Nagising ako sa magandang panaginip. Binuksan ko ang dalawang mata ko ng dahan-dahan, pero medyo nanibago sa paligid kaya binalik ko ulit ang pagpikit ng aking mga talukap. "Hey? How are you feeling right now? Feeling better?" tanong ni Ignacio, nagtataka man ay tumango lang ako. Nandito siya? Bakit hindi ko matandaan na pinapasok ko siya? Babangon na sana ako ng pinigilan ni Ignacio ang isa kong balikat, "Dahan-dahan, what do you want? Gusto mo bang kumain? O anything that you want to eat? Naiihi ka ba? Magbabanyo ka? " sunod-sunod na naman na tanong niya, nagtataka sa kanyang kinikilos pero dahil hindi ako makapagsalita ng maayos dahil feeling ko ilang araw akong dehydrated at hindi pa talaga umiinom ng tubig. "Water please," sa mahina ang boses habang tinuturo ang plastic bottle. "

