Comeback

3264 Words
Hindi naging madali ang lahat para kay Yna ang iwan ang kanyang career sa Amerika, ang tahimik na buhay nila ng anak, ang umuwi sa Pilipinas at makaharap ang mga taong nanakit sa kanya apat na taon ang nakaraan. "Baby, are you okey?" tanong ko sa anak ko habang ginugulo ko ang buhok nya. "Yes mommy! I'm fine. remember? I'm a big boy now." pa impress nitong sabi. "We will going home now baby, you will be meeting your grandparents, your tita's and Tito's and also your cousins. I'm sure you will love them. "Family natin sila mommy? but, why is it they didn't even visit us po?" tanong nitong naguguluhan. "You know po kasi, busy din po kasi sila sa mga work nila." Paliwanag ko. "Okey!" sagot ng anak nito. "Baby, you can sleep. You still have a lot of time to rest. gigisingin nalang kita mamaya, okey?" tumango ang anak nito. Napapikit din nang mga mata si Yna Kailangan nyang mag pakatatag sa panghuhusgang maaari nyang tanggapin mula sa ibang tao. Kailangan nyang protektahan ang anak nya laban sa kanila. Laban Sa kung sino mang magtangka na kunin ito. ilang oras ang lumipas nang narinig nya ang flight attendant sa screen na nasa kanyang harapan. ********** 4 years ago when I am standing here. Crying and totally broken. Kinakailangan Kong pumunta sa states para pagtaguan ang lahat nang kahihiyan na ibinigay ko sa pamilya. problema ko ito, hindi dapat masangkot sa eskandalong dala ko ang pamilya ko. "Yna" rinig kong tawag ni Mommy mula sa malayo. "Luke anak hali kana, nandito na ang sundo natin. " Tumango lang ang anak ko dahil abala ito sa paglalaro ng hawak nitong rubics cube. "Anak, apo ko, sa wakas at naka uwi na rin kayo. Miss na miss namin kayo." sabay yakap sa amin ni Mommy. Napayakap ako kay mama ngunit si Luke ay abala parin sa kanyang nilalaro, ni ayaw man lang tiningnan si Mommy. "Luke, anak this is your Lola Lucy, Lolo Philip, tita Marie and Tito Karl." sabi ko habang kinukuha ang atensyon nya. "Hello everyone!" tipid na sabi nito. mukhang hindi pa komportable ang anak ko sa kanila. Ngunit kahit na ganoon ay nag mano parin ito at yumakap sa kanila. "Napaka respectful naman ng apo namin, manang- mana talaga sa lolo." humalakhak ito. Napangiti naman ang anak ko at "Hali na kayo anak, apo para makakain na kayo at alam kong pagod kayo sa byahe." akay ni Daddy sa amin. "Yna, yan lang ba ang dala ninyong gamit?" tanong ni kuya. "Yes kuya, babalik din naman po kasi kami agad pagkatapos nang wedding nyo ni ate Marie. Hindi pa po kasi tapos ang contract ko doon." sagot ko. "Well, let's not talk about that here. let's go! come here baby boy, I will carry you I know your tired. nakangiting pahayag ni kuya. "Welcome home senyorita." Pinagbuksan ako ng pinto ni tatay Abel. "Thank you po! Kumusta po tatay Abel" bati ko sa driver namin. Sa pagkaka alam ko ay binata pa si Daddy ay driver nya na ito. " Mabuti naman iha. Ang gwapo naman nang batang ire!" nilapitan sya ni Luke at nag mano. Namangha si Tatay Abel sa anak ko at muling tumingin sa akin nang may ngiti sa mga labi "Tahimik kaming tinatakah ang daan pa uwi sa mansyon. Kasama ko sina Mommy, Luke at Daddy sa sa Sasakyan nito samantalang c kuya at ate ay nakasunod sakay ng Kulay blue nitong Raptor. Nalibang ako sa mga nadadaanan naming tanawin natatanaw ko. Marami ng gusali ang naipatayo, mga hotels, bagong restaurants, at iba't ibang businesses ang nagsusulputan. "Iha, matulog ka muna, I know pagod ka sa byahe." hinaplos ni Mommy ang aking buhok. Nginitian ko naman sya at ipinikit ang aking mga mata. "Anak, nandito na tayo sa mansyon. gising na!" pukaw ni