“Bago palang po kayong mag asawa no? alam nyo po sir, yan po ang sekreto ng masaya at matatag na samahan. Ang sumunod sa lahat ng sinasabi ni misis! Proven and tested ko na po yan sa halos sampung taon na pagsasama namin ni misis!” wika pa ng sale’s boy na feeling close at inakalang mag asawa sila ni Sephy. Samantalang ngumiti na lamang si Marco at hindi na itinama ang maling akala ng sales’s boy. “Nako, ang cute nyo namang pong mag asawa, saka bagay na bagay po kayo sa isa’t-isa. Maganda at gwapo, siguradong magiging gwapo at maganda ang magiging mga anak ninyo!” kinikilig namang wika ng casher. “Salamat!” ngiting-ngiti namang wika ni Sephy na hindi na din nag abala pang itanggi at itama ang maling akala nila na mag asawa sila. “Bagay sila no! Pero mukhang mahirap ang lalaki, kung

