng mga kaibigan ko sa chat room. Sa susunod na buwan ang binyag ng baby ni Mercy. Kanya-kanya na sila ng suggest kong anong ireregalo at sino ang magiging ninang at ninong, at isa na ako doon. Hindi pa nila alam na nagkita ulit kami ni Cloud, ano kaya ang magiging reaksyon nila 'pag malaman nila na isa ko pala siyang amo at nasa iisang bubong lang kami nakatira. "Can I borrow money from you

