Kape Tayo Chapter 20 2.3 "Braylon, ano ang naisipan mo bat mo niyayang magpakasal ang unija hija ko?" seryosong tanong ni Rafael, tapos na silang kumain nv hapunan. Inutusan niya ang kanilang dalawang kasambahay na mag labas ng brandy at red wine. "Sinabi ko naman sa inyo na mahal ko ang anak niyo na si Penelope, alam ko pong hindi ninyo ako gusto para sa anak ninyo. Tsaka sinabi na ko na po sa inyo na hindi ko maipapangako na hindi ko siya masasaktan emosyunal pero sisiguraduhin ko po na aalagaan, mamahalin at irerespeto ko siya tulad sa ginawa ko ngayon sa mga magulang ko Congressman Rafael." mula sa puso ni Braylon, ang mga sinabi niya kay Congressman Rafael. "Hindi ba masyadong maaga para magpakasal kayo? Saan mo ititira ang anak ko? Masisigurado mo ba na araw-araw mong mapapakai