Mommy sa akin. "Magandang araw senyorita, gwapong senyorito" sabay sabay na bati ng mga kasambahay namin. "Maraming salamat po sa inyo." sabay kong ngiti sa kanila. Nginitian sila ni Luke at nag mano ito sa kanila isa-isa. "Hala! ang galang naman nang batang ito. napaka galing naman nang pagpapalaki mo sa kanya senyorita." pagkamangha ni Nanay Bebing. "Habang naglalakad kami papuntang dining area ay nagulat ako ng biglang may pumutok. Mga confetti at mga lobo may mga palamuti at may iniabot sa aking boquet ng bulaklak. nagulat ako dahil sa presensya ng aking mga pinsan at si Via, ang bestfriend ko. Para akong iiyak sa tuwa dahil na overwelhm ako sa pag welcome nila sa amin. Si Luke naman ay tila natakot sa mga nangyayari. Hindi kasi ito sanay sa maraming tao lalo na't bago ang mga ito sa kanyang paningin. "Anak, don't be scared. This is what we have here. A family . This is your tita kath and Keith tita Marga, Tito Mark and Tito Donnie." "Lumapit sya sa mga ito at isa isang hinalikan sa pisngi ang kanyang mga tita at tito. "Tita Kath why is it that you really look like tita Keith?" kumunot ang noo ni Raeven. "We are twins cutie little boy." Niyakap nito ang pamangkin habang nakangiti. "Hali na kayo at kakain na tayo. Alam kong gutom na ang lahat." Saad ni Mommy. Masaya kaming kumakain habang nag-uusap samantalang kitang Kita sa mga mata ng anak ko ang saya dahil nasa kanya ang atensyon ng lahat. "Baby, do you want prawn? here! it's one of your mom's favorite." si Mommy "thank you grandma but I'm alegic to prawn. okey na po ako dito sa fried chicken and vegetable salad. Sabi po kasi ni Mommy dapat daw everytime na kumakain kami dpat may fruits and vegetables para po hindi ako magkasakit. Parang natulala ang lahat sa pagkakasabi ng anak ko. "We didn't expect na magaling kang magtagalog apo! napaka bright naman talaga ng apo ko. Si Mommy. "I'm proud of you anak" Saad ni Mommy sa akin habang hinawakan ang aking kamay. "Maganda ang pagpapalaki mo sa anak mo napahangga kami anak." "Totoo yon Yna, kahit ako bilang nutritionist ay nagulat dahil ngayon lang ako nakakita ng batang sarap na sarap sa pag-kain ng veggies ng talagang napaka smart nitong pamangkin namin." Saad naman ni ate Marie ang mapapangasawa ni Kuya Cal. Mahigit 6 na taon na ang relasyon nila ni kuya ngunit ngayon lang sila nag desisyong magpakasal dahil sobrang nag enjoy ang dalawa sa pag travel at kanya kanyang career nito. Si kuya naman ay isang Architect at hands on din ito sa pinapatayo nilang bahay. "Anak, dito ka nalang mag trabaho sa company natin. kami na ng Mommy mo ang bahala Kay Luke." Saad ni Daddy na nakangiti at nakatingin sa anak ko. "Dad, cge po pag iisipan ko!" Saad kong naka yuko. "Hindi alintana ni Luke ang pagod dahil aliw na aliw ito sa mga Tito at tita nya. May sarili din syang room sa mansyon at may malaking playroom area. Gabi na nang magpa alam ang aking mga pinsan ngunit hi hindi na sila pina uwi ni Mommy at doon na sila natulog sa guest room. Napaka laki ng mansyon namin. May 5 na guest room at may kanya kanyang bathrooms, 1 masters bedroom at may tag Isang room din kami ni Kuya. May maids Quarters din ang aming mga kasambahay, may malapad na pool at garden. Kilala ang pamilya namin sa mundo nang construction and man power business, Mining Industry at may Jewelry Store si Mommy na may 10branches na. Si Daddy ay isang Engineer at tagapag mana ng maraming kompanya ni Lolo at si Mommy naman ay Unica Ija ng mga Lim. Ang owner ng mall na may pinaka maraming branches sa Pilipinas. "Anak, hindi kapa ba matutulog?" tanong ni Mommy mula sa aking