CHAPTER 10

976 Words
Kahit na inaantok ay pinilit ko paring bumangon upang makapaghanda na para sa trabaho sa palasyo. Tatayo na sana ako ngunit may mabigat na braso ang naka-dagan sa aking bewang ng lingonin ko ito ay nakita ko ang napaka among mukha ni Prinsepe Red habang natutulog. Sana ganito nalang parati. Napangiti ako habang inaalala ang mga araw na tuwing uuwi siya galing sa mundo ng mga tao ay may mga puting rosas siyang pasalubong at mga matatamis na pagkain. Matapos kong maghanda ay pumunta na ako sa palasyo at iniwan doon si Red na mahimbing na natutulog. Maaga kong natapos ang mga iniutos na gawain sa palasyo kaya nagpasya kaming dalawin si Ocypete sa kabundukan ng mga bato kasama si Savania. Si Ocypete ay isang malaking ibon na may ulo ng isang tao. Malimit lang namin siyang nabibisita dahil sa maraming trabaho dito sa palasyo. Nagdala kami ng prutas at mga pagkaing pasalubong sa akin ni Prinsepe Red. "Kamusta ka naman sa brutal na prinsepe?" tanong niya sa akin habang abala sa pagkain ng mga prutas na pasalubong namin sa kanya. "Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya na ako pinagbubuhatan ng kamay at kapag umuuwi naman siya galing sa Midgard ay may mga dala siyang pasalubong sa akin." nakangiti ko namang kwento sa kanila. "Ang sabihin mo nahuhumaling na si Prinsepe Red sa kagandahang taglay mo na hindi niya nakikita sa mga Erinyes na kala mo kung umasta kung sinong maganda." sabi ni Savania na matindi ang galit sa mga Erinyes dahil inakit ng mga ito ang dati niyang kasintahan. "Nakakapagtaka naman na hindi ka niya pinagbubuhatan ng kamay sa pagkakaalam ko ay malaki ang galit--" hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin dahil nag-aalangan siya kung sasabihin niya ba ito o hindi. "Anong ibig mong sabihin Ocypete? Na galit siya kay Bella?" tanong ni Savania. "Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko sayo Bella. Naroon kasi ako ng mga oras na yun. Noong sanggol ka pa lamang. Yun yung araw na dinala ka ni Prinsepe Red dito sa palasyo at ibinigay kay Marsyas. Sa pagkakatanda ko ay nagmula si Prinsepe Red sa Romgar kung saan ang mundo ng mga bampira, werewolves at serena. Malaki ang galit niya sa iyong magulang kaya ka niya dinakip at dinala dito sa kaharian ng Muspelhiem." kwento sa akin ni Ocypete na ikinagulat ko. Kaya ba ganon nalang kalupit sa akin noon si Prinsepe Red? "Ngunit hindi ba ikaw na din ang nagsabi Bella na umiiba na ang pakikitungo niya sayo. Kaya baka naman nagbago siya dahil sa pagmamahal niya sayo." sabi naman ni Savania. "Sa tingin ko rin. Baka nakalimutan niya na ang dati niyang iniibig ng dahil sa pagmamahal niya sayo." sabi naman ni Ocypete. "Ano pa bang alam mo tungkol sa pagdala sa akin dito ni Prinsepe Red?" tanong ko sa kanya. "Yun lang ang alam ko. Siguro ay siya nalang ang tanungin mo sa bagay na yun. Karapatan mo ring malaman kung sino ang mga magulang mo." sabi niya sa akin. Hanggang sa makauwi kami ni Salvania sa aming kanya-kanyang kubo ay hindi parin maialis sa isip ko ang sinabi niya. Gusto kong malaman ang tungkol sa mga magulang ko? Gusto kong malaman kung totoo ba ito? Hindi ko na alam kung sinong papaniwalaan ko. Kaya nagpasya akong bumalik sa palasyo at puntahan si Prinsepe Red. Tangging siya lang ang makakasagot ng lahat ng katanungan ko. Red's POV "Ano nanamang kagaguhan ang ginagawa mo kay Bella?!" inis na sigaw sa akin ni Surtr habang nag-uusap kami sa kanyang silid. "Wala ka na doon. Ayaw kong pag-usapan ang mga walang kwentang bagay na yan." walang gana kong sagot sa kanya. "Yung mga pagmamalupit mo sa kanya hinayaan lang kita pero ang mga kawalang hiyaan mong ginagawa ay sobra na!" inis niyang sigaw sa akin na halos mag alab na ang kanyang mga mata at kamay. "Eh, ano naman ngayon. Ang boring naman kasi kung paglilinis nalang ang gagawin niya bago ko siya ialay kay Hel. Kaya napag-isipisip kong makipaglaro naman sa kanya paminsan minsan." sagot ko sa kanya na may nakakalokong ngisi. Mga ilang sigundo lang ay dumapo na sa munka ko ang kamao niya. Sinasabi ko na nga bang may pagtingin siya sa babaeng yun. Mas napangisi ako sa naisip ko. Bumangon ako at pinahid ang dugo na tumulo sa gilid ng labi ko. "Kaibigan wag kang maingit subukan mo rin baka mag-enjoy ka rin." sabi ko sa kanya at humalakhak ng malakas. "Hindi ka ba nakokonsensiya sa mga pinag-gagagawa mo?!" sabi niya sa akin. "Hindi. Kulang pa ang mga yan sa kasalanang ginawa sa akin ng mga magulang niya. Kung hindi dahil kay James matagal na sanang napasaakin si Eliz at hindi namatay ang kapatid ko!" inis kong sabi sa kanya habang inaalala ang mga kasalanan sa akin ni James. Sinisigurado kong pagbabayaran niya ang hinawa nila sa akin. "Bella?" gulat na sabi ni Surtr habang naka-tingin sa may pinto. Gulat na naka-tingin sa akin si Bella habang umiiyak ito. "Bella magpapaliwanag ako!" sigaw ko ng tumakbo siya paalis. Alam kong nandito lang siya sa palasyo at hindi pa siya nakakalayo. "Hanapin niyo si Bella at dalhin niyo siya sa silid ko. Siguraduhin niyong wala ni isang galos sa katawan niya." utos ko sa mga kawal na nakita ko para tulungan akong hanapin si Bella. "Kamahalan kinuha po siya ng lalaking may yelong kapangyarihan!" sigaw ng isang kawal sa akin. "At sino naman ang pakialamerong yun?!" inis na sigaw ko. "Kamahalan may ibinigay siyang papel." sabi ng lalaki at iniabot sa akin ang papel na wala namang sulat hanggang sa lumitaw ang pangalan niya na nakasulat sa papel. Cresent Kaisler Allenswroth Naikuyom ko ang kamao ko sa inis dahil sa apelyedong nakalagay doon. ~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~~♥
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD