Maagang nagising si Marco kinabukasan, mabilis s’yang nag handa para umalis. Desidido na s’yang hanapin ang babaeng iniligtas n’ya kagabi na nag alok sa kanya ng trabaho. Alas sais ng umaga ng umalis s’ya sa tinutuloyan n’ya, nag iwan na lang s’ya ng sulat kay Ben dahil sa tulog pa ‘to. Nagpaload din s’ya sa kanyang di keypad na cellphone para matawagan n’ya ang number na ibinigay sa kanya ng dalaga.
Pag labas n’ya ng bahay ay swerte namang nakasalubong n’ya si Rodel, ang kaibigan ni Ben na ‘sang angkas driver na s’yang nag hatid sa kanila sa bar. Nagpahatid s’ya sa address na nakalagay sa calling card na ibinigay sa kanya ni Sephy.
“Pare, malayo ‘to dito ah! saka sa may skinang malapit sa address na ‘to k’ta ibababa ah! mahigpit kasi d’to saka puro mayayaman lang at hindi basta-bastang tao ang nakatera d’to, ano bang gagawin mo sa lugar na ‘to?’’ usisa pa ng chismosang si Rodel.
“Ah, taga d’yan kasi ang magiging amo ko, saka okay lang! Tatawagan nalang nako ang magiging amo ko pagka baba ko,” paliwanag pa ni Marco!
“Naks! Mukhang bigatin ang magiging trabaho mo ah! basta wag mong kalimutang magpa inom kapagka nag sweldo kana ah!” hirit pa ng angkas driver na kaibigan ni Ben.
“Oh, bay puhon! Pambihira, wala pa nga naka start mag trabaho naa agad nag kontratang pa-inom!” napapakamot sa ulong bulong ni Marco sa sarili.
“Bay, sya nga pala, 500 ang bayad mo papunta doon ah!”
500?! Ka mahal naman! Wala bang hangyo? Tawad o discout d’yan?” hirit pa ni Marco.
“Discounted na nga yan pare eh! Dahil sa kaibigan ka ni Ben!” wika naman ni Rodel.
“Oh, sige, sige na nga! ‘to ohh!’’ wika ni Marco saka iniabot ang buong limangdaan kay Rodel. Umabot ng dalawang libong peso ang nakuha n’ya sa boxer short na ipinasok sa boxer short n’ya kagabi ng mga matrona at baklang tuwang-tuwa sa kanya.
Nang ibaba s’ya ni Rodel ay agad n’yang tinawagan ang number na ibingay sa kanya ni Sephy at nagpasalamat s’ya dahil sa mabilis naman ‘tong sinagot ng dalaga.
“Hello?’’ Agad na bongad ng malamig na tinig ng babae sa kabilang linya.
“Ah, hello po ma’am, ako po si Marco, ako po ang nag ligtas saimo kagabi,”
“Yuh! I remember nasan ka na? I’ve been waiting for your call!” inis na wika ni Sephy sa kausap n’ya sa kabilang linya dahil kanina nya pa hinihintay ang tawag ni Marco. Inakala n’ya pa nga na hindi na tatawag sa kanya.
“Ay, pasenya na po kayo ma’am, naghanap pa kasi kami ng…”
“Where are you?” putol pa ni Sephy sa sasabihin pa sana ni Marco.
“Ay dito po ako sa ‘sang magandang coffee shop, d’to po kasi ako binaba ng angkas drive…”
“Okay, I know that place! Just wait for me there, I’m on my way! Wika pa ni Sephy saka mabilis nang pinutol ang tawag.
“Ano ba naman ‘tong mga mayayaman? Bakit parang palagi na lang nag mamadali? Eh, dili man lang ako pinapa tapos sa sasabihin ko, tapos mag sasalita na s’la!” reklamo pa sa ‘sip ng napapakamot sa ulong si Marco.
