Kape Tayo Chapter 26 "Babe, kamusta pakiramdam mo?" pag-aalalang tanong ni Penelope, habang nakatingin siya sa kanyang fiancé, na nakaupo sa wheel chair. Masyado siyang kinabahan kanina ng makita niyang duguan ang kamao ni Braylon, na nakaalalay naman si Sandro, dito. Akala niya ay nagsuntukan ang dalawa dahil pati si Sandro, ay may bahid ng dugo sa suot nitong white polo pati mukha nito ay may dugo. "Ok lang ako babe. Nasaan sila Sandro, at Aiva?" tanong ni Braylon, medyo nawala siya sa kanyang sarili kanina. Masyado siyang nagpadala sa bugso ng damdamin. Hindi niya na pigilan ilabas ang galit niya sa pamamagitan ngpagsuntok niya sa pader. Parang bumabalik na naman yata ang dating siya. "Umalis na sila. Humingi ako ng pasensya sa nangyari lalo na kay Sandro. Masyado mo ko pinag-alala