likuran. "Mom, nagpapa antok po, na miss ko din po kasi ang garden dito sa mansyon. Ibang iba po kasi talaga ang ihip ng hangin dito." sagot ko. "Anak, malaki na talaga ang pinagbago mo. Isa ka na talagang ulirang ina, but look at you hindi halata na may anak kana. Mas lalo kang gumanda at para kang modelo sa hubog ng katawan mo. Hindi nga kita nakilala kanina eh." Mommy nga po kita. nginitian ko si Mommy at niyakap. " Miss lang talaga kita anak, tiniis namin ng Daddy mo na hindi ka puntahan dahil yon ang gusto mo. Pati sa trabaho mo, nagawa mo yon nang ikaw lang nang walang connection ng pamilya natin. Alam mo ba na nabalot ng lungkot ang mansyon simula noong umalis ka? Masakit para sa amin ng Daddy mo, kaya ngayong nandito kana. Hindi na sana kami papayag na aalis ka at mapalayo ulit sa amin, anak ko." mangiyakngiyak na saad ni Mommy. "Mommy, Hindi ko po maipapangako sa ngayon. Pero pag iisipan ko po mom." Niyakap ko sya ng mahigpit si Mommy. "you will always be our baby ng Daddy mo anak. tandaan mo yan. Hindi mo kailangan magpakahirap at kumayod nang husto para sa inyo ni Raeven. We're here ng Daddy mo at pati ng kuya mo." "Mommy, thank you! I owe you a lot. Kahit na disappoint ko kayo before. I promise, this time I will make you proud!"Naglalambing kong sagot kay Mommy. "Noon paman ay proud na kami sayo ija." nakangiti si Mommy. "Mommy, I have a question for you?" "Ano yon ija?" "Until now po ba, tayo lang nina Daddy at kuya ang nakaka alam ng totoong ama ni Luke? Mom, ayaw ko lang po na baka dumating sa point na kuhanin nya ang anak ko." "Anak, don't worry hindi mangyayari iyan. tayo lang ng nakaka alam anak. This will remain as our family secrets okey? So, stop thinking that way." pahayag ni Mommy habang hinahaplos haplos ang aking buhok. "Let's go anak, ihahatid kita sa kwarto mo." Magkahawak kamay kami ni Mommy habang pa akyat ng kwarto. "Nandito na tayo anak. Get inside and Good night!" Good night Mommy! I love you" sabay halik ko sa kanyang pisngi. "I love you too anak" ***** "Wow! it's so nice grandpa. I really like it. Thank you." Masayang masaya si Luke sa ipinakitang tree house na pinagawa ni Dad para sa kanya. "Baby, mamaya na kayo mag laro ni grandpa, mag breakfast muna tayo." "Tama ang mommy mo baby. Aalis tayo ngayon susukatan kayo ni Mommy mo ng susuotin para sa wedding namin ni tita Marie." Si kuya kinarga nya si Luke sa Dinning Area. "Mommy, dito nalang tayo, huwang na tayong balik sa dati nating bahay. Sad kasi doon mommy eh." Biglang nasabi ng aking anak. Natahimik ako at hindi ko alam ang aking sasabihin. "Don't worry ijo, Hindi kana babalik doon." sabat ni daddy. Nginitian ni Luke si Daddy at tila tuwang tuwa sa narinig. " Grandpa, I thought you don't love us because you and grandma also Tito and tita never visited us there in U.S, but I don't mind it anymore. I'm happy here. Thank you grandpa and grandma I love you both." pahayag ng anak ko. "We always love you too apo, ijo." sabi ni Daddy. "Always apo. We will take good care of you and we will make sure that no one will hurt our baby. okey?" paglalambing ni Mommy. "Yehey! I have a complete and Happy Family kahit na walang Daddy." "Natahimik kaming lahat na nagkakatinginan. "Baby boy, you can also call me papa Val and Mama Marie. Can you?" Pagbasag ni kuya ng katahimikan. "It's my pleasure papa Val and Mama Marie. Sana magka baby sister na din ako papa, mama." sagot nitong nakatawa. "Nagtawanan kaming kumakain at alam kong sa piling ng aking pamilya ay hindi na kailanman mangungulila at maghanap pa ng Daddy si Luke **** "Yna, ang ganda mo! look at