Samantalang nagmamadali namang nag bihis si Sephy para sunduin si Marco. Hindi n’ya alam, pero agad s’yang nakaramdama ng excitement at relieved ng tumawag sa kanya si Marco para ipaalam sa kanya na nandoon na s’ya. Hindi nya din alam kung bakit bigla s’yang naging conscious sa kanyang itsura bago s’ya makipag k’ta kay Marco medyo, natagalan pa nga s’yang mag deside kung anong damit na pang bahay ang kanyang isusuot sa pag sundo sa binata.
“I’m on my way na daw pero bakit ang tagal? Reklamo sa isip ni Marco habang nanghahaba ang leeg na patanaw-tanaw nagbabakasakaling nand’yan na si Sephy.
“Hi!” masayang bati ni Sephy kay Marco na pasimple pang nag pose. Bahagya namang natolala ang binata ng makita ang magandang mukha ng dalaga at pasimple n’yang pinasadahan ng tingin ang nakalantad na mapuputi, makinis at bilogang hita ng dalaga na naka expose sa suot n’tong maikling short.
Samantalang lihim naman napangiti si Sephy ng makita n’ya ang reaksyon ni Marco ng makita s’ya, alam n’yang nabighani ‘to sa angkin n’yang ganda at kasiksihan.
“Pumunta muna tayo sa bahay, my dad wants to talk to you, gusto ka n’yang makita at makausap bago ka mag simulang mag trabaho bilang bodyguard ko.
“Ah, ehh….. ma’am, mabait po ba ang daddy mo? Hindi naman po ba s’ya nangangagat? Tanong ni Marco.
“My dad is not a dog! so, definately hindi s’ya nangangat! Pero ako oo!” makahulugang wika ni Sephy saka malandi s’yang napangiti.
Alanganin naman ngumiti si Marco saka kinakabahang sumakay sa kotsi. Halos ‘sang oras s’lang nag byahe ng sa wakas ay narating n’la ang bahay n’la Sephy o bahay nga ba ‘yon? para kasing palasyo sa ganda! Akala nya ay sa mga fairy tale na palabas nya lang makikita ang ganon kagandang bahay na may maraming kasambahay na pawang naka uniporme at bahagyang yuyuko kapag nakita n’la ang kanilang among pinag sisilbihan.
Sa nakikitang ganda ng paligid at malapalasyong bahay ay naalala ni Marco si Arian, ganitong-ganitong bahay at buhay ang pangarap na makamit ni Arian.
“Balang araw ay magkakaroon din ako ng ganito kagarang bahay, at mas madami pang kasambahay saka kasama ko ang akong pamilya at ang akong palanggang si Arian na titira sa malapalasyong bahay na tulad n’to!” wika ni Marco sa kanyang sarili habang ngiting-ngiting inililibot ang mga mata sa paligid.
“Hoy! Anong ginagawa mo?! magnanakaw ka ano?!” malakas na boses ng ‘sang babaeng medyo may edad na at may katabaang babae na naka suot din ng unipormeng pang kasambahay.
“Abay hindi ho! Kasama po ako ni Ma’am Sepe!” natatarantang wika ni Marco.
“Sinongaling! Nak’ta kitang pasilip-silip sa mga gamit d’to sa bahay at halatang tinatandaan ang mga pwedeng nakawin!” akusa pa sa kanya ng masungit na kasambahay.
“Hin..hindi ho!... natataranta namang wika ni Marco.
“Manang Agnes h’ndi s’ya magnanakaw, kasama ko s’ya. His my driver and my personal bodyguard!” wika pa ni Sephy na ikinahinga ng maluwag ni Marco.
“Ay, so.. sorry po ma’am Sephy, akala ko po kasi…”
“It’s okay manang! Just don’t be so judgemental ang over reacting next time! nasa loob s’ya ng bahay, at kasunod ko s’yang pumasok, kaya obviously, hindi s’ya magnanakaw!”
“Sorry po ma’am,” muling paumanhin ng noon ay nakayuko at napahiyang kasambahay.
