Kape Tayo Chapter 21 "Sandro, sigurado ka na ba sa desisyon mo na dito ka mananatili sa condong nabili mo?" tanong ni Lucas, nag-aalala lang siya sa kanyang pamangkin. Malapit ito sa kanya at tinuturing na niya ito bilang isang tunay na anak. Nasa balkonahe si Sandro, na nakatingin sa kalangitan. "Oo, Tito Lucas, sigurado ako sa desisyon ko. Oras na para tumayo ako sa sarili ko. 23 years old na ako Tito Lucas, ayokong masayang ang susunod na taon ng buhay ko." sabi ni Sandro, nakatingin pa rin siya sa kalangitan kung saan pinagmamasdan niya ang kabilugan ng buwan at ang marami bituin sa kalangitan. Napapansin niya sa kanyang sarili na napapadalas ang pagtingin siya sa kalangitan tuwing gabi lalo na kapag fullmoon. "Puwede ka naman sa bahay ka na lang tumira habang nandito ka sa Pilipi

