Ay! Ang laking bakat ng kargadong alaga mo Marco dear! lubos kang pinagpala sa mga muscles at abs at pinagpala din ang ‘yong alagang halatang mahaba at mataba na bakat na bakat sa suot mong boxer short! Siguradong mapapa hashtag feeling satisfied! At hashtag feeling happy ang lagusan ng pinagpalang matrunang unang papasukin ng bonggang-bongga mong sandata!” excited at masayang wika ni Mama Lyn na hindi magawang maialis ang kanyang mga mata sa maumbok na bakat sa harapan ng pagitan ng mga hita ni Marco. Napapatiim baga naman si Marco at nag pipigil na wag masapak ang manyakis n’yang amo.
“Ben, sigurado ka bang okay lang ‘tong gagawin ko? hindi ba masyadong kadiri ang gagawin natin?” Nag dadalawang-isip pading wika ni Marco sa kababata.
“Ano ka ba, Marco, legal naman ang trabaho natin eh! Wala naman tayong nasasaktan, at na aagrayadong tao eh! Napapasaya pa nga natin sila, dahil pansamantala natin s’lang dinadala sa langit! saka wag mo nang isipin ang kadiri-kadiri na yan! Ang importante, ay makaipon ka ng perang ipapadala sa ‘nyo para sa pag papagamot ng tatang mo at pang tubos ng lupa n’yong nakasangla,” pangungumbinsi pa ni Ben sa kababata.
Nagsimula na ang pag rampa, isa-isang nag lakad ang mga kalalakihan sa intablado habang gumigiling na tanging boxer short lang ang suot. Maririnig ang mga hiyawan at mga palakpakan ng ng audience na karamihan ay mga bakla at mga matrunang sabik na sabik na madiligan.
Kinakabahan si Marco sa back stage lalo pa nga’t s’ya, at ang mga ka grupo na n’ya ang susunod na sasalang.
“Ginoo ko Lord! Tabangan mo po ako, tulongan mo po ako! ikaw na po ang bahala sa ako ginoo! Panalangin ni Marco saka nag sign of the cross bago tuloyang lumabas ng intablado.
Pag labas palang ni Marco ay agad na tumambad sa kanya ang napakadaming audience na nagsisigawan at nag papalakpakan! Kitang-kita ni Marco sa mga mata ng manonood ang pagkasabik at labis na pag nanasa, lalo na ng pinatugtug at sinayaw na nila ang “Katawan ng Hagibis ay lalong nag wala ang mga audience. May iilan pang umakyat ng stage at hinawakan at pinisil-pisil ang kanyang muscles. May iba pa ngang nag lagay ng pera sa loob ng kanyang boxer short sabay dakma ng kanyang mahaba at matabang alaga.
Halos umiyak at lumubog na si Marco sa kanyang kinatatayuan sa sobrang awa at liit ng tingin n’ya sa kanyang sarili habang pilit na ngumingiti at pinapatatag ang sarili. Isinumpa din ni Marco na ‘yon na ang una at huling tatapak s’ya sa intabladong ‘yon, maghahanap s’ya ng ‘bang trabaho na hindi natatapakan at hindi mangliliit ang tingin n’ya sa kanyang sarili.
Nang sa wakas ay matapos na ang show ay agad s’yang pumasok sa dressing room at nag bihis. Agad s’yang pinuntahan ni Ben at kinumusta, ibinalita din ni Ben na may gustong mag table sa kanya at gusto s’yang dalhin sa VIP room na agad naman n’yang tinanggihan. Sinabi ni Marco na ang ginawa n’yang pagpapakababa sa kanyang sarili ay hinding hindi nya na ulit gagawin ‘yon. Nakaka unawa namang tumango si Ben at marahan s’yang tinapik sa balikat.
“Hintayin mo nalang ako sa labas ng bar, pagbibigyan ko lang ang regular customer ko, iti table ko lang s’ya sandali at sabay na tayong umuwi.” Wika ni Ben kay Marco saka muli s’yang tinapik sa kanyang balikat bago tuluyang tumalikod.
Nag momoni-moni si Marco sa labas ng bar habang hinihintay ang kanyang kababata ng kunin ang kanyang atensyon ng sumisigaw na babaeng humihingi ng tulong. Kasunod n’ya ang dalawang lalaking kapwa nagtatawanan.
“Sige na Miss Beautiful! Pag bigyan mo na kami! Promise, dadalhin ka namin sa ikapitong langit!” narinig ni Marcong wika ng ‘sang lalaking at mabilis n’yang hinapit sa baywang ang nag pupumiglas na babae.
“No! bitiwan mo ako! help! Help!” sigaw ng babae habang patuloy padin sa pag pupumiglas.
“Ang landi-landi mo kaninang sumasayaw sa harap namin sa bar, ngayon para kang virgin na nagpupumiglas!” gigil na wika ng lalaki saka marahas na hinila ang mahabang buhok ng babae.
“Ahhh!” sigaw naman ng babaeng halatang nasaktan sa ginawang pag hila ng kanyang buhok ng lalaki.
“Abay, brad! Ang mga babae ay gi palangga, hindi sinasaktan,” wika ni Marco sa lalaki.
