Red's POV
Kumatok si Lily sa pinto ng tatlong beses bago to bumukas ngunit walang sumalubong na tao sa amin.
"Skud nandito na ako. Kasama ko si ama." tawag ni Lily sa nakatira dito.
"Mabuti naman at natapos mo ng mabilis ang misyon mo." sagot ng babae na bigla nalang sumulpot sa harapan namin at naka suot ng itim na balabal.
"Kamusta lalaking nagmula sa nakaraan maupo ka." sabi niya sa akin at itinuro ang maliit na upuan na malapit sa gilid ng pugon.
"Sino ka ba? Bakit niyo ako dinala dito? At anong ibig niyang sabihin na tatay niya ako?" tanong ko sa babaeng naka suot ng itim na balabal na tinawag niyang Skud.
"Isa akong Valkiyiere ako si Skud. Nakikita ko ang mga mangyayari sa hinaharap. Dinala ka dito ni Lily upang pigilan ang mangyayari sa hinaharap. Siya ang iyong anak na inalay mo kay Hel walong taon na ang nakakalipas." sabi niya naman sa akin saka umupo. Nagdala naman si Lily ng maiinom at tinapay. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Naguguluhan talaga ako.
"Ang ibig sabihin nandito talaga ako sa hinaharap? Kung ganon bakit hindi nalang ako na nasa hinaharap ang kausapin niyo sa mga plano mo sa buhay. Pero salamat nalang rin dahil nakita ko ang anak ko." sabi ko sa kanya at tumingin kay Lily na wala paring pinapakitang emosyon. Hindi ko maisip kung natutuwa ba siyang makita ako o hindi. O galit rin siya sa akin dahil sa pag-alay ko sa kanya kay Hel.
"Ang Red Vonvellrie na nasa hinaharap ay wala na." nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako maka paniwala na patay na ako sa hinaharap. Ngunit sa lakas at kapangyarihan na ibinigay ni Hel kapalit ng mga kondisyon niya ay sinisigurado kong walang makakatalo sa akin.
"P-Paano?" taka kong tanong sa kanya.
"Nagpakamatay siya sa Niflhiem pitong taon na ang nakakaraan. Dahil sa matinding depresyon." sabi niya kaya nagulat ako. Napatango ako hindi nga imposible ang bagay na yun.
"Kung ganon ano ang dapat kong gawin para pigilan ang hinaharap na mangyari?" tanong ko sa kanya.
"Mababago lang ang hinahapa kapag naibalik mo sa dati ang lahat. Wala kang ibang gagawin dito kundi ang makinig at manuod sa mga nangyayari." sabi niya sa akin kaya tumango ako.
"Matapos mamatay ni Bella ay nag reincarnate ang kanyang pagkatao. Siya ang Valkyiering nagngangalang Hildr na may kakayahang buhayin ang mga patay. Kaya kinailangan siya ni Hel para sa paglusong sa Asgard dahil sa utos ng ama niyang si Loki." kwento sa akin ni Skud. Ibig sabihin ay pinlano na talaga ni Hel ang mga mangyayari kay Bella.
"Kaya ka nandito ay para pigilan ang mangyayari sa hinaharap at pigilan ang pinaplano ni Hel kapag bumalik ka na sa nakaraan." sabi uli ni Skud.
"Ngunit si Lily diba dapat nandoon siya sa poder ni Hel kasama si Bella?" tanong ko sa kanya.
"Oo, doon ako namamalagi ngunit wala naman siyang pakialam kung saan ako magpunta." sagot naman ni Lily habang kumakain ng tinapay na sa tingin ko ay ilang araw na itong na pondo at matigas na. Kawawa naman ang anak ko.
"Mamalagi nalang muna kayo dito dahil mamayang gabi ay pupunta na kayo sa Muspelhiem" sabi ni Skud at tumayo na sa kanyang inuupuan.
"Pero gabi na." sabi ko sa kanya.
"Hindi na sumisikat ang araw dahil sa Fimbulwinter." sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Heto, dyan ka na matulog." sabi ni Lily at binigay sa akin ang isang makapal na kumot bago pumunta sa kanyang kwarto.
