Kape Tayo Chapter 10 "Kain ka lang ng kain Penelope, wag kang mahihiya." ngiting sabi ni Minerva, kay Penelope. "Naku, ang sarap talaga ng kare-kare ninyo Mama Minerva." masayang sabi ni Penelope, nandito siya ngayon sa bahay ni Braylon, sinundo niya ito sa store na pinagtratrabahuhan nito. Ngayon araw na ay pag-uusapan nila kung kailan, at paano nila sasabihin sa mga magulang niya na ikakasal na siya. "Sinabi mo pa favorite rin namin ni Brantley, yan." ngiting sabi ni Braylon, masaya lang siya dahil nandito ngayon ang kanyang fiancé na si Penelope. Iniimagine na niya na lagi silang magkasabay na maghapunan kapag kinasal na silang dalawa. "Penelope, kailan mo pala gusto na mamanhikan kami?" tanong ni Franco, habang sarap na sarap siya sa pagkain ng nilutong kare-kare ng kanyang asaw