your self in the mirror! nanganak kana pero parang walang pinagbago ang katawan mo. you look sexier that before." pagpupuri ni Ate Marie sa akin. "Ate naman eh," tiningnan ko ang aking sarili sa malapad na salamin at naglakad lakad. Pagkatapos naming magsukat ay nagpasya kaming pumunta sa resto ni Cake shop ni Via, Magaling itong mag bake. Mga bata palang kami ay ito na ang hilig niyang gawin, kaya nga madalas ako sa bahay nila dahil ako ang taga tikim nya. Mayaman ang pamilya ni Via, ngunit mas pinili nya rin ang mag tayo ng Cake Shop kaysa magtrabaho sa kompanya nila. "Yna, cutie boy come! kanina ko pa kayo hinihintay. Come here baby, I know magugustuhan mo ang mga inihandang foods ni tita." "Let's go tita! I'm so hungry na po!" nakangiting sabi ng anak ko. Habang kumakain kami ay na pansin ko na titig na titig si Via sa anak ko. Napatingin si Via sa akin. "You know what beshy! kagabi ko pa iniisip kung sino ang kamukha nitong Si cutie little boy. parang familiar ang mukha nya." Saad nitong naka kunot ang nuo. "Beshy naman, sa dami ba naman ng naging ex mo eh, siguro imagination mo lang yan." Maagap kong sagot. "Ikaw naman beshy oh!" nakangiti ito habang nag kuwento ng mga masasayang pangyayari sa buhay nya at kung paano nabuo ang cake shop at kung ano ano pa. Si Luke naman ay tila sarap na sarap sa kinakain nito. Habang sarap na sarap sa pag kuwento ang aking kaibigan ay hindi naman ako mapakali sa kakasabi lang nito kanina tungkol sa kamukha ng anak ko. Mukha akong nakikinig kay Via kasi nakangiti lang ako at titig na titig sa kanya ngunit ang totoo ay malayo ang iniisip ko. "Beshy! ano kaba? Nakikinig kapa ba sa akin? sabay pisil nya sa mga kamay ko. "ah, ano yong sinasabi mo?" sabat ko. habang uminom ng juice. "Sabi ko si Tita Sabrina ninang din daw sa kasal ng kuya mo." "Ah, Oo, nasabi nga ni Kuya!" " Pero alam mo beshy, Hindi ko talaga alam kong anong pinag awayan ng kuya mo at ni Kuya Caleb kung bakit hanggang ngayon eh Hindi parin nagpapansinan ang dalawa?" Parang gumuhit ang sakit sa aking dibdib nang narinig ko ang pangalan ni Caleb. "Ha? nag away sila? Hindi ko alam." sagot ko sa kanya. "Malamang besh noh! nasa ibang bansa ka kasi. At heto pa ah! marami ng babae ang sana eh ipapakasal dyan sa pinsan ko. Pero ayaw magpakasal. Ayaw daw nang commitment, pero kung sino sino namang babae ang dinadala asa bahay. Napaka chickboy. Mabuti nalang eh, Hindi nahawa si Kuya Cal sa ugali niya" Natahimik ako sa mga narinig ko mula sa bestfriend ko. Pinsan nito si Caleb,ang lalaking minahal ko nang buo at tanging lalaking inalayan ko ng aking sarili. "Ano ba naman tong bibig ko! masyado nanaman akong madaldal." sabi ni Via "Mommy, you're not eating? busog ka po ba? tanong ng anak ko. "Beshy, are you okey? baka may jetlag kapa?" nag alala ito. "No besh, I'm fine. Baby, just continue eating, na miss ko lang si Tita mo kaya nakikinig ako sa mga kuwento nya." "Okey Mommy. after this po pwede na po ba tayong umuwi mommy? sabi Kasi ni Lolo mag lalaro kami sa tree house and I'm excited mommy." nakangiti ito. Lalabas na kami ng Cake Shop ni Via ng may nakasalubong kami. "Oh tita Angie!" bungad ni Via. "Via, nandito na ba ang mama mo? May usapan kami na magkita dito." sabi nito. Natulala ako. Si tita Angie, ang mama ni Caleb. "Who's this beautiful young lady Via? she's familiar to me." "Si Yna po tita" nakangiting saad ni Via. "Oh! its you Yna , mas gumanda kapa ngayon. I'm glad that we meet again. How are you? How's your mom and dad? matagal na rin hindi kami nagkita and Oh, who's that gourgeous baby boy behind you? Bigla akong