Humiga na ako sa pahabang upuan habang naka tingin sa kisame. Nagsisimula palang ako hilahin ng antok ng marinig ko ang yapak ng paa at pagbukas ng pinto kaya sinilip ko sa bintana kung sino ang lumabas.
Si Lily
Kaya sinundan ko siya sa labas at nakita ko siyang naka upo at may pinagmamasdang isang bulang bagay na nakasabit sa leeg niya na animoy ginawa niya itong kwintas.
"Bakit nandito ka pa sa labas?" tanong sa akin ni Lily. Kahit na itinago ko ang presensiya ko ay nakaramdam parin siya na may tao sa kanyang likuran.
"Diba dapat ako ang magtanong niyan?" tanong ko sa kanya.
"Kailangan ko lang mapag-isa. Bumalik ka na sa loob dahil may pupuntahan pa tayo mamaya." sabi niya sa akin. Ngunit umupo lang ako sa katabi niyang kahoy at gumawa ng apoy upang hindi kami ginawin.
"Ano yang hawak mo?" tanong ko sa kanya kaya ipinakita niya ito sa akin. Isa pala itong mansanas na nabalot ng pula at nabot din ng salamin.
"Isa yang mansanas na nababalutan ng pulang kendi. Ibinigay yan sa akin ni Ina nang minsan dumalaw ako sa nakaraan." sabi niya at ngumiti ng malungkot.
"Bakit parang ang lungkot mo?" tanong ko sa kanya.
"Malayong malayo kasi si ina na nasa nakaraan at sa hinaharap. Hindi niya ako tinuturing na parang isang anak. Ang tingin niya ay katulad lang ako ng mga nagsisilbi kay Hel." sabi niya sa akin. Para namang may kumurot sa puso ko sa sinabi niya. Masyado siya bata para makaranas ng mga ganito.
"Bakit?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam. Nawala siguro ang mga alaala niya. Hindi ako sigurado. Tinanong ko na din ito kung bakit kay Göndul na kapatid ni Skud na nakakakita ng nakaraan pero wala akong nakuhang sagot sa kanya." kwento niya sa akin.
"Ako na mismo ang aalam ng katanungan mo. At ipinangangako ko sayo na babaguhin ko ang mangyayari sa hinaharap at lalaki ka sa normal na pamumuhay kasama kami." sabi ko sa kanya saka ngumiti. Agad niya naman akong niyakap ng mahigpit kaya nagulat ako.
"Salamat ama." sabi niya habang naka yakap parin kaya ginantihan ko siya ng yakap. Parang gusto kong maiyak na hindi ko alam. Ganito nga siguro kapag yakap mo ang anak mo.
"Tandaan mo ama. Walang nakakaalam kung nasaan ka sa nakalipas na walong taon. Ipakita mong ikaw parin si Red ngunit wala kang alam sa mga nangyayari para hindi ka mahirapan sa misyon mo. Bukas ang kaarawan ni Haring Surtr at pupulungin ang lahat ng mga isasabak sa labanan." sabi niya sa akin ng maka kalas na siya sa pakayakap.
"Kung ganon, walang nakakaalam na wala na ang hinaharap na ako?" tanong ko sa kanya kaya tumango siya.
"Kung ano ang makikita mo at marinig wag kang makikialam. Ang kailangan mo lang gawin ay alamin ang puno't-dulo ng lahat ng nangyayaring ito. Para alam mo ang gagawin mo pagbalik mo ng nakaraan." paalala niyang muli sa akin. Kaya tumango naman ako.
"Bakit Lily ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Kasi ang sabi ni Hel ang gusto daw ni Ina ng bulaklak na Red Spider Lily na tumutubo sa bukal ng Muspelhiem kung saan parating naliligo si ina. Yun ang sinabi mo matapos kong ipanganak sa Helhiem. Matapos non ay umalis ka na at nagtungo sa Niflheim." malungkot niyang sabi. Ibig sabihin ako ang nagpangalan kay Lily.
"Ang totoo kong pangalan ay Red Lily. Pero ang kapangyarihan ko ay mga matitinik na tangkay ng rosas na parating binibigay mo kay ina noon." sabi niya. Oo nga naman. Nakita ko na kung paano niya gamitin ang kapangyarihan niya na talaga namang kamangha mangha.
~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