Kape Tayo Chapter 19 2.2 __________________________________ "Amber, kala ko ba kakain tayo sa labas? Bat tayo nasa condo?" takang tanong ni Braylon, kararating lang nila ni Amber, sa condo nito. Akala niya ay kakain sila sa labas. Nagtaka siya kung bakit nandito sila sa mismong condo unit nito. "Tama kakain nga tayo sa labas. Nandito nga tayo sa condo ko dahil nag-iba ang isip ko. Alam mo bang nagluto ako ng kare-kare?" ngiting sabi ni Amber, agad siyang dumeretso sa kusina ng condo niya at inayos na niya ang lamesa upang makakain na silang dalawa ni Braylon. Nakapagluto na rin siya ng kanin sa rice cooker. Kanina bago niya sinundo si Braylon, ay niluto na niya ang kare-kare. Ngayong araw na ito niya niluto ang kare-kare dahil nagpadeliver na lang kahapon si Rafael, ng pagkain. Hindi

