Nakaupo si Marco sa loob ng kotse ni Sephy habang nakahawak sa manibela habang nag hihintay sa utos ni Sephy. Matapos kasi nilang kumain at ng makabalik sila sa kompanya nila Sephy ay sinabi ni Sephy na mag hintay lamang s’ya sa kotse at tatawag na lamang ang dalaga kung may kailangan ito o may ipag uutos s’ya. “Ang importante tayo, mahalaga ka sa akin kaya ayaw kitang mawala sa buhay ko.” Ang mga salitang iyon, na sinabi ni Sephy, ay umaaligawngaw sa isip ni Marco na parang isang matamis na musika na hindi n’ya magawang maiwaglit sa kanyang isip, at hindi n’ya napigilan ang kilig na kanyang nararamdaman. Kahit pa nga dalawang besis nang may nangyari sa kanila ni Sephy, at kahit pa sabihin na si Sephy ang palaging unang nagbibigay ng motibo para may mangyari sa kanila ay hindi padin nawa

