Kape Tayo Chapter 28 "Sa totoo lang ay hindi pa namin napag-uusapan ni Braylon, kung ano ang gusto namin theme sa kasal namin. Pero ako personally gusto ko ay Rustic Country Theme." ngiting sabi ni Penelope, tinanong kasi sila ng kanyang fiancé na si Braylon, kung ano ang magiging theme nila sa kasal nilang dalawa. "Ikaw Braylon, ano ang gusto mong theme?" tanong ni Sandro, kay Braylon. Nalaman niya na nagdugo pala ang sugat nito kanina kaya kailangan na palitan ang benda sa kamao nito. Ipinakita niya kay Braylon, at Penelope, ang isang profolio kung saan naglalaman ito ng iba't-ibang klase ng theme wedding. Pinagawa niya ito kay Zyair, noong isang araw. Napatingin siya kay Treyton, na abala sa pagkuha ng video. Sigurado siyang marami itong tanong sa kanya mamaya pag-uwi nila sa condo.