“Sino ka ba ah? at anong gi palangga ang pinagsasabi mo ah?!” gigil na tanong ng lalaking humihila ng buhok ng babaeng humihingi ng tulong.
“Gi pinangga, minamahal! Sorry bisaya man kasi ako, heheheh… nakangiting wika ni Marco sa lalaki.
“Wala akong pakialam kung ano ka pang pakialamero ka!” sigaw ng lalaki na akmang susuntokin si Marco pero mabilis nya ‘tong naharang, at sa halip ay ‘sang malakas na suntok ang ipinadapo n’ya sa lalaking nagtangkang suntokin s’ya. Mabilis naman nyang nasipa ang ‘sa pang lalaking pasugod sa kanya kaya agad ‘tong natumba.
“Fernado Poe Jr!” sigaw n’ya saka sunod-sunod na sinuntok sa sitmura ang lalaki saka mabilis na pinompyang ang ulo katulad ng signature move ng sikat na yumaong actor para pabagsakin ang kalaban.
Robin Padilla! Muling wika ni Marco saka mabilis na siniko ang noon ay nakayakap habang pigil ang kanyang leeg ng isa pang lalaki. Ramon Revilla Sr! Sigaw ni Marco saka mabilis na binigyan ng flying kick ang isa pang kalaban. Kapwa naman tulog na bumagsak ang dalawang lalaki.
“Ms. Okay ka lang?” agad na tanong ni Marcos sa babae ng sa wakas ay mapabagsak n’ya ang dalawang kalaban.
“Oo! Okay lang ako! Ang galing mo naman! You’re my hero! By the way, I’m Seraphina Ysabella, Montenegro. But you can call me Sephy!” excited at masayang pagpapakilala ni Sephy kay Marco.
“Wow! Hanep! Ang sosyal ng pangalangalan, pang mayaman! Ako naman si Marco!” masayang wika ni Marco na mabilis na tinaggap ang pakikipag kamay ng dalaga.
“So, how can I repay you for saving my life? You want some coffee? Or drinks.. sa condo ko? maarti at nang aakit na wika ni Sephy kay Marco.
“Nako ma’am Sepe! Gustuhon man nako pero dili pwede! Hindi pwede kasi nag hihintay lang ako sa aking kaibigan, uuwi na kami, saka kailangan kong matulog ng maaga kasi mag hahanap pa ako ng bagong trabaho,” pag tanggi ni Marco na bahagya pang napapakamot sa ulo.
“Wait! Are you looking for a job?!” ulit ni Sephy sa sinabi ni Marco.
“Haaynako! Maganda sana bungol naman,” bulong naman ni Marco sa sarili.
“What did you say?” naka kunot noong tanong ni Sephy kay Marco.
“Ay, wala po ma’am Sepe! Ay, ang sabi ko po, ay maganda po kayo, saka opo, nag hahanap po ako ng trabaho, hindi ko po kasi kaya ang trabaho na ibinigay sa akin ng kababata ko eh!” paliwanag pa ni Marco na tumingin sa bar na pinasukan nya kanina. Mabilis namang naunawaan ni Sephy kung ano ang trabahong ibinigay kay Marco ng kanyang kaibigan at agad ‘tong napa agikhik ng tawa.
“Oy, wag ka namang judgemental, marangal naman ang trabaho ng kaibigan ko saka wala naman s’yang tinatapakan na ibang tao, pinapaligaya pa nga eh!” dugtong pa ni Marco na bahagya ding natawa.
“Whatever! Anyway, maybe I can help you find a job! And because you saved my life! I am hiring you as my personal bodyguard! Puntahan mo ako sa condo ko bukas ng umaga, at doon natin pag-usapan ang magiging trabaho mo, ang sweldo at ang mga benefits mo!” wika ni Sephy saka ibinigay kay Marco ang calling card nya.
“See you tomorrow, bye!” ‘yon lang at mabilis ng sumakay si Sephy sa magara n’yang sasakyan papalayo sa noon ay hindi makapag salita na nakatulala at manghang-manghang si Marco.
“Hanip! Ang gara ng kotse! Saka mukha ngang mayaman! Pero saan ko naman hahanapin at papaano ko naman pupuntahan ang bahay nya at ang address na ibinigay nya sa akin?” napapakamot sa ulong tanong ni Marco sa kanyang sarili.
Maya-maya lang ay lumabas na si Ben sa bar at sabay na s’lang umowi ng bahay. Naikwento ni Marco sa kaibigan ang ginawa n’yang pag liligtas sa babae at sa pag alok sa kanya ng babae ng trabaho, na tinawanan lamang ni Ben at tinawag na scam. Sinabi pa ni Ben na wag daw basta-basta magpapaniwala si Marco sa mga nag bibigay ng mga calling card at nag o-offer ng trabaho dahil madami daw ang scammer dito sa Manila.
Pero hindi ‘yon pinaniwalaan ni Marco, malakas ang kutob n’ya na nag sasabi ng totoo ang babae at seryoso ‘to sa pag offer ng trabaho sa kanya. kaya nakapag desisyon na si Marco! Bukas na bukas din ay hahanapin n’ya ang address na ibinigay sa kanya ng babae para makapag simula na s’ya ng bagong trabaho at para mabilis na makapag ipon para sa pag papagamot ng kanyang tatang at pag tubos ng naka sangla nilang lupa.