kinabahan nang makita niya si Luke na nakatago sa likod ko habang hawak ang isang kamay ko. "Ahm, si Luke po tita, my son." nakangiti kong sagot. "Napaka cute naman ng batang ito." Biglang lumapit sa kanila si Luke at nag mano. Nabigla sila sa ginawa ng anak ko at tumingin sa akin. "He is so respectful. Ang galing ng pagpapalaki mo sa kanya iha. Can you give me a hug baby boy?" tanong nito. Parang gustong lumabas ng puso ni Yna. Huwag naman po sanang maramdaman nito ang lukso dugo sa anak ko. Huwag ngayon God! Akin lang ang anak ko. Niyakap ni Luke ang ginang at tumingin sa akin. "Mommy, shall we go? naghihintay na po kasi si Lolo maglalaro po kami eh." "Tita, ma una na po kami, excited na po kasi tong anak ko maglalaro pa daw Sila ni Daddy. " "Sige, iha, baby boy, mag ingat kayo ha! pakabait ka. hay! kung sana may apo narin ako edi, masaya." pahabol na pahayag ng babae. Nakahinga ng maluwag si Yna nang papaalis na ang kanilang sinasakyan pa uwi. Kinabahan sya kanina sa sinabi ni Via na parang may namumukhaan sa anak nya at mas double ang kana na kanyang natamdaman ng nagkita sla ng ginang. "Lolo, Daddy! we're home! let's go po sa tree house! excited na po akong mag read ng mga story books ko doon." Nakangiting aya ni Luke sa lolo nito. "Sige na Honey, samahan mo na ang baby boy natin. dito muna kami sa garden ng anak natin at parang may gusto syang sabihin." Saad naman ni mommy. "Mommy, nag kita kami ni Tita Angie sa shop ni Via, and guess what? nasabi nya na parang may kamukha si Luke. Same with Via, nasabi nya sa akin kagabi pa na parang may kakilala syang kamukha ni Luke, mommy ayaw kong malaman nila ang totoo, sii Luke ang buhay ko ngayon." Saad kong may takot sa aking dibdib. Niyakap ako ni mommy "tahan na anak, hinding hindi nila malaman ang totoo." don't worry, Hindi nila makuha ang apo ko sa atin. Please, tahan na. baka makita kapa ng anak mo. masyado syang matalino para mabilis makuha ang ibig sabihin ng mga luha mo. Tatagan mo ang loob mo anak." Tanging nasambit ng aking Ina habang yakap yakap ako. Hindi ko maikakaila na na miss ko c mommy. sobra! ang mga yakap nya na nakakapagpapawi ng mga worries ko. "Mahal Kita Yna, Gusto ko pagbalik ko galing Dubai ay ipapaalam na natin sa parents mo at sa family ko ang relasyon natin." Saad ni Caleb habang mariing nakatitig ang kanyang mga mata sa akin at hinawakan ang pisngi ko ng kanyang dalawang kamay. Lunod na lunod ako sa kaligayahan sa kanyang sinabi na parang hindi ako makapagsalit. Tatlong buwan na namin tinatago ang aming relasyon at yon ay dahil sa kagustuhan ko. Siguradong pagagalitan ako ng mga magulang ko dahil sa nangako akong hindi ako mag boyfriend hanga't hindi pa ako tapos ng aking pag-aaral. Ayaw ko ring masira ang pagkakaibigan ni Caleb at kuya dahil sa akin. Alam ni Kuya na crush ko si Caleb kaya ayaw nyang lumalabas labas ako ng kwarto kapag nasa bahay si Caleb para mag practice sila ng mga instrument o kung gumagawa ng plates nila o di kaya ay nag-aaral. "Caleb, I will wait for you." Saad ko. "No love, ako, I will wait for you. Hihintayin kita kung kelan ka handa. Let's do this for our future. okey? Saad nya hambang kinintalan ako ng halik sa aking noon ay niyakap. Hindi ko namalayan na nag-ununahan na palang tumulo ang aking mga luha. Nagising ako sa isang panaginip. Hanggang ngayon, kahit na 5 taon na ang nakalipas ay hindi ko parin makalimutan ang mga pangakong binitiwan nya. I should be strong, Lalo na ngayon na parang lumiliit ang mundo namin. Hindi pwedeng malaman nya ang totoo. Akin lang si Luke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD