EPILOGUE: The Beginning Of An End “BOOBA, booba, simpleng dalaga. ‘Pag umiibig, masustansya!” Walang ginawa si Axe kung hindi ang titigan si Vina ng masama buong maghapon habang ang cute na cute na anak ng kanyang mga Alpha ay nagsasayaw ng bibong-bibo sa kanilang harapan. Ang katabi naman niyang si Rain ay nagniningning lamang ang mga mata sa saya. “Aren’t you even a little flustered that this song’s gonna be stuck into Snow’s head for awhile?” Ngising bumaling sa kanya si Rain. “No. And what do you want me to do anyway if that was the case? Sabihan si Vina na itigil ang pagtuturo niya kay Snow ng kantang pinauso mo in the first place? I can’t do that. My two girls are having fun.” Napailing na lamang si Axe at lalong naging matalim ang