Hindi naman masama ang ugali ni Sephy, at lalong hindi n’ya ugaling magpahiya ng tao kaya nga lang eh sa tuwing uuwi s’ya ng kanilang manshion ay napapansin n’yang simula ng umalis si Manang Delia at ma promote s’ya na maging mayordoma ay naging masyado s’yang mahigpit sa mga kasambahay at napansin din n’yang naging masyado ‘tong OA at judgemental. Kaya naman hindi na napigilan ni Sephy at agad na uminit ang kanyang ulo ng pati si Marco ay pagbitangan din n’ya.
“Sa gwapo at macho ni Marco, pagbibintangan nya lang na magnanakaw!” Inis na bulong ni Sephy sa sarili.
“Heja!” agad na tawag ng kanyang daddy ng makita s’ya.
“Hi, dad! How are you?” malambing na tanong ni Sephy sa kanyang ama saka s’ya humalik sa pisngi n’to.
“I’m okay anak! Lalo pa’t nakita na ulit kita! Nagiging madalang na kasi ang pag dalaw mo d’to sa manshion lately, lagi ka ding hinahanap ng kapatid mo,” wika ng kanyang ama na mahahalata ang longkot sa tinig.
“Sorry dad! Na busy lang talaga ako, alam mo namang madami akong inaasikaso diba? saka don’t worry! Babawi ako kay Sophie!” masayang wika ni Sephy sa ama.
“Ah, by the way dad, si Marco, Sya ang ikweninto ko sa’yong nag ligtas sa akin and magiging bodyguard ko. masayang wika ni Sephy na agad na ipinakilala si Marco.
“Ma.. magandang umaga po sir, ako po si Marco,” magalang at kinakabahang pakilala ni Marco.
“I know, kasasabi lang ni Sephy ng pangalan mo,” striktang wika ni Don Ramon na lalong ikinakaba ni Marco.
“Taga saan ka? Ilang taon ka na? at kwentohan mo ako ng maikling background ng pamilya mo,” sunod-sunod na tanong ni Don. Ramon sa noon ay kinakabahang si Marco.
“Tagaa Boljoon po ako sir, sa probinsya sa Cebu,”
“Call me Don Ramon!” mariing wika ni Don. Ramon.
“So…Sorry po,Don Ramon,”
“continue!” agad na wika ng don kay Marco.
“Magsasaka po ang mga magulang ko, ‘yon po ang ibinuhay nila sa aming magkapatid, dalawa lamang po kaming magkapatid at ako po ang panganay. May sakit po kasi ang aking tatang mahina po ang puso n’ya, kaya naisangla po namin ang maliit na lupang sinasaka namin kasama na po ang kinatitirikan ng aming bahay, kaya napilitan po akong lumowas ng Manila para makipag sapalaran para po matustusan ang gamotan ni tatang at para po matubos ang lupa naming nakasangla. Nakayukong kwento ni Marco.
“Nakapag-aral ka ba? Anong natapos mo? marunong ka bang mag drive?’’ muling tanong ni Don Ramon.
“Nakapagtapos naman po ako ng highschool, at opo, bukod po sa pag sasaka ay umi extra din po akong driver ng truck at multicab na nagdadala ng mga produktong galing sa bukid papunta sa palingke,”
“May daugther told me, na you save her life? Marunong ka bang makipag laban? Kaya mo bang ipag-tanggol ang anak ko kung sakaling may mag tangka na naman sa kanyang masama?’’ muling tanong ni Don Ramon kay Marco na sa pagkakataong ‘yon ay diretso nang nakatingin sa mga mata n’ya.
“Opo, noong malakas pa po ang aking tatang ay tinuruan nya po akong makipaglaban, at opo, kaya ko pong ipagtanggol ang anak ninyo at handa po akong isangalang ang buhay ko para maipagtanggol ang anak ninyo sakaling malagay po muli s’ya sa panganib,” matapang na wika ni Marco na nakatingin ng diretso sa mga mata ni Don Ramon.
“Good! You passed! Basta sundin mo lang lagi ang pinag uutos ng Ma’am Sephy mo at always make sure her safety okay?!” nakangiti nang wika ni Don Ramon kay Marco na bahagya pang tinapik sa balikat ang huli.
“Opo!’’ Agad namang wika ni Marco na halatang naka hinga ng maluwag